Bare-chested and wearing only my pants, I took a slow, deep drag from the cigarette in my hand, exhaling the smoke without any emotion. I leaned back against the seat and glanced over at Irrah, who was now sound asleep in the middle seat of the car. She lay there naked; I hadn't bothered to cover her. The limousine's seats were arranged in a curved, C-shape, with her in the center and me seated on the left.
Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya, sunod ay sa iba't ibang parte ng katawan niyang namumula. Nasisiguro kong ilang oras pa ay mamamasa na ang mga iyon. Hindi ako 'yong tipo na marahas sa kama, pero dahil sa galit ko sa kaniya—o sa kakambal niya—ay nagagawa ko ang lahat ng ito. Ayaw kong maging malambot, ayaw kong dumating ulit sa puntong makikitaan ako ng ibang tao ng pagkakataon para maloko. Siya man o hindi ang babaeng tunay na trumaydor sa akin, hinding-hindi ko siya pakikitunguhan nang maayos.
Buntonghininga kong idinutdot sa ashtray ang hawak kong sigarilyo at saka pagod na pumikit. Narito pa rin kami sa labas ng munisipyo, nanatili naman si Claudio sa labas ng sasakyan. Tatlong metro ang layo niya mula sa amin. Wala sa sarili kong nahilot ang aking sentido nang muling bumalik sa isip ko ang nangyari noon.
"Ugh! I really don't want to go," I complained as I fumbled with my necktie.
Irrah stood up from the bed and walked toward me with a faint smile. Gently, she took hold of the tie I was adjusting. "Thyro," she said softly. "Your men need you there."
I heaved a deep breath. "Puwede naman akong hindi pumunta, kaya na nila 'yon. My consigliere is there."
"Amore . . ." mahina ngunit nagbabantang tawag ni Irrah.
I could only sigh and slowly hug her. "I think I'm obsessed with you. I don't want to be away from you," I whispered, inhaling her familiar scent as I nuzzled her neck.
Fvck.
Despite our short time together of only five months, her mere presence ignites a fire within me. Our journey began when she joined my front-legal business as my secretary here in Italy. Since then, every moment with her has been an exhilarating adventure.
"Te amo, teroso . . ." puno ng sinseridad na bulong niya at niyakap ako pabalik.
Hindi ko alam kung bakit, pero tila kakaiba ang dating ng boses niya ngayon para sa akin. Asta akong hihiwalay nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Isinubsob niya pa ang kaniyang ulo sa aking dibdib.
"Are you okay? May problema ba?" maamo kong tanong.
Umiling naman siya. "Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, Thyro. Please . . . be safe always."
Once again, I heaved a deep breath and hugged her tight, too. Hindi na ako nagsalita pa, siguro ay nag-aalala lang talaga siya sa akin kaya ganito ang kilos niya ngayon. Noon pa man, palagi naman siyang ganito, mas dama ko nga lang ang pag-aalala niya ngayon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba.
"I love you, too. So much, Irrah," I replied.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa marinig ko ang pagdating ng helicopter, senyales na kailangan ko nang umalis. Papunta ako ngayon sa Espanya para sundan ang ilang tauhan ko, may malaking transaksyon kasi kami roon—bentahan ng de-kalidad na armas. Maaari man na hindi ako pumunta ay hindi ko rin maitatanggi na delikado iyon, lalo na at malaking sindikato rin ang katransaksyon namin.
Namaalam na ako kay Irrah, hindi ako nag-aalala para sa kaniya dahil mahigpit naman ang seguridad dito sa mansyon. Bukod pa roon ay narito rin ang aking mga magulang, alam kong hindi nila pababayaan si Irrah sakaling may mangyaring kaguluhan. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
The Mafioso's Wrath (ongoing)
RomanceDARK ROMANCE| ERO| ACTION| DRAMA Thyro Tobias Holgado, a mafioso from Italy, flew to the Philippines on a quest to retrieve their family's stolen mafia crest. In order to complete the mission, he must reunite with the stealer; Irrah Potacah Zircon...