Chapter 16

1 0 0
                                    

Kahit maabutan pa siya ng umagang kakahanap niyon ay hindi siya makakapayag na hindi niya nakikitang hawak niya ito. Siguradong hindi siya makakatulog kapag hindi niya nasilayan man lang ito.

Nawala na iyon sa kanya ng isang beses hindi na siya makakapayag na mawala pa iyon ulit sa pangalawang pagkakataon. Papayag siyang mawala ang lahat huwag lang iyon. Huwag lang ang kanyang kwintas.

"Magpakita ka! Hindi na kita ulit ibibigay sa iba," naiiyak na wika niya.

"Ito ba ang hina-hanap mo, Miss?" Saad ng isang pamilyar na boses. Tiningnan niya ang hawak nito at mabilis na kinuha. Pinunasan niya pa ito at masuyong niyakap.

"Pasensya na," bulong niya sa kwintas hindi iniintindi ang nagbigay sa kanya nito.

"I see, masyadong mahalaga yan sa 'yo," saad ng lalaki.

Agad niyang inangat ang tingin niya dito at napanganga nang makita ang mukha nito sa malapitan.

"You can have that. I have to return it to the owner anyway," nakangiting wika nito.

Agad natauhan si Thelma dahil sa sinabi nito at muling binigay sa lalaki. Mabilis siyang tumalikod dito pero mabilis rin siyang hinawakan nito sa palapulsuhan.
"Please, Sir. Kailangan ko ng umalis," pakiusap niya sa lalaki.

"You can have this necklace. Alam kong it means a lot to you," saad nito pero hindi gumalaw si Thelma.

"Hindi ho ako ang may ari niyan, Sir," tanggi niya na ikinapikit niya ng mariin.
"It's not mine either. Then, hmmm maybe I should just throw it. Luma na rin naman," saad ng lalaki na agad ikinalingon ni Thelma.

"Huwag! Wala kang karapatan na itapon 'yan," pigil niya dito ng akmang ibabato nito ang kwintas.

"I'm sorry. Then, ibibgay ko na yan sa 'yo. Sa 'yo rin naman talaga iyan," wika ni Marcellus.

"Pa-Paano ka nakakasigurado na sa akin ito?" tanong ni Thelma nang sandaling nilapag ng lalaki ang kwintas sa mga palad niya.

"Kanina pa kita pinagmamasdan. When Morissa said na hanapin mo ang kwintas ko hindi niya sinabi sa 'yo kung anong pendant o kulay ng kwintas.

Hindi pa rin nakikita ni Morissa ang kwintas na iyon sa akin kaya hindi niya masasabi sa 'yo kung anong itsura ng kwintas ang kailangan mong hanapin. But, nang naghahanap ka dito sa garden I saw you.

You are in tears. Nang nilahad ko sa 'yo ang kwintas at tinanong kung iyon ang hinahanap mo ay agad mong kinuha nang walang pag-aalinglangan.

Ibig sabihin, you know well how that necklace look like. Kahit nakita mo ito kanina nung nahulog ko ito hindi sapat ang oras na iyon para kabisaduhin mo dahil isa pa medyo madilim dito. So, yeah. It's yours. I'm 100% sure about that," nakangiting saad nito matapos nitong magpaliwanag.

Makisig ang lalaking nasa harapan niya pero lalo pang ikinakisig nito nang ngumiti ito sa harapan niya. Hindi jiya maintindihan pero parang bigla na namang nagwala na parang mga kabayo ang kanyang dibdib.

"By the way, you have a nice scent," wika nito.

Ginamit niya ulit 'yung pabango na bigay sa kanya ni Morissa dahil iyon lang ang pabangong meron siya at ginagamit niya lang iyon kapag may pormal na okasyon sa bahay nila o aalis siya. Kung normal na araw ay hindi niya ginagamit iyon dahil tinitipid niya lang ito.

"B-Bigay sa akin ni Mam Morissa," saad ni Thelma na ikinatango ng lalaki. "S-Salamat nga pala sa kwintas," tanging nabanggit na lamang niya ng makita itong papalayo.

Natigilan siya nang maalalang itanong kung saan nito nakuha ang kwintas niya. Pero nakita niyang nakapasok na ito sa loob kaya hindi na siya nag abala pa. Baka sa susunod na lang.
"Nahanap mo na?" Tanong ni Morissa sa kanyang Fiancé ngunit tango lamang ang isinagot nito.

Nakangiting pinagmamasdan ni Thelma ang kwintas na hawak niya at pinupunasan ang litratong nakapaloob sa pendant nito. 

"Alam mo ba, Ma, ang bait ng nakapulot sa kwintas na ito. Ang swerte mo, Ma. Binalik niya sa akin ang kwintas na walang sira at buong buo pa.

Sayang nga lang at mapipikot siya kay Morissa. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na peke lamang ang pagbubuntis ng kanyang mapapangasawa para makabawi man lang sa kabaitan niya pero paano?

Baka sa pagkakataong gawin ko 'yun ay wala na akong bahay na mauuwian. Baka hindi lang pagpapasakit ang gawin nila sa akin at sa magiging anak ko.

Baka sa kalsada na lang ako matutulog kapag ginawa ko 'yun. Pero nay. Hindi ako papayag na hindi ko siya masuklian sa ginawa niyang kabutihan," wika ni Thelma at sinuot ang kwintas sa leeg niya.
Mag-aalas dose na ng gabi nang magising si Thelma dahil sa mga boses na naririnig niya sa may kusina nila.

"Why didn't you tell me? Akala ko pa naman magkaka-apo na ako. Hindi ako makapaniwala na pinepeke mo ang pagbubuntis mo anak!" Wika ng kanyang step mother.

"Mom, please. I have plans for it. Hindi mo lang alam pero malulusutan ko ito. Just believe in me. Supurtahan mo na lang ako," paki-usap ni Morissa.

"Mag-iingat ka lang anak. You know Cohen's are rich family. Ngayon na nakuha mo na ang nag-iisang heir nila ay malapit na tayong maging pinakamayaman dito sa asya," saad ng kanyang stepmother.

'Napaka-sama talaga nila. Mga manloloko. Alam lang nila ay magpayaman at magkapera. Wala man lang silang paki-alam kahit may natatapakan na.' Wika ni Thelma sa isip.
"Siguraduhin mo lang na malulusutan mo lahat ng plano mo dahil isang mali mo lang ay mahuhuli ka," pagbabanta ng ina sa anak nito.

"Yes, Mom. I know. Magpahinga na muna tayo. Bukas pupunta ako sa kumpanya ni Marcellus para ipakita sa lahat na wala ng dapat umaligid na babae sa kanya," saad ni Morissa para pakalmahin ang ina. 

Nasisigurado ni Thelma na tapos na ang okasyon dahil wala ng tugtugan at kaunti na lang ang tao. Unti-unting narinig ni Thelma ang yapak na papalayo kaya agad siyang napahingang malalim. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang manatili sa pamilyang ito.  

Lumabas siya ng kwarto para i-check kung wala na nga ba talagang tao at tama nga ang hinala niya dahil nagliligpit na ang mga baguhan na kasamahan niyang katulong. 

The Stolen Romance (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon