Isang linggo mula noong may nagpahula sa aking macho at gwapitong lalaki. Ewan ko lang ha? Pero nakakatrauma naman 'yong sinabi niyang magpapahula siya pero isang linggo akong ghinost? Ano 'yon? Pagmamayabang lang?
"Hoy! Tulala ka na naman diyan!" gulat kong lingon nang biglang bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Cleo sa akin.
"Ano ba naman 'yan Cleo, nanggugulat ka naman e! Ano bang sadya mo?" nagulantang tanong ko sa kanya saka tinadtad ko siya ng tapik sa kanyang balikat.
"Masyado mo namang iniisip si macho mong dream boy!" bulalas nito sa akin.
Parang namumula tuloy ang pisngi ko sa tuwing binabanggit niya ang salitang 'macho' ewan ko ba ang laki at iba talaga ang dating ng lalaking 'yon sa akin. Hindi naman sa umaasa ako at feeling pero ito na talaga yata ang kapalaran ko. Baka nga magiging kaagapay na ako ng gwapitong lalaking 'yon.
'H-Hindi, ah? Bakit mo ba pinipilit?" kunwaring tanong ko.
"Halata naman kasi sa mukha mo inday. Para kang aso, kung tumingin ka lang sa salamin. Naglalaway ka na!" panunukso niya sa akin saka ngumisi na lamang ang loko.
"Ang aga mo namang mang-asar! Mabuti pa't umuwi ka na lang sa inyo, Cleo! Wala kang mapapala sa akin!"
"Sus, crush mo lang 'yon e! Saka alam mo na ba?" taas kilay niyang sambit sa akin saka tumayo at nakapameywang na lamang.
"Hindi ko crush 'yon! At wala akong alam, ano bang sasabihin mo?"
"Kilala mo ba 'yong dating milyonaryo dito noon? Si Don Pepito Sandoval?" aniya.
"Si Don Pepito?" napaisip ako saglit, hindi ko gaanong naalala ang taong 'yon. Saglit pa lang ay napakurap ako. "Ay, oo! Naalala ko na! Siya 'yong mabait na tumulong sa amin ni nanay noon, e!" dagdag kong sambit.
"Tumpak, mabuti naman at naaalala mo! Iyong gustong magpahula sa'yo, anak raw 'yon ni Don Pepito." Seryosong sambit niya na parang may halong natatawa.
"Teka nga lang, seryoso ka ba diyan?" ani ko.
"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa'yo? Mukhang kolokoy lang 'to pero I am so honest with you. How can you do this to me? Hindi mo na ba ako mahal?"
Bigla na lang kumulo ang dugo sa babaeng 'to. Naghiwalay lang sila ng jowa niya, nagdrama pa. Binibiro ba naman ako! Ano ba 'yan?
"Ewan ko sa'yo, Cleo. Wala ka na talagang matinong sinabi sa akin. Puro na kalokohan!"
"Hindi ka talaga mabiro, e ano? Pero, truths dai! Anak talaga siya ni Don Pepito." Saka muling nagseryoso ang mukha niya at biglang humina ang boses.
"Oh? Natunganga ka diyan?" pagngisi ko.
"Alangan! Naalala ko na naman 'yong scammer kong jowa!" sungit niyang sagot.
Sa limang pagsasama nila ni Cleo at ang jowa niya, ngayon lang niya nalaman na niloloko lang siya nito. Hinuhuthutan ng pera tapos kumakalantari pa ng mga babae. Napakawalang kwentang lalaki. Sa loob pala ng limang taon, si Cleo ay nagpakatanga sa lalaking akala niya'y tapat sa kanya.
"Sinasabi ko naman sa'yo, 'di ba? Tapos ano? Naniwala ka ba sa akin?" pandidilatang sumbat ko sa kanya dahilan para mas malungkot ito lalo.
"Nagsisisi nga ako, 'di ba? Hindi na talaga ako muling iibig pa! Ayoko na rin mag-asawa."
"Huwag kang magsalita ng tapos, Cleo!"
Noon pa talaga 'yan sinasabi sa akin ng kaibigan kong madaling mauto. Uto-uto? Si Cleo na yata ang reyna niyan. Noong mga bata pa kami, lagi niyang pinapangako sa akin na hindi raw siya magjojowa dahil study first raw ang first priority niya. Tumuntong lang kami ng highschool, nakahanap na kaagad ng jowa. Ano 'yan? Promises are meant to be broken lang ang peg?
Pero sino ang kawawa? Siya lang naman ang nasasaktan e! Tapos, noong nagbreak sila ng una niyang jowa, nagpakalasing at pinangako na namang hindi na talaga uulit. Ang nangyari, umulit na naman hanggang sa hiniwalayan na naman ito. Ang ending lagi na lang siyang nasasaktan.
Typical Cleo Mandurugas.
"This time talaga, break na muna ako sa usaping lovelife. Talo na lang ako lagi, wala pang benefits."
