Chapter 25: Worth the Virgo

36 0 0
                                    

"Dok, kumusta na po ang anak ko?" pagmamadaling tanong ko sa doktor na kakalabas lamang ng operating room.

It's been six hours since the operation, hindi na ako makapaghintay pa, gusto ko nang makita si Farrah. Sobra na akong nag-aalala sa anak ko.

"Misis, the operation was successful. Your daughter is safe now, she just needs rest. Mabuti na lang at may donor ng blood type niya kundi magiging kritikal ang kalagayan niya." Seryosong paliwanag ng doktor.

Napabuntonghininga ako nang marinig ko 'yon galing sa doktor. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, ligtas na sa wakas ang anak ko.

Maya-maya ay napasandal na lamang ako sa pader ng ospital pagkaalis ng doktor. Ilang saglit pa'y dumating na rin sila nanay at Cleo.

"Anak, kumusta na ang apo ko?" hingal na hingal nitong tanong.

"She's safe now, nay. Farrah is so strong..." tears burst when nanay came closer to hug me.

"Bess, pasensya na ah? Kung pumayag lang sana ako sa sinabi mong sunduin ko si Farrah, hindi 'to nangyari. I'm sorry na..." parang batang iyak ni Cleo sa harapan ko.

"Mabuti naman at safe na ang apo ko. Ano ba talaga ang nanyari anak? Paanong nangyaring nasagaan siya?"

"It's all my fault, nay. Sorry po, kung maaga ko lang sana siyang sinundo, hindi siya masasagasaan..." patuloy kong hagulgol habang niyayakap ako ni nanay.

"But my daughter's safe now."

Natigilan si nanay nang marinig niya ang boses sa likuran namin. Napatalikod na lang din si nanay sa direksyon nito.

"Sir... Faustino?" parang nakakitang multong sambit ni nanay.

"Nanay, I can explain..."

"Alam niya na bang anak niya si Farrah?" pagdadalawang isip pa nitong tanong saka napatingin na lang sa akin.

"Our blood types confirmed it. Farrah is my biological daughter and Virginia told me the truth already." Masungit nitong sambit kay nanay.

"Thank you sa pagtulong sa apo ko, pero hindi pa rin sapat 'yon sa pag-iwan mo sa kanila. Hindi ka na dapat pang nagpakita, Sir Faustino." Mahina mang sambit ni nanay pero diin niya itong pinarinig sa kanya.

"I know, ma'am but please let me be a father to Farrah. She's my own flesh, she's my own daughter. Universe will still allow us to be reunited and you can't do anything about it." Maawtoridad niyang tugon kay nanay dahilan para sumimangot tuloy ang mukha ko sa kanilang dalawa.

"Umalis ka na lang para wala ng gulo..."

"Nay? Faustino? Ngayon pa talaga kayo magsusumbatan? Nasa ospital po si Farrah ngayon, rumespeto naman po kayo." Again, tears fall down on my cheeks.

"But if you just let me..."

I cut off Faustino's words already, ayoko muna makarinig ng kung anu-ano pang sasabihin niya pati kina nanay at Cleo. I'm tired to of all their noises, it's making me uneasy.

"Please, please lang iwan niyo muna ako. Gusto kong mapag-isa. Ako na ang magbabantay kay Farrah. Just leave me alone..." mahina at mahinanong sambit ko.

Wala silang choice kundi ang umalis. 

A moment of silence strikes after they left me. All I can think now is my daughter. The safety of Farrah and now that Faustino knows the truth, I have to fight over disaster again. Hindi pwedeng susulpot siya ng susulpot at kukunin ang anak ko, magkakamatayan muna kami.

Maya-maya pa'y lumapit ang doktor sa akin at ibinigay ang prescription ng mga gamot ba dapat inumin ni Farrah.

"Misis, pwede nang makauwi ang anak mo. She's totally fine right now. Remember to make her rest and buy these medicines. Ipainom mo ito sa kanya until she's fully recovered." Paliwanag nito sa akin sabay abot ng isang pirasong papel.

Unwavering Fortune Series 6: Save Me, VirgoWhere stories live. Discover now