- ANDREI "REY" -
"Ha Won!" Ayan agad ang bungad ko sa aking bestie nang maabutan ko siya sa pintuan. Tipid lang ang ngiti niya at simple lang din ang suot na white floral dress na tinernuhan niya ng emerald green na chaleko pero napaka-cool niya pa ring tingnan at ang ganda pa lalo na at ang ganda rin ng tindig niya.
"Sobrang na-miss kita! Alam mo bang lagi akong inaaway ni Kyo nung mga araw na wala ka? Sabihin mo sa akin, ano ba ang pinag-awayan niyong dalawa? Ilang araw ka tuloy nawala. Sabihin mo sa akin dali, pagsasabihan ko si Kyo mamaya," hindi magkamayaw na saad ko sa kanya matapos siyang yakapin nang mahigpit. Medyo na-conscious pa nga ako dahil kagigising ko nga lang pala, ni hindi pa ako nakakapaghilamos at sipilyo. Balak ko sanang mamaya na lang pagkatapos mag-umagahan pero dahil sa excitement na makita si Ha Won ay nayakap ko siya agad.
Sobrang na-miss ko talaga siya. Hindi kami kumpleto ni Chris sa sleep over namin kung hindi siya kasama.
Pero sa halip na sagutin ako ay nginitian niya lang ako at saka ginulo ang buhok ko. Napalabi tuloy ako para kasing lagi na lang niya akong tinuturing na bata. Hanggang ngayon, ayaw niya pa ring i-share sa akin ang sikretong relasyon nila ni Kyo kahit matagal ko na silang buko.
Pero ako lang ba, para kasing ang lungkot ng mata niya?
Nag-away ba talaga sila ni Kyo? Yun ba talaga ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang magparamdam ng ilang araw?
Kahit na mas matangkad siya sa akin ay walang pagdadalawang isip ko siyang niyakap habang nakatingkayad. Batid ko naman ang pagkagitla niya dahil sa ginawa ko pero hindi niya naman ako itinulak kaya marahan kong tinapik-tapik ang likod niya.
"Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat," paalala ko sa kanya sa paraang kami lang dalawa ang nakakarinig.
Hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaraanan niya pero ramdam ko sa paraan ng pagtitig niya sa kawalan kanina na malalim ang iniisip niya.
〰〰〰➰⚪➰〰〰〰
"Ha Won, nasabi ko na ba sa iyong masaya akong nakilala kita? Bukod kasi sa may kasama na akong girl dito sa bahay, naging friends pa tayong dalawa," masiglang kwento ko sa kanya habang magkaharap kami sa mesa.
Bigla na lang kasing tumunog yung tiyan ko kanina habang nakayakap ako sa kanya kaya nag-aya na siyang mag-almusal. Halatang-halata nga naman kasing nag-aalburoto na ang mga alaga ko sa tiyan pero ewan ko ba, hindi man lang ako nakaramdam ng hiya sa kanya. Kumportable na kasi akong kasama siya, gaya kapag sila Cris at Kyo ang kasama ko.
"Ehem, nasabi ko na rin ba sa iyo na botong-boto ako sa iyo para kay Kyo?" dagdag ko pa pero bigla na lang siyang nasamid kaya dali-dali ko siyang inabutan ng tubig at hinimas sa likod niya.
Ito naman, para naman akong others. Bakit kasi hindi pa umamin? Tutulungan ko pa siyang makipag-ayos dun sa lolo niyo. Wait, tama!
Bakit ngayon ko lang naisip?
Nang mahimasmasan na si Ha Won ay abot tenga ang ngiti na iniharap ko siya sa akin habang hawak ang magkabilang balikat niya. Akong bahala sa inyo, bestie.
"After nating kumain, pwede ba akong magpatulong sa iyo, bestie?"
"Ha? B-bestie?" sabi niya na napapangiwi.
"Ayaw mo ba ng bestie? Sige, ano na lang, best friend? bes? besh? beshiewap-"
"Bestie will do," pigil niya sa akin habang naka-straight ang labi.
Mabilis naman palang kausap itong si bestie.
"Okay, bestie. help me later. Okay?" kindat ko sa kanya at nagpatuloy na kami sa pagkain.
〰〰〰➰⚪➰〰〰〰
"Wait, are we ehem, baking a blueberry cheesecake?" Nilingon ko si Ha Won habang iniaayos ang apron na suot.
"Leave it. Let me do it," saad niya at marahang lumipat sa likod ko. Napakasopistikada talaga nitong friend ko.
Umayos naman ako ng tayo at hinayaan na siyang itali nang ayos ang apron ko sa likod.
"Thank you bestie!" ngiting-ngiti kong baling sa kanya. Napansin ko naman ang pamumula ng dulo ng tenga nito. Napaka-demure niya talaga. Malayong-malayo sa akin. Buti na lang, opposite attracts. Naging bestie ko pa siya.
"So ahmm... Are we gonna bake a blueberry cheesecake?" tanong niya sa akin matapos ayusin ang apron ko. Inayos niya rin ang nagulo kong buhok. Of course, naghilamos at nag-toothbrush na ako right after naming kumain kanina. Importante pa rin hygiene at sanitation lalo na at may kakaharapin kaming pagkain.
"Actually, blueberry cream cheese tartlets. How does that sound?" tanong ko pero pigil ang ngiti na iniiwas niya lang ang tingin sa akin. Siguro ay naiisip niya rin ang naiisip ko. Favorite kasi ito ni Kyo. Hindi man halata pero may sweettooth ang lolo niyo.
〰〰〰➰⚪➰〰〰〰
Habang naghihintay na maluto ang tartlets sa oven ay inasikaso ko na ang paglilinis ng mga pinaggamitan pero hinawi lang ako ni Ha Won at pinaupo sa isang tabi.
"Let me. Just sit." Hayan na naman siya sa sa 'let me' niya. Tiningnan ko na lang siya habang nag-iimis siya dun at saka nangalumbaba.
"What happened there?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang punasan ang kitchen island. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang braso ko. Sinilip ko yung sinasabi niya at napanguso nang makita ito. Ito yung sugat na hindi ko alam kung saan ko nakuha.
"You should treat your wounds asap so it won't leave a scar. Stay there."
"Nakakahalata na ako sa iyo ha," sabi ko rito at pansin ko ang bahagya nitong pagtigil.
"W-what do you mean?"
"Kanina ka pa kasi sabi nang sabi ng sit, stay, leave it. Mukha ba akong aso?" nakanguso kong sabi habang nakahalukipkip.
"Look, I am sorry. That is not my intention. Just stay there for a while. I'll gonna get something."
Pagbalik niya ay may dala na siyang medicine kit. Kaya naman pala.
"Kailan pa ito?" tukoy niya sa sugat ko habang nililinis yun ng betadine.
"Actually, hindi ko rin alam," sagot ko na nagpataas ng kilay niya.
"You didn't even know that you have a wound?" usisa niya pero itinuloy pa rin ang paggamot sa akin.
"Hindi ko talaga alam kung saan ko iyan nakuha. Nagulat na lang ako na may sugat na pala ako diyan. Ang tagal ngang gumaling eh," sagot ko pa in a matter of fact tone.
Parang napaisip naman siya sa sagot ko.
"You know what? I think you need a proper check up." Tumayo na siya at ibinalik na ang betadine sa lalagyan matapos lagyan ng malaking band aid ang sugat ko, basta yung halos kasing laki ng palad, hindi kasama ang daliri. May inilagay pa siyang cream dito para raw madaling maghilom.
"Malayo 'to sa bituka. Okay na ito. Ilang araw lang din, galing na ito."
Tumingkayad ako at inabot ang ulo niya nang mapansin ko ang isang dahon rito. Malamang sa alamang ay nakuha niya yun sa labas kanina. Inalis ko na lang yun at nginitian siya pero inilihis niya lang ulit ang tingin sa akin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mukha niya at ang bahagyang paglunok.
Ako lang ba? Para kasing ang prominent ng adam's apple niya. Ang alam ko kasi may adam's apple din ang mga babae. Hindi lang ganung kaprominent tulad ng sa mga lalaki. Correct me if I'm wrong.
Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko dahil doon pero iwinaksi ko rin ang nasa isip ko at kibit balikat na bumalik sa upuan. Baka nag-ooverthink lang ako. Mahirap talagang alisin ang mga nakasanayan.
04042023
BINABASA MO ANG
Behind That Mask (Faces of Reality)
Mystery / ThrillerP A R T 2 - O N G O I N G - U N E D I T E D "A painful truth is better than a hidden lie." - anonymous *** Andrei has been living a life filled with fear and anxiety but she is just trying to mask it with a jolly smile, that is the only conclusion U...