"Ayan, puro ka kasi benefits! Alam mo? Focus ka na muna sa negosyo mo at trabaho natin." Suhestiyon ko sa kanya nang biglang nabuhayan ang loko. Humarap ba naman sa akin at tinitigan ako. Problema nito?
"Mabuti pa nga, pero ano na? Ang gwapo ng anak ni Don Pepito 'no?" ngumisi ulit ito sa akin.
"Pinagsasabi mo? Akala ko ba'y tapos na tayo sa usapang 'yan?" nakapakamot na lamang ako sa aking ulo.
"Sus! Akala mo ba hindi ko pansin, panay titig ka kaya sa lalaking 'yon! Akala mo lang, ha!" pagmamaktol niya pero patuloy pa rin sa pagngiti.
"Wala talaga, bakit mo ba pinagpipilitan? Ano bang iniisip mo?" kabadong tanong ko.
"Wala naman, may something lang kasi e. Feeling ko may chemistry kayong dalawa. Feeling ko magkakatuluyan kayo!"
Ever since talaga 'tong si Cleo, tagabugaw talaga 'to e. Kahit kailan talaga ang bunganga niyan puro na lang usapang lalaki at pag-ibig. Kailan pa ba ako nito tatantanan? Kaumay na rin.
"Hoy! Pinagsasabi mo talaga diyan? Wala na akong balak mag-asawa 'no! Ang goal ko ngayon is magkaroon ng limpak-limpak na pera para makaahon kami sa kahirapan." Pagpakawala ko ng buntonghininga.
"Edi, jowain mo na nga ang anak ni Don Pepito!"
"Aba'y! kanina ka pa sa suhestiyon na 'yan, ah? Kaiyak ka na, Cleo! Nakakahiya na nga e, tapos irereto mo pa sa akin?" pagdadalawang isip kong tanong saka tinuro ko ang aking sarili.
"Oo naman! Baka malay natin, malay mo. Iyong mga utang niyo, mababayaran na. Baka magustuhan ka rin no'n. Hindi sa nag-aasume ako ah? Pero bagay talaga kayo ng anak ni Don Pepito. Maniwala ka man o sa hindi, Virginia."
"Wow! Ikaw na ba ang nanay ko? Bakit katono mo na rin siya? Para talaga kayong mga bugaw e!" halos hindi ko matanggap ang pinagsasabi nitong si Cleo.
"Syempre—"
Pero nagulat na lang kami nang may biglang kumatok sa pintuan namin dahilan para matigil sa pagsasalita itong si Cleo.
"Sino na naman 'to? Sigurado akong maniningil na naman 'to ng utang e." Lungkot kong turan. "Silipin mo nga sa bintana, Cleo. Nakakawalang gana naman ang ganito." Dagdag ko pang sambit saka sinunod niya naman ang utos.
Bigla na lang akong nabagot, hindi man lang nasalita ang loko. Inutusan ko lang na tingnan ang bintana pero natutulala na naman.
"Cleo!"
Nakailang ulit na ako ng tawag sa pangalan niya pero wala pa ring sagot kaya tumayo na lang ako at bahagyang lumapit sa kanya.
Akma ko na sana siyang tapikin sa balikat nang biglang bumungad sa akin ang pagmumukha niya.
"A-Ang anak ni Don Pepito, nandito! Ang machong gwapito magpapahula sa'yo ay nandirito na!" biglang niyang bulalas sa akin kaya nabingi ako.
"Hoy, huwag kang maingay—"
Natigilan na naman ako sa pagsasalita nang bigla niyang buksan ang pintuan at tila walang naririnig sa mga sermon ko sa kanya. Sugurin ba niya naman ang pintuan na parang hindi ako nakita at narinig.
Isang ganyan pa, Cleo at magkakafriendship over talaga tayo.
I had no choice, nabuksan na niya e.
Pagkabukas ni Cleo sa pintuan, agad talagang bumungad sa akin ang mala-badboy nitong pagmumukha. Grabe amoy na amoy ko ang perfume niya at sobrang yummy niyang tingnan sa kanyang suot na tuxedo. Yayamanin talaga!
Magsasalita na sana ako nang bigla akong inunahan ng lalaking nasa harapan ni Cleo. Malamang nasa likuran ako ng babaeng ito. Umagaw pa ng eksena!
"Good morning, nandito ba si Virginia Dimagiba?" tanong niya rito kay Cleo saka nakaramdam na lang ako ng bilis ng pagtibok ng puso ko.
"A-Ano pala ang sadya mo?"
Napaboses na lamang ako sa likuran. Namamalayan ko na lang na papalapit ito sa gawi ko at hindi ko na matantsa kung gaano kabilis ang pagpintig ng puso kong ito.
"Behave puso ko, huwag ka munang magwala." Munting bulong ko sa sarili bago pa itong tuluyang humarap sa akin.
YOU ARE READING
Unwavering Fortune Series 6: Save Me, Virgo
Storie d'amoreUnwavering Fortune Series 6 Virgos are known for their meticulous attention to detail and their deep sense of humanity, which makes them one of the most caring signs of the zodiac. Their methodical approach to love and life ensures that nothing is...