Chapter 1

40 1 1
                                        

My Client

Some of the story part are not suitable for young audience
under 18

Kaya kung bata ka wag mo nang ituloy ang pagbabasa!!

Pero makulit ka kaya tumuloy ka parin


                           LEIN POV

"Okay ma'am keep steady and smile, para makuhaan ko kayo ng magandang picture" sumunod naman si maam sa akin at nakuhaan ko siya ng maayos at magandang picture.

Para sa wedding anniversary ng asawa nya, hindi ko rin lubos maisip na siya pa ang nag aasikaso ng wedding anniversary ng dati niyang asawa na may bagong asawa na ngayon, napa sana all nalang ako kay ma'am Velasquez.

"Oh Lein ayos ba ang kuha, maganda pa rin ba ako diyan?" excited niyang tanong sa akin.

"Oo naman po, ako pa ba ma'am Velasquez the best photographer po ito" pambobola ko kay maam.

"Ay... Ang ganda nga ang galing mo talaga walang kupas at ang ganda ganda mo pa" dugsong niya sa pambobola ko na talagang kinatuwa ko.

"Thank you ma'am"

"Oh... Sya iha dahil diyan may bunos ka sa akin para narin sa effort mo"

"Talaga ma'am" na ikinatuwa ko dahil kailangan ko rin kumayod para sa pamilya ko.

"Oo naman sa sipag mong yan at saka para namang iba ka sa akin, eh ikaw lagi ang photographer ko para na nga kitang anak"

"Thank you maam well appreciated ko po ito, ang laking tulong po nito ma'am" pagpapasalamat ko kay maam Velasquez dahil na rin sa bunos na ibinigay niya na halos 10k.

Pagkatapos ng part time ko ay umuwi na rin ako para makapagpahinga, para na ring may isa pa akong client sa bonus ni ma'am.

Sumakay ako ng bus dahil medyo mura ang pamasahe pag nag bus ako pauwi sa apartment ko.

Masaya ako habang nakasakay pauwi dahil kumita ako ng 25k dahil malaki na ang pera na yon para sa budget ko at pang bayad ng apartment hanggang sa makasahod ulit ako sa kataposan ng biglang napawi ang saya ko.

Nang napalingon ako sa kanan ko isang couple ang sweet nila na halos maglampungan na, grabe sa bus pa talaga at sa gilid ko pa.

"Respeto sa single na katulad ko" sabi ko sa isip ko.

Hindi ko lang talaga matanggap na mas bata pa sa akin yung couple, ipinikit ko nalang ang mga mata ko at iniisip kung ano ang kakainin ko pag uwi ng biglang tumigil yung bus at napasubsub ako sa unahan na upuan.

Buti nalang na isecure ko ang camera ko kung hindi ay talaga namang mag wawala ako sa bus na ito.

Sa tagal man ng byahe ay sa wakas nakababa na ako.

Maglalakad pa ako ng mga limang minuto papunta sa apartment ko at ng makarating ako ay aakyat pa ako ng third floor para tuluyang makapag pahinga.

Medyo mahirap rin tumira sa urban places hindi tulad sa province na medyo mababa pa ang magiging gastos mo pagdating sa tirahan at pagkain.

Pero dahil sa hirap ng buhay at kailangan ko ng trabaho ay lumayo ako para sa pamilya ko.

Pumunta ako ng refrigerator para kumuha ng pagkain para makakain na ako at makapagpahinga na rin.

Bumungad sa akin ang ref na walang laman naalala ko na hindi pa pala ako nakakapag grocery, kumuha nalang ako ng tubig at umupo sa sofa.

Ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Shawn at sinagot ko ito.

"Hello boo kumain kana ba?" tanong niya sa akin sa kabilang linya.

"Hindi pa kakain pa lang" paliwanag ko sa kanya

"Make sure na kumain ka ha, by the way boo tapos mo na bang eedit yung mga pictures para sa article need na sya ngayon" paliwanag niya sa akin

"Boo hindi pa, need na ba ngayon?"

"Oo boo bakit hindi pa ba tapos"

"Oum oo nagpart time kasi ako hindi ko nagawa, alam mo naman ako need ko ng extrang income pero isesend ko ngayon pag natapos ko" paliwanag ko sa kanya sa cellphone.

"Boo take a rest nalang, ako na ang bahala don't worry pero aagapan mo bukas at yung favorite kung black coffee"

"Talaga boo"

"Oo naiintindihan naman kita"

"Sige sige thank you so much boo love you"

"Love you too take care na, kumain ka ha ba bye na"

At binaba na niya ang tawag hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Shawn lagi siyang nandiyan para sa akin ang swerte siguro ng mapapangasawa niya napaka perfect nya.

Nang biglang tumunog ulit ang cellphone ko.

Uminom ako ng tubig at nakita ko na si mama ang tumatawag at sinagot ko ito.

"Hello ma kamusta na kayo diyan?" tanong ko kay mama dahil pag tumatawag siya ay palagi akong nag aalala.

"Maayos naman nak, ikaw ba kumain kana ba?" tanong niya sa akin sa kabilang linya.

"Opo ma kakatapos lang, bakit po kayo napatawag?" kahit na hindi pa talaga ako kumakain para hindi siya mag alala sa akin.

"Ah eh nak need namin ng pang gastos at ang mga kapatid mo kailangan nang magbayad sa school" pinanghina ako sa sinabi ni mama.

"Ma nasan si papa?"

"Nandon sa mga kumpare niya mamaya lasing nanaman yon"

"Ah ganon po ba, eh ma kakapadala ko lang sa inyo noong last week sa kataposan pa ang sahod ko" paliwanag ko kay mama.

"Pero nak wala talaga kulang pa sa mga kapatid mo"

Sa mga oras na iyon ay may unti unting tubig na namumuo sa mga mata ko.

"Sige ma magpapadala po ako huwag na po kayong mag alala" habang pinipigil ko ang pagtulo ng luha ko.

"Sige nak salamat pasensya na ha ingat ka diyan"

"Sige ma ba bye na" napatulo nalang ang luha ko sa mga oras na lumipas.

Kahit alam kung mawawalan na ako ng pang budget at pangbayad sa apartment na ito ay nagpadala ako kay mama dahil hindi ko matiis ang mga kapatid ko at sina mama.

Iniiyak ko nalang ang lahat ng paghihirap ko habang nakatingin ako sa camera ko at sana balang araw ay yumaman naman ako.

Ang tanging hiling na gusto kung matupad bago ako ikasal habang dahan dahan ko nang pinikit ang aking mga mata sa pagod at lungkot.

Shuttered Affection Where stories live. Discover now