ika-anim...

8 0 0
                                    

Dakilang tambay si ako ngayon... So type-type na lang.
Kung mapagtyatyagaan mo 'to,  thank you.  Pero kung hindi naman... then sige... dumaan ka lang.

Raze's

       Hay buhay! I was just thinking,  why am I bored today?  Sunday,  ano nga bang gagawin ko ngayon?  Nanay ko kasi,  linggo naman ginising pa ako ng maaga.  Palibhasa ang tatay kong "lagalag", ayon sa nanay ko, dumating na.  Pero wala pa akong nalalanghap na amoy ng macaroons.  Where are they? Isip-isip na lang Raze! Alam ko talaga,  may gagawin ako ngayon hindi ko lang maalala.  Bahala na nga,  makaidlip muna.
        Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko.  Anong oras na ba?  Kung kelan naman nasa kasarapan ka ng tulog mo,  saka pa may mambubulabog.  Laki talaga ng problema ng iba 'no?  Nandamay pa!  Tss!
"Hello?  Kung sino ka man,  alam mo bang nasa kasarapan ako ng tulog ko?  Wala ka bang magawa?  Pasagasa ka muna,  dalawin na lang kita sa ospital paggising ko, okay? " Akma ko ng ibaba ng marinig ko ang pamilyar na tinig.

"Hoy bitchy!  Anak ng hayop na kambing!  Kung ikaw kayang ipasagasa ko?  Papatayin kita ng tuluyan!  It's already two o'clock in the afternoon and you're still in your bed? " Baklang Red 'to., lumalabas pagkabakla.  Tch!

"Oh,  ngayon? Problema mo ba?  May lakad ba tayo? " Hindi ko talaga maalala,  wala akong maalala.

"Ang bitchy mo talaga!  Hindi mo naalalang may partee-partee sa condo ko ngayon? Sabi mo magluluto ka ng specialty mo,  usapan natin one pm you'll be here! Anong petsa na? " Galit na sagot nito.  Shoot!  Eto pala nakalimutan ko?  Sabi na nga ba, eh. Tsk!  Patay na naman ako nito!  Eh sa nakalimutan ko.

"Oo na.  Sorry naman,  nakalimutan lang. Sensya, chill.  I'll be there in twenty minutes! "

"Make it quick,  by 6 pm we should finished the cooking,  ayokong maging haggard. 'Wag mo akong itulad sayo kaya bilisan mo!! ". Ang panget talaga ng baklang to.  Makalait feeling ang ganda nya.  Kumusta naman ang abs nya, di ba?
Bahala syang maghintay,  mga patay gutom pa naman yong mga kaibigan nyang baliw, maghintay sila.

          After preparing myself, I quikly get out of the house. Taxi na lang ako ngayon,  pagbayarin ko si Red. Kasalanan nya naman, eh. I texted him that i'll be there in a minute and come down, bring some money and pay the cab. Simple as that.  I wanna laugh my self out when I recieved his reply. Hindi naman makatitiis yon,  he knows me well. After a few minutes, the cab is near  in the entrance already and I saw Red frowning.

"Hon,  noo mo.  Tandaan, ang wrinkles,  nakakatanda, nakakapanget.  Wag mong hayaang mapaagang makita yan sa pagmumukha mo. " Saad ko sa kanya ng makababa ako ng taxi.  Walang reaksyon?  Pagkatapos bayaran ang taxi,  inirapan lang ako. Taray,  feeling may dalaw?  Hihi

"Ewan ko sa'yo.  Sana malapit na tayong matapos kung maaga kang pumunta.  Pa-check ka na,  nagiging makakalimutin ka na. " Problema nitong baklang 'to? 

"Ah,  Red,  may pinaglalaban ka ba? " Pa-inosente kong tanong sa kanya. Nakakatawa pagmumukha nya ng marinig ang tanong ko.  Hindi na lang ako kumibo hanggang makarating kami sa unit nya. Bakit halos nasa tuktok na 'tong unit nya?  Pwede naman sa 3rd floor lang, pinili pa talaga ang 27th floor.  Ano bang kinaganda sa mataas?  Sabihin nyo nga?  Mahihilo ka lang. Tch!

"Faster!  I've boiled the noodles already.  Make it fast! " Hindi ko na namalayang nakapasok na pala kami at nasa kusina na. Hinagisan na ako ng apron at... snob-snob na muna.  Saglit na lang naman pala dahil nagawa nya ang noodles.  Doing one of my likes is making me happy.  I love cooking as much as I love eating. Masiba raw ako sabi ng kuya kong feeling.  Hobby lang ang kumain,  masiba na agad?  Asan ang hustisya?  Nasan ang hustisya na para sa'kin?  Laki lang ng pinaglalaban!  Hahaha
The sauce for the pasta is nearly done. 
"Hon! " tawag ko kay Red. "Red!! Where's the nutmeg" Nabingi na naman. I am looking for  the herb to finish my dish but i can't find it. I felt some presence at my back, as my thought it was Red,  I quikly turn and about to talk when I saw a guy. Nakatulalang nakatingin sa'kin habang nakanganga.  Problema ng patay gutom na lalakeng 'to?  Isa siguro ' to sa mga kaibigan ni Red.  I haven't met all of them yet but it feels like i have an encouter at them already as Red talked about them. Taray talaga ng kagandahan ko. Nakakatulala.

"Bakit? Andon sa baba ang information center.  Anong tinatanga mo riyan?". Ganda ko talaga. Anong konek? Bahala na kayo. Pero mukhang may sinasabi sa buhay ang lalakeng itey. Raze,ipakita ang kabaitan. Pera yan.  He-he.

"Hehe. Sorry for my unwelcoming word. Nagpapractice lang ako."  Sabay ngiti ko sa kanya ng pa-cute. Eh bakit ba? Bukod sa maganda ako, cute pa. Ang umangal, do'n sa supreme court magreklamo. "By the way it's Raze. And you are?" Tanong ko sa kanya sabay baling ko ulit sa niluluto ko. "Hmmm..this is about to finish. Asan na bang baklang macho na yon? Ang tagal naman.
Mapatay nga muna ang apoy, ihahanda ko lang ang mga dish trays para sa mga pagkain. Hanap-hanap na lang, tandaan, pag ikaw nagluluto sa ibang bahay ariin mong iyo. Aba, kung ikaw ba naman mag-isa sa kusina, aasa ka pa ba sa iba? Doesn't make any sense  at all. Pagbukas ko sa tatlong cabinet, ay pisting bwisit, walang laman. Anong klaseng kusina ba 'to? Kapag ako natuluyang mainis, susunugin ko ang kusinang 'to.  Pakialam kong masira,hindi naman akin.

"Red!!! Bwisit ka!! Asan ang mga lalagyan mo rito? Anong klaseng kusina ba meron ka at puro cabinet na walang laman ang pinaglagakan mo sa'kin? Asan ang hustisya sa pawis kong napunta na sa sauce na ginawa ko?" Sabay bagsak ko sa  huling pinto ng cabinet na binuksan ko. Kainis, naiinis ako  sa cabinet, wala na ngang laman, ang baho pa. Makalabas na nga. I was about to go out in the kitchen when i saw the man still standing near the door. Akala ko ba ba umalis na to? Hindi na nga ako sinagot kanina, di ba?  Anak ng kalderong mauling,  tulala pa rin hanggang ngayon. Hindi kaya takas sa mental 'to at nagpanggap lang na kaibigan ni machong bakla? Taena. Ganitong naiinis  ako ng beri-beri slayt, wag syang haharang sa daraanan  ko at baka matulak ko pa.
"Holy shit!" Narinig kong medyo pasigaw mula sa kanya.
Nang tingnan ko, sheyt nga, nakasubsub sa basahan na kung saan galing ay hindi ko alam. Malay ko ba, hindi ko naman bahay 'to. Naitulak ko na pala sya. Takbo, Raze!
"Red, may nakapasok sa bahay mo. Nadapa, tinggnan mo baka magnanakaw. Gwapo naman kaso syempre malay mo, baka hanggang do'n lang.!" Pasigaw kong sabi sa kanya  nang makasalubong ko, may bitbit. Galing pa ata tong ibang planeta, eh.
"Ang ingay mo Victoria. Baka si Enrique lang  yon. Yaan mo na, laging lipas yon kaya may something."

"Hoy, bakla! Anong lipas ang pinagsasabi mo riyan? Naninira ka na naman, mamaya maniwala yan, broken hearted agad ako!" Putek! Fast pace ata tong lalakeng to. Gwapo nga, abnormal naman. Mas baliw pa ata sakin to.

"Ikaw ang manahimik, kung maka-bakla ka parang ikaw hindi. Oh, ilagay mo 'to ro'n sa kusina ng may pakinabang ka naman!" Sabay abot ni Red ng mga dala nya. Hitsura ng lalake, mukhang constipated na gutom. Hahaha. Mana-mana pala ugali ng mga to, magkakaibigan nga naman talaga, hanggang likaw ng utak, baliw.

"Sheyt!  Oo nga pala, do you have the nutmeg? Titigas yong sauce. Nagmaganda ka na naman ata sa labas. Ang tagal mo!" Taranta kong sita sa kanya. Nakalimutan ko na tuloy ang kailangan ko. "And you don't have any serving plate. Ano ba naman yan?"

"Oh yeah! shocks! Mabuti na lang pinaalala mo. Jarrod is coming, sya pinagdala ko. Alam mo na, share-share. In a minute he'll be here. Just prepare the food, hon, please?"
Pacute na sabi n'ya sabay halik sa pisngi ko. Lintek talaga mang-uto.  Bahala na nga. Prepare the food for the sake of stomach.

***

    After preparing, I kindly excused myself from the three men, including Jarrod who brought the serving plate, which by the way having a heavy a drink already. Aba'y ang agang tagay naman ng mga 'to. "Hoy mga lalake! Eat first before drowning into your shits!" Hindi ba nag-iisip ang mga 'to? Makalaklak lang, hala bira agad! Bahala nga sila riyan! "Red, can I use your room? Tulog lang ako!". Mabuti ng nagpapaalam, malala pa  naman ang saltik nito minsan, nangbabato ng unan.

"Okay. I'll let Bud to wake you up if you want to go home later." Tukoy nya sa boyfriend. Sweet talaga ng baklitang itey.
"Alright!  Ťhanks!" Iniwan ko na silang maglokohan. Langya, gagandang lahi ng mga itlog. Sayang lang talaga si Red.  As I came into his room, I am in awe. Aba'y kay bilis naman nitong makapag-ayos, and he was able to put a chandelier in the middle of his bed. Ginoo, pagtingala mo chandelier ang makikita. Weird talaga ng baklang yon. Samantalang ang kusina parang walang nakatira.
Hay. His bed itself is comftable. In just a minute I felt like doozing off. A nap is great after cooking, right?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon