The following chapter contains statements that some readers might found disturbing including violence. Reader discretion is advised.
- ANDREI "REY" -
"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Balak mo bang magsumbong? Sa tingin mo may maniniwala sa iyo oras na may pagsabihan ka nito? Wala! Alam mo kung bakit? Dahil isa ka lang bata kaya sumunod ka na lang nang mabuti... Halika dito-huwag kang pumiglas kundi malilintikan ka sa akin-"
*Huff... Puff*
Humahangos na napabangon ako mula sa pagkakatulog.
Ano yun?
Bangungot na naman?
Sinilip ko ang orasan sa tabi ko at alas-dos palang nang madaling araw. Pang-ilang beses na ito na binangungot ako tungkol sa isang mamâ na galit na galit sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit napapadalas ang pagkakaroon ko ng mga bangungot.
Pinilit kong alalahanin yung mukha niya pero hindi ko magawa. Parang kanina lang nung nanaginip ako ay kilalang kilala ko ang mukha niya pero ngayon, hindi ko na tanda.
Naka-ilang balikwas na ako sa kama pero hindi ko pa rin magawang bumalik sa pagkakatulog kaya naman nagpasya na lang akong tumayo para magtimpla ng gatas sa kusina.
May pasok pa naman kami kinabukasan.
Hay...
"O-Ha Won," saad ko nang abutan ko siyang nagtitimpla ng gatas. Mukhang tulad ko ay hindi rin siya makatulog nang ayos.
Tinanguan niya lang ako at bumalik na sa ginagawa. Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw, parang bihira niya na akong kausapin. I mean, pinapansin niya naman ako pero kung hindi ko pa siya kakausapin, hindi niya rin ako papansinin. Parang ganun?
Hindi kaya may LQ sila ni Kyo?
"Ha Won, ayos ka lang ba?," tanong ko sa kanya pero mukhang malalim ata ang iniisip niya dahil napapitlag pa siya at natapon ang laman ng kanyang tasa. Mabilis ko naman siyang dinaluhan at hahawakan sana ang kamay niya ngunit sa bigla ko ay tinabig niya ang kamay ko.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kamay ko na tinabig niya at isa na namang imahe ang nabuo sa isipan ko na sa sobrang linaw ay parang nakikita ko sa mismo harapan ko.
"Makulit ka talagang bata ka!," sabi ng isang mamâ sa akin matapos niyang hampasin ang kamay ko at walang pasintabi pa akong sinampal dahilan para mabuwal ako sa aking kinatatayuan. Sa sobrang lakas ng pwersa niya ay halos humampas ang mukha ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
Behind That Mask (Faces of Reality)
Mistero / ThrillerP A R T 2 - O N G O I N G - U N E D I T E D "A painful truth is better than a hidden lie." - anonymous *** Andrei has been living a life filled with fear and anxiety but she is just trying to mask it with a jolly smile, that is the only conclusion U...