Dumating na ang araw.
Ito rin ang araw na pinakahihintay mo.
Parang ayokong pumasok..
Alam ko kasing..
Msasaktan lang ako.
Tumawag ka nung naliligo ako kaya hindi ko nasagot.
Nabasa ko lang yung text mo.
From: BestfriendBestfriend gising na! This is the day!
-End of message-
Nag reply ako sayo na masama ang pakiramdam ko..
Na baka hindi ako makapasok.
Hindi ka na nagreply.
Siguro busy ka para sa gagawin mo mamaya.
Nagbihis ako at pumasok kahit sinabi kong hindi.
Pag pasok ko sa gate..
Napansin ko na kayo ng mga kaibigan mo na nagpeprepare.
Hindi na lang ako lumapit..
Baka kasi pigilan pa kita sa gagawin mo.
Dumiretso ako sa classroom.
Binaba ang bag ko sa upuan ko at nagayos ng gamit.
Naisipan kong tignan kayong magprepare mula sa second floor.
Dahil kita mula doon ang grounds kung nasaan kayo.
Manonood parin ako..
Kahit alam ko sa sarili ko na sobrang masasaktan ako.
Sobrang saya ang nakikita ko sa iyong mukha.
May konting kaba pa.
Sana..
May konting pagaalinlangan din.
Nakita kong lumabas na si Kath..
Si Kath na nililigawan mo.
Nakapiring sya at inaalalayan sya ng mga kaibigan nya papunta sa gitna.
Nasa stage ka at sa likod mo ay ang mga kaibigan mo na may hawak na banner na may nakalagay na 'Say Yes!'.
Kung pwede lang sana..
Gagawa din ako ng banner na may nakalagay naman na 'Say No!'.
Kaya lang hindi eh.
Nandito ako nanonood lang.
Nagreready kana at hawak mo na yung mic.
Parang gusto kong sumigaw..
Sumigaw ng 'I object! Itigil yan!'.
Tinanggal na ni Kath ang piring nya at halatang gulat sya.
Nagsimula ka narin kumanta.
Kapag nariyan ka bumabagal ang ikot ng mundo..
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso.
Ano man ang sabihin nila..
Hindi kita ipagkakaila pagkat ikaw lang ang minamahal ko o aking diwata.
Kumanta ka hangang matapos yung kanta.
Bumaba ka na ng stage at pumunta ka kay Kath.
Eto na..
Alam kong hindi ko na toh mapipigilan.
"Kath.." Panimula mo.
Nagsisimula ng tumulo ang luha ko kaya napaupo ako sa sahig.
"Will you be my girlfriend?"
Ang sakit.
Ang sakit sakit.
"Forever?"
Forever talaga?
Narinig kong nagyes si Kath.
Napahagulgol ako sa iyak..
Pero mahina lang.
"Okay lang yan" na pa tingala ako sa nag salita na may hawak na panyo.
Si Zairo Javier. Kaklase ko.
BINABASA MO ANG
M.O. (FIN.)
Short Story"Moving-on is not easy nor hard.ikaw lang ang makakapagsabi at magdedisisyon kung gagawin mo itong hirap o madali." \.SHORT STORY./