This is my first ever attempt. Bare with me, please. Negative and minus comments are...acceptable.hehe
Ok, here it is.
Razen's POV
"Hoy!"
May lindol ba? O panaginip ko lang 'to? Umaalog ang katawan ko? Hays! Bakit ba ang dami kong tanong? Sarap kaya matulog. Lalo ko pang niyakap ang mga unan ko. Oo, tama, mga unan. Hehe
Hindi kasi ako makatulog ng wala akong unan na kayakap, sandalan sa paa, sa tagi-, anak ng! May humampas ng mabigat na bagay sa pwet ko!
"Ahhhhhhhhh!" Hindi ko napigilang sigaw.
"Juicemiyong bata eto! Gumising ka na nga Razelyn Victoria!"
"Ma, naman! Aga pa, oh! Anong oras pa lang? Ando' n na ,eh! Hahalikan na ako ni Enrique,eh! Bakit ka ba nanggigising?"
"Aba't! Pa'nong hindi kita gigisingin, eh, kanina pa ngumangawa iyang cellphone mo! Napakaingay!"
Hindi na ako sumagot.Napasimangot na lang ako sa kanya. Hindi ko rin sya maintindihan minsan. Kapag maaga pa sa alas singko ng umaga ako nagigising, bibirahan ako ng tanong na "Oh, bakit ang aga mong nagising?". Kapag alas-sais na, sabay tanong naman na "Oh, tinanghali ka na naman ?". Idadahilan pa ang gadget na walang malay . Hindi naman sa 'kin ang cellphone na iyon . Sa kapatid kong aswang . Hehe . Asan na nga ba ' yon ? Iniwan pa talaga sa tabi ko ang nakakaasar nya ng silpon . S'ya lang naman ang kilala kong nagsi -set ng alarm. Dakilang tamad ,eh. Hays..... makapaghilamos na nga at ng gumanda naman akong lalo . Ang kumontra , PANGET! Bwahahaha
Pagkatapos kong magripris ng aking silp , harap na sa mesa. Kainan na . Ang daming nakatakip na pagkain . Mga apat, oh di ba ? Sino na naman kayang sampid ngayong araw ? Ang sama lang .hehe
Ganyan ang nanay ko, tuwing umaga ang dami nyang niluluto . Para sa mga kasama n'ya sa purok . Kabalikat na raw kasi s'ya , kaya may mga prend na s'yang kasing kulit din n'ya . Dali- dali na akong kumain at baka abutan pa ako ng mga prends n'ya . Riot na naman ' yon . Ang inga y nila , mas maingay sa 'kin .
------
" Hoy, dude!"
Tawag ng kaibigan ko habang naglalakad na ako palabas ng subdivision namin . Parang nanay ko lang kung makapag "hoy". Tsk! Papasok na naman ako sa trabaho . Ilang taon na akong cook sa isang mayaman ngunit kuripot na poreyndyer .So far, so good. Walang hassle. Maliban na lang kung tinutopak ako at sasabay pa ang boss.
BINABASA MO ANG
The Kind Of Love
HumorAng magulong istorya habang bored na bored na bored si ako. Isipin ko muna ang simula! :)