Three.

8 0 0
                                    

Tinulungan nya akong tumayo habang tuloy parin ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.

"Hindi mo dapat tinatago ang totoo mong nararamdaman." sabi nya sakin at tumingin sa malayo na kanina ko pa ginagawa.

May ilang sandali ring katahimikan.

"Kailangan eh. kapag sinabi ko ito, maguguluhan lang sya."

Hindi na sya nagsalita. Sa halip, tinapik nya nalang ang likod ko. Hindi ko alam kung bakit nya ito ginagawa pero I feel safe. ni hindi nga kami close ni Zairo.

Tumahan narin ako pagkalipas ng ilang minuto.

"Salamat. Pinagaan mo ang loob ko." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin sya sakin.

"Kahit ano basta para sayo."


"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Lauren, Alam kong napasin mo na ngayon lang ako lumapit sayo." Sabi nya ng seryoso ang kanyang mukha.

"Pero matagal na kitang sinusulyapan at gustong makausap. Sadyang mahina lang talaga and loob ko at ngayon lang ako nagkalakas ng loob para sabihin sayo na....






.......Mahal kita,Lauren. Matagal na."

M.O. (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon