CHAPTER 2 | ZEUSJAYY
Luke Harvey's POV
GOSH! This day is so harsh to me. Unang araw ko pa lang sa work natapunan kaagad ng milk tea ang sapatos ko. Malaman ko lang talaga kung sino ang g*gong 'yon, makakatikim talaga sa akin ng suntok 'yun.
Nawala ang aking iniisip nang may tumawag sa aking telepono. I don't know who the fuck it is. The phone said unknown so definetely this call is for personal use. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ito tumatawag sa business phone ko?
Nag-aalinlangan man ay agaran kong sinagot ang telepono.
"Hello? Who's this?" pambungad ko sa kabilang linya. Nagulat ako sa agaran niyang sambit.
"Hi love, I love you! Balik ka na. Miss na miss na kita." rinig ko sa kabilang boses. It is a man's voice kaya naman, sigurado akong lalake 'yon. Who the fuck gave him this number?
"Who the hell are you? I don't even have a boyfriend nor girlfriend." irita kong sambit sa kaniya. His voice was sound so drunk. Is he at the bar?
"Nakalimutan mo na ata ako, babe. Nandito ako sa Calypso Bar. Mag-isa, hihintayin kita rito." ani n'ya. He seems so serious even though he was drunk.
Magsasalita na sana ako nang namatay ang kabilang linya. "Wala pa ba talagang mas sasama sa araw na 'to?" sabay dabog ng pinto. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at agaran akong naghubad ng pang-itaas. Isinunod ko na 'rin ang aking pang-ibaba at iniwan ko na lag ang boxers ko bilang pangsaplot.
Tama ang nababasa n'yo kanina, it was my first day sa trabaho ko, at hindi lang basta-bastang trabaho kase, I am the newly elected CEO of my dad's company.
Hindi ko naman talaga dapat kukunin ang posisyong 'to, e. I don't like business. I just want to be a doctor, but because of my dad, and I don't have anything to do with his decision, I take up BS Entrepreneurship. Kahit naman hindi ko s'ya forte, I graduated the top of my class with a GPA of 1.0, that's why, in the age of 26, I became the CEO of my dad's company.
Magr-retire na si Dad bukas, and after his retirement, I will be stepping up as his successor. The board of directors elected me as the new CEO via Zoom meeting because all of them are busy. They are doing the things that Dad requested to them.
Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon ay agaran namang may tumawag sa aking telepono. Napabalikwas ako sa gulat dahil doon. "Fuck! You again!" I shouted as I answered the phone. It was the same number.
"Sir, hello? Kaano-ano n'yo po itong nandito sa loob ng bar namin? Magsasarado na po kase kami." sagot ng isang lalakeng hindi pamilyar ang boses. I stayed as quiet as I can, I was embarassed as I cursed him without me knowing that he's not the same person that I talked to earlier. "Lasing na lasing po s'ya rito, paki-pick up na lang po s'ya dahil baka mapilitan kaming kaladkarin s'ya sa labas." dagdag pa ng lalake at kaagad n'ya nang ibinaba ang tawag.
Anak naman talaga ng tokwa! Wala pa bang itatahimik ang buhay kong 'to? Kanina, natapunan ako ng milk tea, ngayon may lalakeng tumawag at kailangan kong sunduin? Talaga nga namang hindi na ako tinantanan ng kamalasan ngayong araw na 'to!
I don't have a choice but to pick up this person dahil baka ano pa ang mangyari sa kaniya sa kalsada, cargo de concensia ko pa. Tinapos ko na ang pagbabanlaw ko sa aking katawan at agaran na akong lumabas sa banyo para maghanap ng isusuot.
Malaman-laman ko lang talaga kung sino 'tong lalakeng 'to na tumawag sa akin para istorbohin ako sa oras ng pagpapahinga ko, kapag bumalik ang ulirat nito, masasapak talaga s'ya sa akin. He's giving me headache.
YOU ARE READING
CEO's Secretary
RomanceLuke Harvey Scott and Carter David Benson Story! Date Started: February 2, 2024