CHAPTER 10 Sarap mong mahalin

152 6 1
                                    

STELL POV

IBINIGAY ko kay Ken ang susi dahil gusto ko muna magpahangin sa labas. Tinggap ni Ken ang susi ng walang emosyon. Kung si Ken to, baka nakangiti na ito, pero hindi si kennie to. Kahit di ko ganoon kakilala ito, alam ko na agad yung mood swing ni Kennie.

Lumabas na lang ako at nagtungo sa may baybayin. Naglakad lakad ako sa dalampasigan, habang naglalakad ako ay hinahampas hampas ko ang buhangin sa aking paa.

Tumingin ako sa dagat, palalapit na din pala lumubog ang Araw. Umupo ako sa dalampasigan at pinagmasdam ang Araw na papalubog.

"Iniisip mo na naman siya?" Nasa tabi ko na pala si Pablo, di ko manlang namalayan, marahil dahil narin sa dami ng iniisip. "Hindi a, naka move-on na ako! Lumabas lang ako dahil gusto ko mapag-isa!" pangangatwiran ko. "Ikaw? Ano ginagawa mo dito? Sabi mo magpapahinga ka muna!"Tanong ko sa kanya. "Hindi kasi ako makapagpahinga ng maayos, Kaya lumabas na lang ako, at nakita Kita na naka-upo. Kaya lumapit ako!" pagpapaliwanag nito habang nakatingin sa dagat.

Nag kwentuhan lang kami ni pau nang kung ano-ano. Nag-aya na akong pumasok dahil maginaw na sa labas.

Nadatnan namin si Jah at Josh habang nag-uusap sa lobby. Hindi na namin pinansin. Umakyat na kami ni
pau sa bawat kwarto namin.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, nadatnan ko si Ken natutulog. Dumiretso na ako sa cr at naligo. Paglabas ko ng cr ay natutulog pa rin si ken.

Nahiga ako sa katabing kama. Naalimpungatan ako dahil ramdam ko na may nakatitig sa'kin. Nagpanggap akong tulog.

"sarap mo naman mahalin,Stell David!" mahinang bulong nito.
"ang bait at masarap ka yatang mahalin."dugtong pa nito. Umalis na ito. Nagmulat na ako ng mata.

Time after time (Season 2)Where stories live. Discover now