CHAPTER 9 Palawan

141 5 0
                                    

STELL POV

WHILE nasa byahe kami,di ako mapakali dahil sa atmosphere sa loob ng sasakyan. O sadyang ako lang ang nakakaramdam ng init, samantalang may hangin na pumapasok.

Tumungin nalang ako sa labas ng sasakyan. Ang ganda ng tanawin at masarap  ang hangin na dumadampi sa aking balat.

Si Jah ay ganoon din ang ginagawa deretso lang ang tingin sa daan. Si Pau ay mahimbing ng natutulog. Si Josh ay focus sa daan, ito ang nagmamaneho.

Nakatulog na pala itong katabi ko.
Napapangiwang-ngiwang ang ulo nito dahil sa malubak na daan. Kaya kinuha ko ang ulo nito ng dahan dahan at pinasandal ko sa aking mabalikat. Hindi naman ito nagising.

Pagtingin ko sa unahan, ay nakatingin na pala si Jah at Josh sa akin. Kahit Hindi nila sabihin alam ko may kahulugan ang mga tingin nila.

"Josh, baka mabangga tayo, hindi ako ang kalsada" Agad naman humarap na ito sa daan.
"Stell ah, pinsan ko yan. Baka ano gawin mo dyan!" panunukso ni Jah. Natawa nalang sa inasta ng dalawa.

"Stell, gising na nandito na po tayo!"
Napamulat ako dahil sa tapik ni Ken.
Nakatulog pala ako, di ko manlang namalayan.
Bumaba na ako dahil ako nalang ang hinihintay. Naka pag-book na si pau sa hotel. Naunang naglakad si Ken.
pansin ko ang pasimpleng sulyap ni Ken. Di ko nalang ito binigyan ng kahulugan.
Nasa loob na kami ng hotel, kinausap ni pau ang receptionist, at agad naman binigay ng babae ang tatlong susi
"Josh at Jah, kayo ang mag kasama sa isang kwarto, okay lang ba?" tumungo ang dalawa. "Ken, Stell kayo ang mag kasama sa kwarto na katabi ni Jah at Josh. Okay lang sayo Stell?"tumango nalang ako dahil ayaw ko ng gulo, ganoon din si Ken. "ako naman ang nasa huling kwarto" sabay abot ng susi sa akin at Kay Josh

Time after time (Season 2)Where stories live. Discover now