AMELIA'S POV
WALA NANG tutulong pa sa amin kundi maging isang maparaan upang mabuhay dahil wala na ring ibang mga nararapat na magprotekta o kunin kami para iligtas sa nakapaligid na mga zombies na kahit saan magpunta ay marami sila.
Narito kami ng ilan kong mga kasama sa iisang silid na kung saan ang dance practice nagaganap.
Dito lamang ang ligtas na napuntahan namin nung nagsimulang magkagulo ay dito na kami nagtago pero kinakailangan naming maghanap ng makakain dahil mamamatay naman kami sa gutom kung nandito lang kami magkakasama.
Tumayo ako bilang volunteer sa paglabas upang makahanap ng pagkain at ang ilan ay nakatingin lamang sa akin na wala silang balak na samahan akong lumabas para maghanap ng pagkain.
Alam kong takot sila ganun rin naman ako pero ayokong mamatay kami pare-pareho sa gutom rito kaya't lalabas ako para maghanap kahit ako lang mag isa ngayong nag volunteer.
“Amelia, hindi lang ikaw rito iyong matapang tandaan mo iyan.” mayabang na sabi ni Ceven.
“Sasama akong maghanap ng makakain dahil ayoko ring mamatay sa gutom rito.” dagdag nito at tumayo na siyang nakamulsang lalapit sa'akin.
“Ako rin!”
“Tama! sasama rin ako!”
“Baliw na kayo!” sigaw ng isang babae. “Kung lalabas kayo mabubusog lang yun mga zombie sa labas na napakarami nila at nakakatakot!” sigaw nya muli nang tawanan lng sya ng isa sa mga nag volunteer na maghahanap ng pagkain sa labas.
“Duwag ka lang!” natatawang wika ni Ferniel.
“Mas mabuti nang duwag kesa maging pagkain lang ng mga zombie sa labas!” sigaw nung babae.
“Pft. Duwag!” pangangasar ni Ferniel na ikinairap ng babaeng nag ngangalan Seraine.
“Mga isip bata amputa? nasa panganib na nga ang mga buhay nating lahat nakuha nyo pang magtalo na parang mga bata?!” naiinis na boses ni Shoji, ito ang pinakamatangkad at seryoso rito.
“Tara na nga guys!” pag aaya na ni Ferniel, sya ang bully sa campus at higit sa lahat kapansin pansin ang mata nyang kulay blue.
“Good luck sainyo!” cheer ni Cina na isang cheerleader rito sa campus at ex boyfriend nya si Benji na isang varsity player.
“Amelia sigurado ka ba jan sa desisyon mo? baka mapahamak ka kapag lumabas ka.” pag aalala ni Mizzy na soft hearted kong bff since elementary kami solid besties na kami.
“Hayaan mo syang maging pagkain sa labas!” iritadong usal ni Coreen na maldita.
“Coreen hintayin mo nalang ang pagbalik kong buhay na buhay ha? pero ikaw? mamatay sa pagkamalditahan mo! don't worry isasalpak ko sa bibig mo iyong mga nakuha kong pagkain para manahimik iyang maldita mong bunganga!” inis kong usal sabay lakad papunta sa pinto.
Dudukwang ako upang makita kung wala bang mga zombie sa labas nang may humila ng buhok ko kaya napatingala ako sa lakas ng sabunot.
“Gusto mong lumabas di'ba? pwes ipapakain nalang kita sa mga zombie sa labas!” nanggigil na sambit ni Coreen habang sinasabunutan ako ng malakas at bubuksan nya na sana ang pinto nang humarang si Mizzy.

YOU ARE READING
OH MY! BLOODY VALENTINE!!
Science FictionAng mundo naging magulo dahil sa nagkalat na virus na ang lahat ay natakot at nagtatago sa mapanganib na mga zombies na nagkalat. Isa na si Amelia Uno sa mga nakasurvived pero patuloy na lumalaban para mabuhay dahil gusto nyang matapos ang pandemyan...