Chapter 3

18 0 0
                                        

LEIN POV

Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sitwasyon na nararanasan ko dahil nakatingin na siya sa mga labi ko.

Kitang kita ko ang sabik sa mga mata niya na parang gusto niya akong halikan pero pinipigil niya ang kaniyang sarili.

"Talaga boo ganon lang kayo ni Harold?" tanong niya sa akin habang nakatingin siya sa mga labi ko.

"Oo naman bakit nagseselos kaba, ikaw ha umamin ka nga sa akin" pang bobola ko pero may halong katotohanan, hindi ko lang alam kung paano niya na interpret yung mga salita na yon.

Inangat niya ang mga kamay niya sa lamesa at tumayo siya ng tuwid at pinag cross ang mga braso.

"Bakit naman ako magseselos sa kanya eh"

"Eh ano sige nga?" pang habol ko sa salita niya

"Eh mas gwapo ako doon"

"Sabagay totoo naman mas gwapo siya kay Harold" sabi ko sa isip ko, hindi ko na malayan na nakatitig na pala ako sa bewang niya.

"Boo... Tumataba na ba ako kanina kapa nakatingin ayos kalang"

"Ah oo ayos lang ako, tara na labas na tayo" sabay tayo ko at diretso sa pinto bakat kasi.

"Bakit ba ako sa bewang niya nakatitig nag mukha tuloy na maypagnanasa ako sa kanya" sabi ko sa isip ko habang nag lalakad papunta sa area ko habang dala dala ang papel na nakaasign sa akin.

Naramdaman ko na nasa likod ko na pala siya.

"Boo... Intayin mo ako"

Tumigil ako at napalingon sa kanya.

"Bakit ang hot talaga niya habang naglalakad, yung bewang niya pataas sa malaki niyang dibdib na parang gusto nang lumabas sa sleeve niya" sabi ko sa isip ko.

Tumigil siya sa tapat ko at hinawakan ang mga braso ko.

"Boo i want to know your..." seryoso niyang sambit sa akin

"Aamin na ba siya sa akin, magkakaroon na ba ako ng ganito ka gwapong boyfriend" sabi ko sa isip ko.

"Are you okay boo"

"Huh ano nga ulit yun" balik sa realidad na magkaibigan lang kami.

"Boo i want to know your area?" tanong niya sa akin

"Huh anong area? Sa body ko ba" may ibig sabihin ba o mas malalim na kahulugan ang area na gusto niya, napakadesperada ko.

"Oum your designated area"

"Ahh wait" tiningnan ko ang papel na hawak ko at laking ikinatuwa ko ng makita ko ang lugar kung saan ako mag fefeature para sa magazine.

"Boo! Sa Baguio, ako naka assign" tuwang tuwa kung sabi sa kanya na ikinasimangot niya.

"Sa baguio" ramdam ko ang walang gana niyang reply sa akin.

"Bakit saan ka ba naka asign?"

"Hayst sa Davao, ako naka assign hindi tayo mag kakasama" malungkot niyang sabi sa akin na mukhang apektadong apektado siya na hindi kami mag kasama.

"Ayus lang yan boo, kayang kaya mo yan" pang eengganyo ko sa kanya.

"Pano ka boo"

"Matanda na ako boo kaya ko na ang sarili ko"

"Ako hindi"

"Asus ikaw pa" niyapos ko ang braso niya at nag umpisang mag lakad para mapanatag siya.

"Bastat mag ingat ka boo and don't hesitate to call me" paalala niya sa akin.

"Oo naman"

Hindi ko alam, para talaga kaming mag jowa pero walang label, close na close kami sa isat isa at nasanay na ang tawagan ay boo.

Ever since na pumasok ako sa company na ito ay siya na ang laging nandiyan para sagipin ako sa mga problema at pangangailangan ko.

Nagpapasalamat talaga ako at pinangako ko sa sarili ko na pag umamin siya ay sasagutin ko agad.

Pero ewan hindi pa ata ito ang oras dahil medyo umiiwas ako, kailangan ko rin aprioritise ang family ko as a breed winner pero need ko rin namalaman ang nararamdaman niya.

Next week ay Febuary na at need ko na mag umpisa as a photojournalist kailangan ay lagi akong ready sa ano mang pagsubok na mangyayari sa akin.

I enjoy and love my work, ito talaga ang pangarap ko ever since na bata palang ako ay mahilig na akong kumuha ng mga litrato.

Pero kailangan ng extrang kayod para sa pamilya.

6 pm na ng hapon at nag uumpisa nang umuwi ang mga kasama ko.

Tinitingnan ko si boo dahil minsan ay sabay kaming umuwi.

Pero hindi ko siya nakita baka na una.

Lumabas na ako at kahit pagod at nakaheels at kailangan ko pang lumakad ng mga halos 5 minutes para makapunta at makasakay sa bus station.

Sandali pa at nakita ko si boo may kasama siya mukhang close na close sila.

Nagtaka ako dahil ngayon ko lang siya nakita sa bus station na maykasama na ibang tao, well lalaki naman ang kasama niya kaya okay lang siguro.

Wala naman siyang sinabi sa akin na may kasabay siya ngayong gabi.

Hindi ko na pinansin yon at abala ako sa paghahanap ng mga kanta sa internet habang naghihintay sa bus na dadaan ng ganitong oras para narin makapag pahinga ako.

Pero hindi mawala sa isip ko ang nakita ko.

Tama ba ang nakita ko magkahawak sila ng kamay, hindi kaya bakla siya o baka kaibigan niya yon, o dikaya yung lalaki ang bakla.

Hay nako Lein wag kang ganyan.

Napalingon ulit ako at sabay na silang pumasok sa bus na ang byahe ay sa lugar niya ibang bus kasi ang sasakyan ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagin siya.

Dumaan sa akin ang bus na sinakyan nila at nakita ko sila sa bintana, mag bro lang siguro ayaw ko mag isip ng kakaiba pero kakaiba talaga.

At saka parang ang feminine noong lalaki na kasama niya.

Dumating na rin ang bus na hinihintay ko at nakasakay na ako.

Habang nakaupo sa upuan ay nag lagay ako ng headset nakikinig sa paborito kung kanta.

Ang kanta ng Rockstar na Mahal pa rin kita.

Ewan maganda kasi at nang matapos ay ililipat ko sa kanta ni Tailor Swift All two well, white horse at you belong to me nakakarelax.

Sakto natapos ang kanta at nakababa na rin ako.

Ayun same as always maglalakad ulit ako para makapunta sa apartment ko.

Hayst ang buhay na ito ay talaga namang nakakapagod bago ko buksan ang pinto ng apartment ko.

Nagluto ako ng paborito kung pagkain
adobong manok na may pinya ang bango talaga.

Hinanda ko na ang mga pagkain at kumuha na rin ako ng isang bote ng coke sa refrigerator para perfect match.

Umupo na ako at para kompleto ay nagdasal na rin ako para magpasalamat sa araw araw na biyayang dumadaan medyo malungkot din kasi na mimiss kona sina mama at ang mga kapatid ko.

Pagkatapos kung kumain ay dumiretso na ako sa kwarto at humiga.

Marahan na ipinipikit ang aking mga mata dahil sa pagod.

Shuttered Affection Where stories live. Discover now