CHAPTER 13 [THE END]

3.8K 116 15
                                        

NANG SUMUNOD na araw ay pinauwi na sila ng Doctor at babalik nalang daw kung may check-up o concern tungkol sa kaniya. Elijah still couldn't believe what the doctor had told him at the hospital.

I'm pregnant? And I'm carrying a baby now? Menceintesia? Everything seemed so unreal. He surely wasn't living in a fantasy world, right?

"You seem spaced out, Elijah. Is everything okay?" pukaw ni Harrison sa kaniya.

He nodded. "I'm alright. Hindi lang talaga ako maka-get over sa mga pangyayari. Parang ang bilis kasi. Imagine, we just lost our parents, and then this happened. I got pregnant, which is not so easy to believe. And we've actually just adopted a baby."

Para bang nag time lapse lang ang lahat at hindi na niya namalayang nangyari na pala ang mga ito. He was still trying to absorb everything, struggling to comprehend what was actually going on around him.

"Nag-o-overthink ka lang sa mga bagay-bagay. Maybe that's just a symptom of being pregnant. You know, the doctor told me not to stress you out, so please, stop dwelling on it and just let everything go smoothly," Harrison said, his attention still focused on the road.

"Yeah, you're right. Maybe it's because I'm pregnant," Elijah sighed, glancing back at their baby in the back of the car na karga-karga ng isa sa kanilang mga katulong.

"Okay lang kayo d'yan, Aling Belen?" Harrison called out.

"Okay lang naman ako, sir," sagot nito.

"Ako muna hahawak kay baby Cristoff, Aling Belen," alok niya na tinanggihan naman ng katulong.

"Kaya ko naman po dahil sobrang gaan lang naman ng baby, sir. At hindi po kayo puwedeng mapuyat."

"I agree. You should take care of yourself, baby. Stressing over things around you isn't good," sabat naman ni Harrison.

Bilib din ako sa mga katulong ni Harrison, super dali nilang natanggap at naintindihan ang sitwasyon at para bang madali lang sa kanila ang pag-absorb sa mga pangyayari.

Or maybe he's just taking it so hard because he's pregnant?

He sighed. Same question again and again.

"Buntis lang ako pero hindi naman ako lumpo," umirap siya sa lalaki. "Huwag mo akong pigilang gawin ang mga bagay na kaya kong gawin, Harrison."

"Now you're starting an argument again," he heard Harrison sigh. "Feels like a wife arguing with her husband."

"Hindi nga ako babae!" saway niya dito.

He's a loud and proud gay, and he may act feminine, but he doesn't want Harrison to treat him like a freaking woman.

"Hindi nga, I'm just being protective because you're carrying our child," Harrison said, his tone softening with sincerity.

"So wala ka ng pakialam sa akin pag nakalabas na ang bata sa sinapupunan ko?" asik niya dito.

Natawa naman si Harrison sa kapares. "Ayan ka na naman, kakasabi ko lang na huwag kang mag-overthink."

"Ganoon naman talaga ang gusto mong iparating."

"Baby, pregnant or not, I will always protect you. I'd even dodge a bullet just to save you," sabi nito at inabit ang kaniyang kamay. "I want to hold you like this forever."

"Corny mo talaga," ngingiti-ngiting saad niya.

"Kita mo na, mood swing malala," bulong nito pero narinig naman niya.

"Anong sabi mo?!"

"Sabi ko, gusto ko ng kiss."

"Kiss mo mukha mo."

You're My Business [BXB] [MPREG] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon