Earl Portion:
Cause its you and me~
And all the people~
Have nothing to do~Napatigil kami lahat magkabanda sa pagtugtog na bigla nagsalita ang manager namin.
"Ano nangyayare sa inyo? Ba't patay yung musika niyo? Hindi naman kayo ganyan tumugtog ah. May nangyare ba na hindi ko alam?" Walang umimik sa amin. Kanya-kanya kami tumingin sa instrumento na ginamit. Marumi na pala yung piano ko. Malinisan nga mamaya.
"Magsalita nga kayo. Wag niyo gawing tanga dito." Nagkatinginan kaming lahat. Oo nga naman. Ba't parang wala kami gana ngayon.
"Sorry Rose, wala lang kami sa mood magpractice. Pagod lang kami. Ilang araw na sunod-sunod na kami tumutugtog. Wala pa kami matino Kain, tulog, o pahinga. Tao rin naman kami. Kailangan namin ng pahinga." Sabi ni Stephen kay Manager Rose. Si Rose yung nag-aassikaso ng lahat. Mula gig, practice, battle of the bands. Hindi namin siya literal na manager. 'Yun lang talaga tawag ko sa kanya.
"Oo nga naman Rosie. Tao kami. Napapagod. Nagugutom. Humihinga. Hindi kami robot. May damda---" Bago pa matapos ni Mike sasabihin niya. Binatukan na siya agad ni Manager.
"Wag mo ko dramahan Roque ah. At wag mo nga ako tawagin Rosie. Ilan beses ko ba sasabihin sa'yo na Rose ang pangalan ko. Hindi ako si Rosie. Masyado ka kasi naadik sa Love Rosie.Gusto mo ispell ko pa sa'yo pangalan ko?" Inakbayan lang siya ni Mike.
"Ito naman mahal ko. High blood na agad. Tinatawag lang naman kita Rosie para kakaiba. Ayaw mo ba nun? May bago ka nickname." Napaface palm na lang si Rosie este manager.
"Oh, ba't ganyan itsura mo mahal? May nasabi ba ako masama?" Nagkatinginan kami tatlo nina Angelo sabay takip sa tenga namin.
"AKO BA INIIS MO MIKE JOHN ROQUE! PAG OO SAGOT MO! UMALIS KA SA HARAP KO! PANIRA KA NG GABI! MAAGA TALAGA AKO TATANDA NANG DAHIL SA'YO!" Sabay walk-out ni Rose.
1
2
3
Bumalik si Manager. Sabay sampal ng malakas kay Mark. Tapos umalis ulit.
Nagkatinginan kami apat. Sabay tawa ng malakas.
"Hahahahaha! Iba ka talaga Roque. " sabi ko kay Mark sabay akbay sa kanya.
"Hahahahaha! Pre, believe na talaga ako. " nakipag apir naman si Stephen kay Mark.
"The next time you'll do that. Warn us. We might not control ourselves again." Sabi naman ni Dave kay Mark.
"Mga tol, wag niyo ko dinadaan sa ganyan. Panalo ako sa pustahan natin apat." Hayop! Naalala pa na may pustahan kami.
"Ano ba gusto mo?" Tanong namin tatlo.
"Gusto ko tumigil muna tayo sa pagtugtog. Gusto ko mag-aral tayo ulit. Kahit isang year lang. Namiss ko kasi mga kalokohan natin dati nung mga estudyante pa tayo. Kasi ngayon 'di ko na alam kung bakit pa tayo tumugtugtog. Siguro napagod na ako. Malamang kayo rin. Kaya ano? Ano masasabi niyo?"
Napatigil kami lahat sa sinabi niya. Tumigil sa pagtugtog? Mag-aaral na naman kami?
Nagkatingin kami tatlo at tumango.
"Game!"
"Sige ba! Mukha naman masaya eh."
"I agree."
Bigla kami nagkatinginan at nagtawanan ulit. Mukha kami mga baliw.
"Teka! Ano mga rason niyobat pumayag kayo sa gusto ko?" Pagtatanong ni Mark.
Ako ang una sumagot. "Kaya ako pumayag. Tulad sa'yo 'di ko na alam ang rason kung bakit gusto ko pa tumugtog. Gusto ko ng pahinga. Dahil sunod-sunod lahat. Hindi na kaya ng sistema ko. I just need to take a break for a while. At namiss ko ang amoy ng library."
"Umaatake na naman pagiging nerd mo Earl. Kaya wala babae nagkakagusto sa'yo. Bakit hindi mo ko gayahin? Parang bangus. Matinik sa babae. Gwapo ko kasi." Sabay pogi sign. Hinayaan konna lang soya sa sinabi niya. Inatake na naman ng kayabangan ang gago.
"Ako naman. Kaya ako pumayag. Kasi base sa research na ginawa ko. Yung girl of my dreams nag-aaral pa. Gusto ko siya sundan. Gusto ko maging kami. Ako mismo gagawa ng tadhana namin. " bigla kami nagtawanan dahil sa sinabi ni Stephen. Halatang inlove yung ugok.
Bigla na lang kami napatigil. At hinihintay yung isa tao na 'di pa binibigay rason niya.
"What?" Pagtatanong niya.
.
"Dave, wag ka madaya. Sabihin mo yung rason mo." Pagrereklamo ni Mark.Umalis na si Dave na hindi sinasabi dahilan kung bakit siya sumali. Napabuga na lang kami tatlo ng hangin. Hirap talaga niya intindihin. Umuwi na kami sa condo namin at nagpahinga.
Mag-aaral ulit kami. Isang ngiti ang bumuo sa mukha ko nung naisip ko 'yun. Nakakamiss din pala mag-aral. Good luck na lang sa amin. Unti-unti na ako nila on ng antok ko. At tuluyan na ako nakatulog.
------
Guys, I'm really sorry sa mga updates ko. I swear mag-iisip ako na maganda plot para sa story na 'to. Sorry talaga. I'll do anything and everything para lang mapaganda at para maging worth the read naman. Sorry talaga. Any suggestions or reactions? Please kailangan ko lang talaga.
BINABASA MO ANG
Ang Magkapatid Na Hearthrob
Teen FictionPaano mo ba masasaba na isa ka'ng hearthrob? Una gwapo ka o may dating, pangalawa makalaglag panga ang iyong kagwapuhan, pangatlo tinitilian ng mga babae o tao. Hindi mo po ba basehan ang pagiging cold,mabait,makulit, etc.? Hindi. Aminin niyo kah...