Chapter 6

99 5 2
                                    

(A/N: Pakinggan niyo habang binabasa niyo po itong chapter. Selemet!)

Mike Pov:

"Roque, are you okay?" Tanong ni Angelo

Siya ba 'yun nakita ko? Baka namamalik mata lang ako.

"John, patay ka na ba?" Pagtatanong ni Stephen

Pero hindi eh. Siya talaga 'yun eh. Kahit minsan di ako pumalya pagdating sa babae. Ako si Mike John Roque, ang babaero sa grupo. Kaya imposible talaga na magkamali ako.

"Iwan muna natin siya, guys. Mukhang kailangan niya mapag-isa ngayon." Napatingin ako sa nagsalita. Si Earl. Tumango yung dalawa namin kameyembro at sabay alis.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hay. Andito lang naman ako sa kwarto ko pero ang layo na tinatakbo ng isip ko. Napapikit na lang ako, at naalala ko na naman yung nangyare kagabi.

----

Flashback:

"WE LOVE YOU MIRACOLOUS BAND!" Sabi ng mga 'fans' namin.

Nagpasalamat ang bawat isa sa amin, bago bumaba sa stage. Kailangan namin ipakita sa mga fans namin na kung gaano kami kagrateful na sinusuportahan nila kami. Kung wala sila, malamang doon pa rin kami sa bahay ng Zooey tumutugtog. Kung wala rin sila, 'di namin matutupad yung mga pangarap na tumutog sa harap ng maraming tao. Without our fans, there would no be a "Miracaolous Band."

Pagkababa namin sa stage dumiretso yung tatlo sa dressing room. Habang ako lumabas. Kailangan ko magpahangin. I need some fresh air.

Kinuha ko yung stick ng sigarilyo pati lighter sa bulsa ko. Sinimulang ko ang ritwal. Pangpawala stress.

"Ngayon ko lang nalaman na ang Knight in Shining armor ko ay marunong para manigarilyo." Napatigil ako sa ginagawa ko at napangiti ng makita ko siya.

Nakapamewang ngayon ang damsel in distress ko.

"Itigil mo nga 'yan. Hindi mo ba alam na bad for the lungs 'yan ginagawa mo." Sabay hablot ng stick na sigarilyo na sisindi ko pa lang. Tsk.

"What was that for." Tinignan ko lang siya. At binigyan niya ako ng katakot-takot na tingin.

"Tinuturuan kita kung paano tigalan ang masamang bisyo mo." Sabi niya habang nakakunot noo. Napangisi lang ako. Mukhang may nabiktima na naman ang charm ko. Gwapo ko talaga.

"Ano ningingisi mo 'yan. "She asked.

"Wala. Ang cute mo kasi tignan. Mas okay na mukha kang Galit kaysa umiiyak ka." Out of now where bigla na lang niya ako hinahampas na malakas.

"Aray! Cut it out Kim! Hindi ako bola ng volleyball para hampasin." Bigla siya tumigil at tinignan yung braso ko na pinaghahampas niya. Fuck. Para kami naglaro ng ketchup. Kaso nga lang hindi sa kamay kung 'di sa braso ko yung hahampasin.

"Tama lang 'yan sa'yo. Pinaalala mo pa kasi yung ex ko." Pagmamataray 'yang sabi.

"Ex mo? Wala naman ako binanggit na ex mo ah." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Oo nga. Wala ka nga binaggit pero para yun ang pinaparating mo." Tsk. Umalis akk at pumunta sa 7/11. Bumili ako ng dalawang siopao at slurpee. Sigurado ako na susunod si Kim sa akin.

Humanap ako na pwede namin maupuan ni Kim. Nakapwesto kami sa may tapat ng pinto ng 7/11. Habang kumakain kami ni Kim ng mapayapa. Bigla na lang ako napatingin kung sino yung pumasok.

Para ako nakakita ng multo sa nakita ko. Ang babaeng minahal ko dati, pero hanggang ngayon mahal ko pa rin.

Ang saya ko. Ang saya-saya ko kasi nakita ko na siya. I finally found her. Pwede na ako bumawi sa lahat ng kasalanan at pagkukulang ko sa kanya.

Patayo na sana ako para yakapin. Ngmang biglang may lalake umakbay sa kanya.

----
Minulat ko ulit mga mata ko. Fuck! Tangina!

Hindi ako nagkakamali na siya 'yun? Siya lang naman nagpapabilis ng tibok na puso ko. Siya lang naman nagpapabaliw sa akin. Siya lang naman kaya kumontrol sa akin. Siya lang naman yung babae na minahal ko na ganito, at wala na iba.

Kaya sigurado ako na siya 'yun.

Pero sino yung kasama niya? Sino yung lalake na umakbay sa kanya? Malaman ko lang kung sino yun lalake na 'yun. Pagbabayaran niya kasalanan niya na nilalitan niya ang taong mo ko.

Akin lang siya. Wala pwede umagaw sa kanya mula sa akin.

Mahal na mahal kita Azami..

Kaya 'di ako papayag na maagaw ka nila mula sa akin. Itaga niyo 'yan sa bato.

-----

A/N: guys, first of all sorry kung napakalate at bitin nitong chapter. Wala kasi ako plot dito. Kaya please bare with me. I hope you understand. Pero believe me, sinusubukan ko mag-isip ng update para dito. I'm really sorry.

By the way, may bago ako story All Around Me and Trying Hard. Please? Sana suportahan niyo. :)

Votes and Comments will surely help me. Thank you. Love you all. :*

I dedicate this chapter to @ColdHeart_Girl067

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Magkapatid Na HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon