AMELIA POV
"AMELIA!!!"
BUMALIKWAS ako ng bangon dahil sa sigaw ni Ceven at napasimangot nalamang ako dahil napunta ako sa isang silid na walang katao-tao.
Paano ako napunta rito?
Ang alam ko lang nahulog ako sa malaking puno?
Higit sa lahat may mga zombie na pinalilibutan ang puno kung nasaan ako nun' na hinihintay nilang tuluyan akong mahulog.
Bumuntong hininga ako ng wala sa oras habang inaalala ang mga pangyayari at chineck ko kung may kagat ba ako ng zombie pero wala naman.
"Gising ka na pala."
May nagsalita nalang bigla kaya nilingon ko kung sino ba iyon at nanlaki ang mata ko sa nakikita kong may lalaking nakasandal sa pader at hindi ko siya masyado makita sapagkat madilim sa part kung nasaan siya ngayon pero kitang kita kong nakasandal iyon na lalaki at matangkad.
"Ikaw ba iyong nagligtas sa'akin?"
Hindi na siya umimik na makikita ko ang pagpasok ng kanyang kamay sakanyang bulsa.
Tinignan ko lamang siya dahil meron akong kutob na kakaiba sa lalaking nasa dilim lang.
Pinagpagan ko ang likod ng palda kong suot dahil masyadong maalikabok ang sahig kung saan ako nakahiga kanina at nilibot ko ang silid dahil isa itong classroom na ang mga upuan ay magulo.Pinulot ko ang mahabang ruler na kahoy nang marinig ko ang inggay ng sapatos nun lalaking papalapit sa'akin kaya dahan dahan kong nilingon siya at napa-atras ako sa gulat.
"Zombie ka!"
Lumabas sa bibig ko dahil sobrang puti at may dugo ang kanyang bibig. Biglang napangiwi ako ng wala sa oras dahil parang normal lng siyang naglalakad papunta sa gawi kong atras atras lng ang ginagawa ko dahil natatakot at naguguluhan ako at the same time sakanya kung zombie ba ito o hindi? kasi iba ang kilos niya sa ibang zombie.
Lalo na nung nagsalita siya kanina ang mas lalong nagpagulo ng aking isipan kung ano ba siya talaga?
zombie ba ito or hindi?
"Stop!" pigil ko sakanya at huminto nga siya.
Nakakaintindi siya?
"Nagsalita ka kanina at ngayon nakakaintindi ka?" hindi makapaniwalang sambit ko at makikita ang paggilid ng kanyang labi.
"Ano ka ba talaga? bakit namumula ang mata mo at ang putla putla mo? iyang nasa bibig mo ay dugo! isa kang zombie na hindi ko maintindihan!" sambit ko sabay duro sakanya gamit itong mahabang ruler na kahoy at tinusok tusok siya.
"Hindi ako nakakaramdam kaya naman tigilan mo na iyan."
Napahinto ako sa pagtusok sakanya dahil nagsalita nanaman ito ngayon! Pero zombie siya ha?! bat siya nakakapagsalita? at bakit nakakaintindi ito?
Ano na talaga siya??
"Zombie ka! zombie ka! zombie ka! zombie ka! zombie ka! zombie ka! zombie ka! zomb-"
"Oo na. Hindi mo kailangang ipagmukha pa sa akin iyan paulit ulit dahil alam ko naman."
"N-nagsalita ka nanaman!"
YOU ARE READING
OH MY! BLOODY VALENTINE!!
Science FictionAng mundo naging magulo dahil sa nagkalat na virus na ang lahat ay natakot at nagtatago sa mapanganib na mga zombies na nagkalat. Isa na si Amelia Uno sa mga nakasurvived pero patuloy na lumalaban para mabuhay dahil gusto nyang matapos ang pandemyan...