CHAPTER 9

221 5 0
                                    

I reclined in my chair, letting out a stream of smoke that curled idly in the direction of the ceiling, while the brightness from my cigarette flickered in the dim light. It's already past midnight; my gaze stayed on her, and satisfaction flared deep within me. Her, naked and vulnerable in slumber on the sofa, was a living proof of my anger.

As I took another puff from my cigarette, my gaze drifted to the window. I have no intention of bedding her, but I won't tolerate anyone meddling with what's mine. My disdain for her runs deep; there's no doubt about it. Nonetheless, toying with her for a brief period doesn't sound like a terrible idea.

I planned to make her life a living hell after all.

Napunta sa pintuan ang atensyon ko nang makarinig ako ng tatlong katok. Mayamaya pa ay pumasok si Clarita. Saglit siyang yumuko sa akin, hindi binibigyang atensyon ang mga tauhan kong walang buhay sa sahig.

"My lord, pinatatawag n'yo raw po ako," aniya.

Gamit ang kamay kong may hawak na sigarilyo ay walang emosyon kong itinuro ang direksyon ni Irrah. "Clean and dress her up. Tell Claudio to come here."

Muli siyang yumuko saka lumabas ng silid, mayamaya ay may dala na siyang mga damit at panlinis. Nakasunod na rin si Claudio sa likuran niya na nanatiling nasa akin ang tingin. Ni isang segundo ay hindi niya man lang sinubukan na silipin si Irrah habang sinisimulan na siyang linisan ni Clarita. Wala sa sarili akong napaismid at saka nagpatuloy sa paghipak.

"Any news?" tipid kong ani.

Naglakad naman siya patungo sa harapan ng lamesa ko saka ibinaba ang hawak niyang folder sa ibabaw niyon.

"Speak," utos ko.

"Ayon sa nakuhang impormasyon ng imbestigador, dalawang taong nanalagi ang pamilya ng babaeng hawak niyo ngayon sa Italya bago sila bumalik dito sa Pilipinas. Naging gobernador ang kaniyang ama at nagtayo naman ng foundation ang kaniyang ina kung saan tumutulong siya sa mga batang may sakit sa puso."

Wala sa sariling napatiim ang bagang ko habang pinakikinggan ang balita ni Claudio.

I am right. She's Irrah.

"She really did spy on me," I stated icily, placing the cigarette harshly in the ashtray.

How dare she try to put an act in front of me? Did she really think she could fool me again? Stupida!

Napayuko naman si Claudio marahil ay hindi nakayanan ang galit sa mga mata ko. "M-My lord, napag-alaman din ng imbestigador na . . . na m-may kakambal si Ms. Zircon."

Natigilan ako at mas napatitig pa sa tauhan ko. "What did you say?"

"Iyyah Zircon, iyon ang pangalan ng kakambal niya. Matagal ng naninirahan sa Italya si Ms. Iyyah, ngunit namatay sa isang car accident tatlong taon na ang nakalilipas. T-Tingin ko po ay siya talaga ang babaeng hinahanap n'yo," may takot sa boses na patuloy ni Claudio.

Nangunot ang noo ko at wala sa sariling hinagip ang papeles sa ibabaw ng lamesa. Marahas ko iyong inisa-isa. Tumambad sa akin ang bawat detalye ng pamilya niya: Raphael Zircon, Melisa Zircon, Iyyah Zircon, at ang babaeng trinaydor ako—Irrah Zircon.

"This doesn't make sense. Sigurado ka bang tama ang impormasyon na ito?" may pagbabantang tanong ko.

Napalunok naman si Claudio at saka marahang tumango. "Ayon sa nakaraang interview ni Mrs. Zircon, nabanggit niyang kaya siya nagtayo ng foundation para suportahan ang mga batang may sakit sa puso ay dahil nagkaroon din ng gano'ng sakit ang kaniyang anak na si Irrah. Ang dahilan kung bakit sila nagpunta noon sa Italya ay para sa heart transplant nito."

I was speechless, captivated by the written details pertaining to Irrah that he had mentioned. My mind, seemingly paralyzed, ceased to process information. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako naniniwala. Imposible.

Inangat ko ang aking paningin at itinuon iyon sa babaeng nasa sofa. Tapos na siyang linisan ni Clarita. Malayo man ay kitang-kita ko ang namumula niyang balat sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan dulot ng marahas kong paghawak. Muli kong naalala ang mga sinabi niya, ang mga pag-iyak niya, at pagpipilit na hindi siya ang babaeng tinutukoy ko.

I harbor no remorse. Regardless of whether she's the Irrah who once betrayed me, their veins carry the same blood. However, an unsettling annoyance lingers within me. My anger simmered, directionless, leaving me unsettled and uncertain of where to focus it.

Mariin akong napapikit at binitiwan ang papeles na hawak ko. "Are they sure that fvcking Iyyah is dead?" I asked coldly and opened my eyes.

Tumango si Claudio. "D-in-ouble check na ng imbestigador lahat ng detalye sa papeles bago niya dinala rito."

My jaw tightened, rendering me silent. With a dismissive wave of my hand, I signaled them to leave. Without hesitation, they complied, leaving Irrah and me alone in my office again.

Ilang minuto ang lumipas, nanatili pa rin ako sa swivel chair ko. Pilit kong pinagtatagpi ang lahat, pero hindi ko makuha ang sagot. O nasa harapan ko na talaga ang sagot, pero ayaw ko iyong tanggapin.

I tightly balled my hands and turned to face the woman lying on the couch. I got to my feet and moved toward her. When I halted in front of her, I gave her a thorough examination. I ran my eyes over every inch of her body.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi pa ako nakuntento. Walang emosyon kong itinaas ang suot niyang damit upang hanapin ang bagay na makapagpapatunay na siya si Irrah, ang babaeng kinamumuhian ko. Nakita ko na iyon kanina pero gusto ko ulit iyong makita para ipaalala sa sarili ko na tama ang hinala ko, na tama ako.

For the nth time, my jaw clenched again as I found it under her breast.

"If she's not you, why the hell do you have the same tattoo?" I spat, controlling the rage that was slowly consuming me.

Natuon ang paningin ko sa mukha niya nang magsimula siyang umungot. Marahan siyang bumaluktot at niyakap ang mga tuhod dahilan para mabitiwan ko ang damit niya. Mukha siyang nilalamig at nagdaramdam sa sakit.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at saka siya binuhat. Dinala ko siya sa kaniyang kwarto, ngunit bago ko pa man siya tuluyang maibaba sa kama ay kumawit ang mga braso niya sa aking leeg.

"Mommy . . ." pikit-matang ungot niya habang naroon ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga iyon.

I just stared at her coldly. Yes, twins can look alike. Yes, she may not be the girl I'm looking for. But . . .

If you are not Irrah, then why the fvck do you have my name inked on your skin?

The Mafioso's Wrath (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon