RAZEN'S
Kanina pa ako naghuhuramentado.Ano ba namang kalokohan kasi ang pumasok sa isip ng nanay ko at pinasuot n'ya ako ng bestida?? Ako?"Ay hindi, sila, sila, yong mga nagbabasa.Tch!" Makipagtalo raw ba ako sa sarili ko ngayon? Kung bakit naman kasi pumayag-payag pa ako, di sana komportable ang kilos ko ngayon. Asan nga ba ako? Andito lang naman ako sa Arena, watching basketball tournament. Masaya na sana, talon dito, sigaw ro'n, cheer sa team na gustong-gusto ko. Kaso, distracting pala ang nakabistida, a four inche below the knee cotton spaghetti strap.Flowy, para lang akong commercial model ng feminine napkin."Nakakatawa, Raze! Model? Sige, push mo ang kagandahan mo!", sabi ng kontrabida kong utak.
"Anak ng--! Victoria, mukha kang taeng inapakan ng kabayo, dude.
Nyahahaha. Problema mo ba?"Minsan talaga hindi mo maiwasang makaisip ng kabrutalan sa tunay na kaibigan. Pwede kayang ito na lang ang ipaapak ko sa kabayo? Alam nya naman kung bakit ako mukhang miserable. Ang totoo, kanina pa ako nangangati sa suot ko. Opo, tama, hindi pa ako nakakamove on. Mayaya na ngang kumain tong kasama kong bruha. And this unadorable friend of mine needs to give me some credit.Kailangan ko ng libre dahil nanalo ang aking peyborit team kaya ako ang magpapalibre. Bwahaha! Gusto ko ng spaghetti sa jollibee, caramel sundae sa mc donald, california maki sa kfc, at milk tea sa infinitea. Charap! Hindi po ako nag-e-endorso, pramis. Yan lang po talaga ang gusto ko, simple pero marami. Kailangan yan ng flat kong tiyan.
Uhurmm!
"Rheyn, please, stop drooling. Ang poise, waley na. Wala kang
mapapala riyan sa mga lalakeng..umm..panget?"Pintas ko sa sinisinta "nya raw"."Ay huwaw, Victoria. Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan ni Enrique mong negro!" React ng ampalaya. Tunog bitter nga talaga.Hahaha
"Ekyus mey, he's not negro. He's just tanned." Sagot ko sabay ngísi.
"Tanned, tanned, tantanan mo ako.Wala kang libreng pagkain. Kala mo, huh? Kilala ko yang likaw ng bulate mong singpayat mo."
"Dude naman, hindi ka ba naawa sa'kin? Kaya ako namamayat dahil hindi mo na ako nililibre. Maawa ka naman sa naghuhuramentado kong sikmura."
BINABASA MO ANG
The Kind Of Love
HumorAng magulong istorya habang bored na bored na bored si ako. Isipin ko muna ang simula! :)