EPISODE 4

45 6 4
                                    

AN: Hello po maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa akin sana'y hindi kayo magsawa at comment lang po kayo para mas ganahan lalo akong magsulat lab u all ❤❤❤

-----------

Hindi nakagalaw si Time dahil nabigla siya sa pagyakap prinsesa Erin at dahan-dahan na pumunta ang kamay niya sa likod ni Erin, marahan na tinapik niya iyon dahil sa pag-iyak ni Erin.

"Come on," aya ni Time.

Napatingala si Erin kay Time at napatitig sa gwapong mukha, nasa isip ni Erin na wala na siyang iba pang mahihingan ng tulong kung hindi si Time lang kahit hindi magkaunawaan sa unang pagkikita.

"Gusto ko ng kumain pakiusap nanghihina na ako hindi ko alam kung saan ako tutungo, napakalaki at napakagulo rito."

Tahimik na pinagmasdan lang ni Time si Erin dahil bakas sa magandang mukha ni Erin na nanghihina na ito sa gutom ngunit nagtataka rin si Time dahil sa pananalita ni Erin.

"Tumayo ka na,"

Inalalayan ni Time si Erin at naglakad sila patungo sa kotse ngunit napansin ni Time na may ilang tao ang panay kuha ng litrato at video.

Shi*

Murang bulong ni Time at minadali na niya na makapasok sila sa kotse, matapos makapasok ay mabilis na pinaandar ni Time ang kotse. Napapatingin naman siya kay Erin dahil panay ang lingon sa likod at para bang ngayon lang ito nakakakita ng kotse.

"You know there's something strange about you and I don't know if you meant to be like that,"

Ani ni Time dahil pakiramdam niya kakaibang babae si Erin at hindi lang niya maunawaan kung ano.

"Hindi kita maunawaan," inosenteng sagot ni Erin.

"Forget it," tanging nasabi na lamang ni Time.

"Gusto ko lang malaman na ang tawag rito ay kotse? Isa ba itong bagong naimbento para sa digmaan o pagsakop sa mga kaharian?"

Salubong ang kilay ni Time dahil sa sinabi ni Erin, hindi tuloy niya alam kung paano magre-react sa mga kakaibang sinasabi ni Erin.

"Ginagamit itong kotse para mabilis kang makarating sa iyong pupuntahan," sagot lang ni Time at patuloy na nagmamaneho.

Napansin niya na napapatango at manghang-mangha si Erin na muling pinagmasdan ang kabuan ng kotse.

"Saang lugar ka ulit nagmula?" Kuryos na tanong ni Time.

"Sa kaharian ng Ivary." Mabilis na sagot ni Erin na nakangiti pa.

Tumango lang si Time at kinuha ang cellphone nag-search siya sa lugar na sinabi ni Erin ngunit walang lumalabas na detalye.

"Ano ang tawag sa kagamitan na 'yan?" Namamanghang tanong na dungaw ni Erin sa hawak ni Time.

"Cellphone, by the way, are you sure about the place you said you live?"

Tumango ng sunod-sunod si Erin dahil alam niyang tama ang sinasabi niya. Pero bahagya siyang natigilan dahil nasa isip niya nauunawaan niya ang mga sinasabi ni Time sa paiba-ibang klaseng dialogue ni Time.

"Are you telling the truth? How can i help you if you are not telling the truth? the place you say doesn't exist."

"Ngunit nagsasabi ako ng totoo," nag-aalalang sabi ni Erin.

"Saan ka talaga nakatira? Ihahatid kita doon pagtapos mo kumain,"

"Sa kaharian ng Ivary ako nakatira nagsasabi ako ng totoo iyon ang katotohanan."

Napatingin lang si Time kay Erin at nakikita niya sa mukha ni Erin na nagsasabi ito ng totoo ngunit wala ang lugar na sinasabi ni Erin. Naisip ni Time siguro kailangan muna niyang kumain dahil baka nakalimutan dahil sa sobrang gutom.

