EPISODE 5

30 5 0
                                    

"Stay here, babalik ako."

Napatango lang si prinsesa Erin, matapos kumain ni Erin ay dinala siya ni Time sa condo ulit nito.

"Use this and take a shower,"

Nilingon ni Erin ang tinutukoy ni Time sa sofa may t-shirt na puti roon at pajam na stripe. May tuwalya rin at meron ring bra at panty na nakalagay sa paper bag na galing kay Antony, dahil nasa parking si Antony at naghihintay kay Time, pinadala niya ang gamit na pambabae na yon kay Antony upang magamit ni prinsesa Erin.

"Maraming salamat at muli mo akong dinala rito,"

Pahabol na sabi ni Erin kay Time bago lumabas ng pinto si Time, hindi na nagsalita si Time lumabas na ito at naiwan si Erin sa loob.

Napapangiti naman si Erin nang lapitan ang damit na nasa sofa, kinuha niya yon at pinakatitigan.

"Kakaiba ang mga damit nila dito at malayong-malayo sa nakasanayan ko ngunit mabuti na ito upang makapagpalit ako ng damit."

Masayang naglakad si Erin at pinunatahan ang bathtub kung saan siya umahon kanina. Dahil naalala niya na doon naliligo si Time, hinubad lahat ni prinsesa Erin ang lahat ng kasuotan at ngiting-ngiti habang nasa tubig na.

"Ang sarap ng tubig sa aking balat katamtaman lang ang lamig at pakiramdam ko nawala ang lahat ng maruming dumikit sa aking balat,"

Mahinang sabi ni Erin at kung anu-ano ang hinawakan niya at tiningnan kung ano ang mga 'yon. May nakuha siyang shampoo at inisip niya kung paano buksan tinaktak niya ngunit walang lumalabas hanggang sa hindi sinasadiya na ma-push niya ang itaas at lumabas ang kulay puti na cream. Inamoy niya yon at napangiti siya dahil sa sobrang bango.

Pinahiran niya lahat ng katawan niya pati na ang maseselan niyang parte ganun rin sa ulo. Tuwang-tuwa si prinsesa Erin sa bula at tiningnan rin niya ang shower kinalikot niya yon hanggang sa mapihit niya at lumabas ang tubig mula sa taas. Bahagya pang nagulat si Erin pero sa huli ay tuwang-tuwa siya dahil para itong ulan para sa kaniya.

Matapos maligo ni Prinsesa Erin ay kinuha niya ang tuwalya at ginaya ang ginawa ni Time iyon ang pinangtakip niya sa katawan. Sinuot niya na lahat at nahirapan pa siyang gamitin ang bra dahil hindi niya alam kung saan banda iyon ilalagay at ganun rin ang panty kung hindi pa niya nakita ang magazine na nasa lamesa na may babae roon na nakasuot ng tulad nang iniwan ni Time.

"Kakaiba ang maliliit na kapirasong tela na ito ganito pala ito gamitin, nakakatuwa at pakiramdam ko mas lalong gumanda ang hubog ng katawan."

Napapangiting paikot-ikot si Erin at sinuot niya na ang t-shirt at yung pajama, nilagay naman ni Erin ang mga gamit niya sa paper bag pati na bistida niya dahil sakto lang doon.

Naupo si Erin sa sofa at nag-iisip si Erin kung ano ang gagawin ngunit mas nangibabaw ang antok sa kaniya kaya naman napahiga siya sa sofa at tuluyan ng hinatak nang antok.

------

Magkasama si Antony at Time dito sa eksperto sa pagtingin sa mga ginto at diyamante.

"Purong ginto at ganun rin ang diyamante na nakadesinyo rito, sino ba ang nagmamay-ari nito? Sigurado akong kapag nalaman ito ng iba pagkakaguluhan ito."

Nagkatinginan si Time at Antony dahil sa sinabi ng kausap nila.

"Sa tingin mo saang galing ang korona na 'yan?"

Tanong ni Antony, saglit na hindi sumagot yung lalaki.

"Wala pa akong nakita na ganitong klaseng korona dahil simply lang ang design niya pero ang halaga niya ay talaga namang mabibigla ka. Mukhang sinauna pa ito at galing talaga sa mga mahaharlika katulad ng mga reyna o prinsesa."

"Posible ba na may prinsesa na hindi makikita sa ating mundo?"

Natigilan ang lalaki at ganun rin si Antony dahil sa tanong ni Time, mayamaya'y natawa naman yung lalaki dahil sa kakaibang tanong ni Time.

"May mga prinsesa at prinsepe naman noon at sa ibang bansa ngunit hindi ko alam kung sa ibang mundo dahil hindi naman natin alam 'yon." Napapangiti na napapailing na sagot kay, Time.

"May narinig ka na ba lugar na Ivary? O kaharian ng Ivary?" Kuryos na tanong ni Antony.

Napailing yung kausap nila at natatawa.

"Siguro ang tanungin niyo tungkol sa ganyan yung mga eskperto pagdating sa ganyan dahil wala talaga akong alam tungkol riyan."

Napaisip naman si Time at Antony dahil sa sinabi ng kausap nila. Hanggang sa umalis na silang dalawa at nasa sasakyan na sila ulit.

"Dumagdag pa 'to sa isipin ko," pagbibiro na ngiting sabi ni, Antony.

"Malaki ring katanungan sa akin kung paano siya napunta sa bathtub ko at sinabi niya na kasalukuyang tumatakbo siya at hinahabol raw ng bigla siyang mahulog at pag-ahon niya nandoon na siya sa bathub ko." Kuwento ni Time kay Antony.

"Time travel? Ano 'to drama o pelikula? May ganun ba talaga?"

Natigilan naman si Time dahil sa sinabi ni Antony sa time travel.

"Paano kung nag-time travel nga siya? Pati ang pagsasalita niya ay kakaiba,"

"Kung ganun totoong prinsesa talaga siya?"

Hindi naman sumagot si Time dahil hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa totoong katauhan ni prinsesa Erin.

"Nakita ko sa video may suot rin siyang kuwentas at porselas pati hikaw sigurado akong lahat yon ginto at diyamante."

Naalala naman bigla ni Time yung mga suot ni prinsesa Erin pati na yung pag-abot ni Erin ng korona kay Time na sinasabi na tulungan siya makabalik sa kaharian at baka sapat na ang korona bilang kabayaran.

"Mas mayaman pa pala sa'yo ang prinsesa na yon,"

Ani ni Antony at hindi na nakasagot si Time dahil nagring ang cellphone niya ang mama niya ang nasa kabilang linya. Sinagot ni Time dahil biglaan ang tawag ng mama niya.

"Ma, napatawag ka?" Sagot agad niya.

"Ano ba itong kumakalat na balita tungkol sa'yo na may pinasakay ka sa kotse mo na baliw na babae at dinala mo pa sa condo mo? Nababaliw ka na ba?"

"Ma, magpapaliwanag ako." Sagot ni Time.

"Ayusin mo 'yan masisira ang pagkatao mo hindi pa nga ikaw ang namamahala sa kompaniya 'ay may ganito ka ng kalokohan na ginagawa. Paalisin mo ang baliw na babae na 'yon dahil darating na si Michelle."

Natigilan si Time dahil sa sinabi ng mama niya dahil para kay Time hindi niya na kailangan ang kompaniya ng kaniyang ama dahil may sarili siyang negosyo. Lalo na ang babaeng pakakasalan niya na hindi naman niya gusto. Kagustuhan ng magulang ni Time ang ipagkasundo siya kay Michelle, ang inaanak ng kaniyang mama.

Pinatay na ng mama ni Time ang tawag at tahimik na napasandal siya.

"Alam na rin pala nila sabagay ang bilis kumalat ng video at katulad niyan nakikita mo?"

Napalingon si Time sa tinutukoy ni Antony, dahil sa labas ng building nang condo ay maraming tao ang naroon at mga reporter.

"Hindi ka puwedeng pumanta diyan ngayon kung hindi kukuyugin ka nila,"

Asar na napatingin sa oras si Time alas otso na ng gabi naroon lang sila ni Antony sa may gilid naghihintay mag-alisan ang mga tao lalo na ang reporter.

Inaalala naman ni Time na naiwan si prinsesa Erin na mag-isa dahil baka kung ano na ang ginagawa doon.

"Babalik na pala si Michelle dito, sigurado akong alam niya ang tungkol sa prinsesa. Kaya siguro nandito na siya, sasakit lalo ang ulo mo okey lang sana kung ang baba ang masakita."

Pagbibirong sabi ni Antony dahil gusto niya lang patawanin at pakalmahin si Time.

"Siraulo ka talaga," napapailing na sabi ni Time.

"Mabuti pa doon muna tayo sa resto ko dahil hindi 'yan aalis siguro naman hindi lalabas si prinsesa mo." Pang-aasar ni, Antony.

Napailing na lang si Time dahil sa pang-aasar ni Antony, pinaandar ulit ni Time ang kotse.

Ang Prinsesa at Ang BilyonaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon