Dalawa

2 0 0
                                        

"Asan na yon?!" Sigaw mula sa labas

Nagising na lang ako nang may katok ng katok at sinusubukang buksan iyong pinto.

"Jays!" Sigaw ulit

Natakot ako dahil alam ko nanaman ang mangyayari.

Patayo na ako para buksan ang pinto kaso nabuksan na nila ito.

Nakita ko si Kuya Nathan at Kuya Shim na hawak hawak na ngayon ang kamay ni Kuya Jays.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero pinilit kong tumayo kahit na nanginginig na ako.

"Ano oras na?!"

"Jays tama na!" Sabi naman ni Kuya shim

"Bitiwan niyo ako at tuturuan ko ng leksyon iyan para hindi nagkakaganiyan!" Sigaw niya atsaka tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Umiiyak na ako ng sinampal ako ni Kuya.

Mali ako, dahil sa sobrang pagod ko kahapon, napasarap ng tulog ang utak ko.

"K-kuya tama na p-po."

Pinanood lang ako nila Kuya Nathan na saktan.

Masakit lalo na sa pakiramdang pinapanood lang nila ako.

"Tama na yan! Sobra na masyado." Pagpigil ni Kuya Shim at saka ako hinatak papunta sa likod niya.

Nakakapanibago pero kita naman sa mga mata nila ang pagtataka at pagkagulat na ganon ang asta ni Kuya Shim sa akin.

"Shim may nakain kaba?" Tanong naman ni Kuya William

"Hayaan niyo na. Mag papadeliver nalang ako." Kalmado na siya ngayon.

Galit si kuya dahil una sa lahat late na sila dahil sa akin. Hindi kasi ako nakapagluto ng kanilang almusal. Ano oras na dapat ngayon oras e nakaalis na sila.

Sasagot pa sana si Kuya Jays pero pinigilan ulit siya ni Kuya Shim. Kaya naman ng makalabas sila agad naman akong binitawan ni Kuya atsaka siya sumunod na lumabas.

Nakayuko lang ako at ramdam ko sinulyapan niya ako bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Nang marinig kong sumara ang pinto, hindi na pinigilan pa ng katawan ko ang pagbagsak ng tuhod ko sa sahig sa sobrang panghihina.

Buong buo ang sakit sa loob at labas ko. Namumuo at hindi ko na kinakaya pero paano na sila?

Inabot ko naman iyong side ng kama at unti unti kong tinaas ang mga tuhod at padapang humiga sa kama.

Dumeretso ako at umiyak nalamang.

Iyon lang naman ang magagawa ko.

Ano pa ba?

Feeling ko sobrang aping api na ako. Paano ba bumalik sa dati?

"Ang sakit na." Bulong ko at umiyak na ng tuluyan.

Hininaan ko ang hikbi at yumakap sa unang nakapalubot sa akin. Hindi kona alam ang gagawin ko kaya naman nawalan ako ng ganang bumaba.

Kahit na narinig ko na silang nagbukas ng makina ng kotse sa garahe at naisara na ang pinto. Hindi ako bumangon para bumaba.

Alam kong wala ng tao pero ang sakit kasi ng katawan ko kahit na gutom na gutom na ako hindi ko pa rin kaya.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko at alam kong si Gail yon para ipaalala sa akin na kumain ako ngayon.

Itutulog ko nalang to.

Mahimbing ang tulog ko ng maramdaman kong may tumabi sa akin at sinusubukang lagyan ako ng basang ewan.

My brother hates meWhere stories live. Discover now