A cold breeze welcome me
"Ang lamig pala dito" habang bumababa sa bus.
Nag umpisa na akong mag hanap ng masasakyan pa punta sa hotel dahil kailangan ko nang matulog siguro dahil na rin sa pagod.
Maya maya ay may tumigil sa akin na SUV at bumukas ang pinto nito.
At bumungad na naman siya sa akin.
“Honey sabay na tayo papunta rin ako sa hotel kung saan ka mags-stay" pangiingganyo niya sa akin.
"No, hindi naman ako doon pupunta mali ka"
Bumaba siya at lumapit sa akin
"Mukha ba ako yung tipo na taong gagawa ng masama"
"Sapalagay ko oo, sa itsura mong yan mukha kang sindikato na nagbebenta ng pinagbabawal na gamot"
"Really you should say, handsome dahil I prefered the word handsome"
"Umalis ka nga sa harap ko"
Tinabig ko siya at nagumpisang lumakad sa paradahan.
Laking gulat ko ng bigla siyang magsalita na parang announcer
"Tulong wag nyong papasakayin ang babaeng yan ninakawan niya ako, tulungan nyo akong mahuli siya"
"Huh?!"
Hindi na ako nakapagsalita sa mga sinabi niya
"Ano bang meron sa lalaki na ito, dati ba siyang adik o kulang lang siya sa attention" bulong ko sa isip ko
Nagulat nalang ako ng biglang maylumapit na mga tao sakin.
"Teka hindi ako magnanakaw, hoy lalaki buang kaba ano naman ang ninakaw ko sayo" sigaw ko sa kanya.
Wala na akong maisip na gawin dahil napapalibutan na ako ng mga tao
"Sumama ka sa akin at ibalik mo ang ninakaw mo" ramdam ko ang pang aasar niya.
Unti unti akong lumapit sa kanya at tiningnan siya.
"Sabihin mo nga sa akin kung ano ang ninakaw ko sayo"
Tumungo siya at bumulong lang siya sa akin
"Gusto mo malaman, ninakaw mo ang puso ko kaya kung ayaw mong mapahiya tara na"
Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan na suntukin siya.
Bigla kung kinuyum ang kamay ko at sinuntok siya.
Napalakas din ang suntok ko at medyo pumutok ang kilay niya.
Mas lalong dumami ang tao na nakapaligid sa amin.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inaamin ko ramdam ko ang gigil niya kaya sumunod nalang ako.
"Sakay, sa ayaw at sa gusto mo sasakay ka!"
"Opo sasakay na, jusko para kang bata"
Pinatakbo niya ang SUV at noong nakaramdam na siya na malayo na kami sa lugar kanina ay tinigil niya.
"Hayst ano ba talaga ang gusto mo" sabay tingin sa kanya.
Laking gulat ko nang makita na dumudugo na ang kilay niya
"Hala, hoy punasan mo yan umaagos ang dugo hoy! "
Tinanggal niya ang seatbelt niya at lumapit sa akin.
"Bakit ang hirap mong kausap, sa lahat ng babae na pinormahan ko sayo lang ako nahirapan"
"Bakit mo naman ako pinopormahan"

YOU ARE READING
Shuttered Affection
RomanceWhen love strike to her soft heart. Lein Rodriguez find her self falling to unexpected man Mr. Lorenzo. As she take pictures of a wealthy fiest in Baguio. She find an interesting point of view as she click her camera towards a angelic face of him. C...