Nagulat ako sa sinabi nya pero simula noon ay palagi na nya akong kinakausap.
Tungkol sa mga bagay na nagpabago sa nararamdaman ko sayo.
Hindi ako nagsisisi sa pagtanggap ko kay Zairo bilang isang kaibigan. Palagi syang nadyan para tulungan akong maka-moveon sayo.
Pero habang tumatagal ay lumalalim narin ang pagkakaibigan namin at nalaman ko nalang na mahal ko na pala sya.
Nagsimula syang manligaw at hinayaan ko sya. Alam ko naman sa sarili ko na sya na talaga at naka-moveon narin ako sayo. Nagpaalam narin sya sa mga magulang ko at sya pa mismo ang pumunta sa bahay.
Matiyaga syang naghintay. Sinusundo nya ako araw-araw at binibigyan ng flowers.
At dumating narin ang pagkakataon. Sinagot ko na sya. Kita sa kanyang mga mata noon ang labis nyang kasiyahan.
At sa pagkakataon na iyon, tama ang desisyon ko.
Pero hindi naman nawala ang pagkakaibigan natin. Kahit may girlfriend ka na, Pinipilit mo paring ipadama sakin na mahalaga parin ako sayo.
Best friends forever nga diba?
Kaya ito ako ngayon, kinukwento sayo ang nakaraan. Ang mga pagsubok na ating nalagpasan. Ang bilis talaga ng panahon noh?
Buruin mo, 10 years na pala tayo?
Happy Happy Friendsary sayo, Best Friend!
Kahit may sarili na tayong mga buhay ngayon, hindi mo parin ako nakakalimutan. Ako na Best friend mo na minsa'y nagmahal sayo higit pa doon pero tinanggap mo parin ako.
Ang wish ko lang sana ay huwag magmana sayo ang inaanak ko dahil pag nagkataon eh baka maging conceited din katulad mo! Jk. Ikamusta mo ako kay Kath.
Ok lang kami dito ni Zairo. Malapit narin naming ikasal at ipapadala ko ang sakal ko dyan sa California kapag hindi ka pumunta! Aasahan kita, Panget!
Siguro iniisip mo kung bakit email pa eh pwede namang itext, iChat o ipost ko ito. Kasi ito ang hilig natin dati. Ang magemail sa isa't isa ng mga walang katuturang bagay.
Masaya ako at nakilala kita bilang kaibigan, kuya at tatay na rin minsan. Salamat at hinayaan mo akong makita ang totoong ikaw. Best friends forever ha?
10 down, forever to go. Happy Friendsary, Kevin.
Your loving best friend,
Lauren
Sender: laurenpamintuan@yahoo.com
Manila,PhilippinesTo: Kevinperez_defensor@yahoo.com
San Francisco, CaliforniaDate Sent: 4/12/15
Date Received: ------∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞
The End.
Short Story kaya hanggang 4 chapters lang. Sana po nagustuhan nyo. :) Please feel free to vote and comment.
#Bestfriendgoals
#MOforlyf
BINABASA MO ANG
M.O. (FIN.)
Historia Corta"Moving-on is not easy nor hard.ikaw lang ang makakapagsabi at magdedisisyon kung gagawin mo itong hirap o madali." \.SHORT STORY./