Dinala ni Time sa isang mamahalin na restaurant si Erin, lahat ay napapalingon sa kanila binalewala na lang iyon ni Time, samantala si prinsesa Erin naman ay manghang-mangha sa nakikitang magagandang mga desinyo at mga kagamitan.

"Napakaganda rito at ang bango ng mga naamoy ko ito ba ang kusina ng kaharian ninyo?"

Napatingin lang si Time at napapailing na lang, naupo na sila at may kausap si Time na waiter upang sabihin ang order niya.

"Salamat sa'yo kahit hindi maganda ang una nating pagkikita ay tinulungan mo pa rin ako."

Nakangiting sabi ni Erin at napatitig si Time sa magandang mukha ni Erin, tumango lang si Time habang hinihintay nila ang pagkain.

"Napakaraming pagkain at lahat ay mukhang masasarap at kakaiba, naalala sa kaharian namin ganito rin maghanda sa tuwing maghahapunan kami."

Napalingon bigla ang mga waiter na nagdadala ng mga pagkain dahil sa sinabi ni Erin.

"Kumain ka na," sabi lang ni Time.

Hindi naman malaman ni Erin kung ano ang uunahin na kainin dahil maraming pagpipilian. Una niyang tinakpan ang steak dahil naalala niya ang ganung uri ng pagkain na hinahain sa kanilang kaharian.

Naging busy naman si Time sa cellphone dahil nag-message si Antony sa kaniya at tinatanong kung magkasama sila ni Erin.

Antony
Brod magkasama ba kayo ni prinsesa?

Typing...

Time
Yes

Sagot ni Time at mabilis na nagreplya agad si Antony may sinent na video at picture.

Antony
Trending ka rin brod ang prinsepe ng prinsesa haha

Mabilis na pinasok ni Time ang cellphone sa bulsa niya dahil sa nabasa at nakitang picture dahil kanina na pagkuha niya kay, Erin.

Napansin ni Time na marunong kumain ng maayos si Erin at kahit gutom na gutom ay napakaayos kumain at hindi makalat.

"Paano nakapunta sa bathub ko?"

Natigilan naman si Erin sa tanong ni Time at saglit na nagisip at naalala ang eksena kung saan doon mismo siya umahon sa paliguan ni Time.

"Hindi ko rin alam ang natatandaan ko 'ay hinahabol ako ng taksil na kapatid ng aking amang hari upang patayin rin ako..." Saglit na tumigil si Erin sa pagsasalita dahil naalala ang amang hari niya na pinatay.

"Pagkatapos?" Kuryos na tanong ni Time.

"Bigla na lang akong lumusot habang ako ay tumatakbo at ang tanda ko nahulog ako sa malalim at tubig ang binagsakan ko."

"Sa bathub ka napunta kung saan ako naliligo? Niloloko mo ba talaga ako? Anong klaseng kasinungalingan 'yan? Ginawa mong pelikula ang nangyari sa'yo."

Medyo asar na litanya ni Time dahil pakiramdam niya sumasakit at kumikirot ang ulo niya dahil sa mga pinagsasabi ni Erin.

"Ngunit nagsasabi ako ng totoo bakit ayaw niyong maniwala?"

Napatingin si Time kay Erin na nangingilid ang luha sa magkabilaang mata. Napaukaw naman ang isip ni Time ng biglang tumawag si Antony, ayaw sana niyang sagutin dahil aasarin lang siya nito ngunit sinagot pa rin niya.

"What?" Walang emosyon na sagot ni, Time.

"Brod, pumunta ka dito."

"For what?" Iritadong sagot ni Time.

"Sa korona na naiwan mo dito, brod alam mo kung magkano ang halaga ng korona na 'yon?"

"What?" Hindi makapaniwalang sabi ni Time at napatingin siya kay Erin.

"Tumataginting lang naman siya ng limang bilyong peso!"

Natigilan si Time dahil sa sinabi ni Antony at napatingin kay Erin, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Antony.



Ang Prinsesa at Ang BilyonaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon