"Hinding-hindi talaga ako makakatulog nito. Bakit kasi ang aga-aga naming kinasal? Tarantado ka panot!" inis kong anas nang biglang bumukas ang pintuan sa kwartong inihanda sa amin ni Don Sandoval.
Pakshet!
"Ako pa talaga ang tarantado ngayon?" bigla niyang sulpot sa harapan ko.
Dahil sa inis ko, dinuro ko siya kaagad pero nang humarap na ako sa kanya, ako na mismo ang nahiya. Feeling ko talaga'y namumula ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan.
"Aaah! P-Pwede bang magdamit kang panot ka!" malakas kong sigaw dahil sa sobrang taranta kaya naman kaagad akong napatalikod.
Sino bang hindi matataranta, ha? Nakahubad lang naman siya sa harapan ko. Putspa talaga 'tong lalaking na 'to. Hindi na nahiya sa akin, babae ako at hindi lalaki. Siya na talaga ang papatay sa akin!
"Why do you kept calling me ‘panot’? Mukha ba akong panot? Hindi naman ako kalbo, right?" pagtatakang tanong niya saka mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin.
Kunting-kunti na lang at malapit na kaming maghalikan. Patawarin man ako ng mga anghel, iritang-irita na ako sa panot na 'to!
Bwisit na 'to!
"Ano? Natahimik ka, Virginia? Why can't you speak? Magsalita ka, alam kong maingay ka, e!" pang-aasar niya sa akin kaya mas lalong namula ang pisngi ko.
Panot nga talaga 'tong kausap ko, ang lakas mang-asar. Gusto ko na lang talaga tumakbo ngayon.
"Ah, eh, ih, oh, uh?" kabadong sambit ko.
"You know what? This is is our very first honeymoon, of course! Kinasal na nga tayo, 'di ba! And I can take you here in this very moment." Turo niya sa kama saka lalong napangisi.
Marimar! Halimaw yata 'to sa kama!" kabadong bulong ko sa sarili.
"Are you saying something?" patuloy niyang pagngisi at paglapit sa akin.
"W-Wala, pupunta lang ako ng cr." Pagdadahilan ko sa kanya saka nagmamadaling maglakad palayo sa kanya.
"Make sure to comeback. We are not starting yet, Virginia."
Inaamin kong bobo ako sa english pero naiintindihan ko 'yon. Marinig ko pa lang ang sinabi niya'y naninindig na ang mga balahibo ko. Bakit pa ba kasi ako pumayag?
Tanga mo, Virginia!
Hindi 'to pwede, kailangan ko pa rin ang maging handa. Girl scout yata 'tong si Virginia. Huwag mo akong maliitin panot, lagi akong may dalang first aid kit. Mahirap na!
"No choice, kailangan kong bumalik." Sambit ko sa sarili.
Nang marating ko ang kwarto namin, hinay-hinay lamang akong pumasok baka mahalata pa ako ni panot.
"Mabuti naman at tulog na 'to..."
"What are you doing? What took you so long? I'm bored, Virginia!" taas kilang niya sa akin.
Bakit gising pa siya? Kairita naman!
"Ah, wala naman." Natatarantang sagot ko saka kaagad na itinago sa likuran ang first aid kit na dala.
"Ano 'yang dala mo?"
"W-Wala kasi... oh, bakit may pagkain at alak na dito?" kunwaring baling ko sa pagkain saka mabilis na nagpunta sa gilig ng kama para itago ang first aid kit.
"Thanks, God!" pagbuntonghininga ko.
"What do you expect from my dad? Of, course, he'll send some of these! For Pete's sake, Virginia, this is our honeymoon, where is your common sense?"
Tumango na kang ako. "Oo nga pala,"
"So, let's have a toast?" anyaya niya.
Akma ko na rin sanang inumin ang alak na bigay niya pero nababahala ako sa plano ng panot na 'to.
"Ano ba kasing plano mo, panot— este Faustino?" pag-iibang tanong ko.
"Bigla lang siyang natahimik saka inubos ang alak sa baso niya. Bago pa man ulit siyang magsalita, tinanong ko ulit siya.
"Ano ba talaga ang balak mo sa akin? Para makuha ang mana mo? Para makaganti ka sa kapatid mo? Ano ba talaga—"
Nagulat na lang ako ng sobra sobra nang may kung anong malambot na dumampi sa labi ko, ang kanyang mapupulang labi. Ang kanyang labi na kanina kopa tinititigan, parang marshmallow sa sobrang lambot.
"You're talking to much. I married you because I see something different in you. You're so different and it's making me want you more."
Natigilan ako sa kanyang mga sinasabi. "A-Ano? Hindi kita maintindihan?" dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko. Sa sobrang taranta ko'y hindi na ako makapag-isip ng tama at matino.
"Of course you can't understand what I am saying, Virginia! Ang alam ko lang, I'm starting to feel different and I just want to confirm it."
Ang akala ko'y iiwas siya ng tingin pero muling dumampi ang kanyang labi sa labi ko. Habang nalulunod na ako sa mga halik niya, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa bisig niya. Ang mainit niyang titig ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa mabilis niya akong naihiga sa kama at nang sinuklian ko siya ng halik, muling nagtama ang aming mga mata dahilan upang mas naging dominante ang aking kilos at ako muli ang nakaharap sa kanya.
"Gagawin na ba talaga natin 'to?" pikit-mata kong tanong.
"I will not force you, Virginia... shit! What is this? Ano 'to?" gulat niyang tanong nang naramdaman niya ang matigas na bagay sa gilig ng kama.
"Ah kasi... ano.." pautal-utal kong sambit
"Bakit may itinago kang first aid kit dito?"
"Baka kasi dumugo at himatayin ako sa honeymoon natin." Nahihiyang sambit ko sa harapan niya. "Baka hindi magkasya," dagdag ko pa.
Hindi ko man masabi lahat pero hiyang-hiya na talaga ako. Sino ba namang matinong babae ang magdadala ng first aid kit sa honeymoon, 'di ba?
"You're really funny, Virginia! But don't worry, hinding-hindi ka magigiba. I'll be gentle baby, I'll make sure na kakasya 'to sa'yo." Boses niyang punong-puno ng pag-iingat at walang bahid ng pag-aalinlangan. Baka iilang minuto pa'y bibigay na ako sa panot na 'to.
"Ah, eh, ih, oh, uh?" kabadong ngisi ko.
Feeling ko mamamatay na talaga ako nito, panot anong ginagawa mo? Bakit ka ganyan sa akin? Pumayag lang naman akong magpakasal sa'yo para mabayaran ko lahat ng utang ko sa'yo, ikaw pa yata ang papatay sa akin ng maaga.
"Come on baby, don't be afraid. I'll take care of you..."
"Huwag po!"
Kung ano man ang mangyayari, Lord wala nq akong magagawa pa. Lord ipinapaubaya ko na po sa'yo ang lahat, nawa'y hindi ako magigiba.
YOU ARE READING
Unwavering Fortune Series 6: Save Me, Virgo
RomanceUnwavering Fortune Series 6 Virgos are known for their meticulous attention to detail and their deep sense of humanity, which makes them one of the most caring signs of the zodiac. Their methodical approach to love and life ensures that nothing is...