- ANDREI "REY" -
Ang saya ko!
Nag-message sa akin si Nanang Celeste at sabi niya, gising na raw si Luorah at gusto ako nitong makita. Ikinuwento niya pala ako rito.
O di ba, textmate kami ni Nanang.
Isang linggo na ang nakalipas simula nung unang beses kong makausap si Nanang at simula rin ng araw na yun ay araw-araw ko silang binibisita at dinadalhan ng lutong ulam, syempre yung luto ko.
Hindi ko na rin sinusuot yung wig at yung normal get up ko na rin ang gamit ko. Tatlong beses ko nang isinama si Chris sa ospital at maski siya ay naging panatag agad ang loob kay Nanang. Mas matanda man ito sa amin pero para lang kaming buddies kung mag-usap. Syempre may paggalang at respeto pa rin pero yung paraan ng pakikitungo nito sa amin ay para talaga kaming pamilya at matagal nang magkakilala.
I cannot wait to see them again!
"Hi, long time no see~"
Tila nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.
Ako ba ang kausap niya?
Lumingon ako sa taong pinagmulan ng boses at laking gulat ko nang makita ko siya.
Naka-uniform lang naman siya pero bakit ang blooming niya pa rin sa paningin ko?
At ako, ako ang kausap niya!
"H-hi?"
Paano magpigil ng kilig? Paano?
Hindi ako mapakali, gusto kong magtatalon sa tuwa. Ako ang kausap niya! Ako!
"Kumusta ka na?," sabi niya sabay patong ng kamay niya sa aking ulo.
Pwedeng saglit lang? Pwede bang huminga muna ako? Ano ba ang dapat kong isagot?
Hindi ako nananaginip, di ba?
"A-ayos naman..." Naandyan ka kasi.
"Ikaw?," dagdag ko pa.
"I'm good," sabi niya nang abot tenga ang ngiti.
"Pwede ko bang hiramin ang phone mo?," tanong niya habang napapakamot ng batok.
Wala sa sarili na kinuha ko naman ang phone ko sabay abot sa kanya nang hindi tinatanggal ang tingin ko sa kanya.
Is this the moment?
"This is my number. Kapag may nanggulo ulit sa iyo, tawagan mo lang ako," sabi niya nang nakangiti sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siyang pupunta na siya sa kanilang klase.
"What was that?"
Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko ang itsura ni Chris na hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Sinundan niya ng tingin si Jero at saka ako tiningnan nang buong suspetsa.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Ginayuma mo ba ang isang yun?," sabi niya nang nakahalukipkip at pinanliitan ako ng mata.
"Grabe siya o. Ganun ba akong tao?"
BINABASA MO ANG
Behind That Mask (Faces of Reality)
Misterio / SuspensoP A R T 2 - O N G O I N G - U N E D I T E D "A painful truth is better than a hidden lie." - anonymous *** Andrei has been living a life filled with fear and anxiety but she is just trying to mask it with a jolly smile, that is the only conclusion U...