Chapter 9

1 0 0
                                    

Agad napakapit si Thelma sa pinto ng kwarto niya nang makaramdam siya ng hilo. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang wirdo nang pakiramdam niya.

Kakatapos pa lang niyang mag-walis sa labas, mag dilig ng mga halaman, maglaba at mag-luto ng hapunan ng kanyang mga amo at ngayon lang siya ulit nakapasok sa kwarto niya, sa eksaktong ala sais na ng gabi.

Nauna na rin siyang kumain para hindi na niya makaharap ang mga amo, o para hindi na siya kumain ng mga tira-tira pa ng mga ito.

Prutas lahat ang kinain niya na nakapagpa-taka sa kanya dahil sa hindi niya ginagalaw ang mga prutas na nasa ref pero halos maubos niya na ang mga ito. Siguro ay dahil sa sobrang gutom na niya ay ang mga ito ang nagustuhan niyang kainin.

"Siguro sobra lang ang pagod ko," wika niya at hinimas himas ang ulo habang papasok sa kwarto.

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng maka-one night stand niya ang isang 'di kilalang lalaki at bumalik na siya ulit sa pagsisilbi sa kanyang mga amo.

Sandali siyang nahiga nagba-bakasakaling kumalma siya at maging maganda ang pakiramdam niya pero hindi inaasahan na makaktulog siya.

Kakarating lang ni Morissa sa bahay nila at mabilis niyang inalis ang sandals niya. Galing siya sa kompanya ng Magical Scent Company kung saan naroon ang kanyang lalaking pinaka-hahangaan simula nung makilala niya ito sa University na kanyang pinapasukan. 

"He really doesn't want to see me!? Tsk! In his dreams! I wouldn't even surrender, Cohen!" inis niyang binalibag ang sandals sa malinis na sahig at tinapon ang sarili sa mahabang sofa.

Naisipan niyang tawagin si Thelma para humingi ng tubig kaya agad siyang sumigaw para tawagin ito,"Thelma! Thelma! Thelma, where are you? Can you get me a water?" Malakas na wika niya pero tanging pag-echo lamang sa buong silid ng sariling boses ang narinig niya."Thelma!?" Napatayo na siya sa galit at nag-ngi-ngitngit ang mga ngiping nag-martsa papunta sa kwarto ni Thelma. Nakita niyang naka-awang ang pinto ng kwarto ni Thelma kaya agad siyang pumasok at doon ay sumabog na siya sa galit ng makitang nakahiga lang ito.

"You bitchichay! Ang lakas ng loob mong mahiga! Nandito ka para pagsilbihan kami hindi para matulog-tulog lang!" Sigaw nito na umalingawngaw sa loob ng maliit na kwartong iyon ni Thelma.

Agad napabalikwas si Thelma na naging sanhi upang malaramdam siya ng parang babaliktad ang kanyang sikmura kaya agad siyang tumakbo papuntang pinto para lumabas pero agad siyang hinila ni Morissa sa buhok kaya napatigil si Thelma at napa-daing sa sobrang sakit ng pagkakahila ni Morissa sa kanyang buhok.

"Where are you going? Did I already tell you to leave?" nanggi-gigil na turan ni Morissa.

"H-Hindi Morissa, m-masama lang ang pakiramdam k- Ahhh!" Napadaing ulit siya sa sakit ng hilahin ulit ni Morissa ang buhok niya.

"What bitch!? I don't care about what you feel! Just give me a water or else...lalampasuhin ko ang mukha mo sa sahig! Naiintindihan mo ba!?" Sigaw ni Morissa nang sandaling ilapit niya ang bibig sa tenga ni Thelma.

"K-Kuha ako pero te-teka-" hindi na ni Thelma naipagpatuloy ang pagsalita ng makaramdam na naman siya ng pagbaliktad ng kanyang sikmura kaya agad siyang napaluhod at sumuka sa harap ni Morissa.

Wala mang lumalabas na kung ano sa bibig ni Thelma pero pakiramdam niya ay sobrang dami niyang gustong ilabas.

"What are you doing!? Ewww! You're disguting, bitch!" Turan ni Morissa pagkatapos ay dali-daling binitawan ang buhok ni Thelma. Maarte itong humakbang palabas ng kwarto ni Thelma at huminto ng makalayo kay Thelma ng isnag dangkal.

Hindi malaman ni Thelma ang gagawin niya dahil para na siyang mamamatay sa sobrang sama ng pakiramdam. Biglang napasigaw si Morissa ng makita niyang humandusay sa sahig si Thelma. Nanlalaki ang mga mata ni Morissa at mabilis na tumakbo papuntang kusina para uminom ng tubig.

"I didn't kill her! I did nothing to her! Why is she acting like that?" Hindi mapakaling asik ni Morissa at unti-unting sinilip ang nakahandusay pa rin na katawan ni Thelma.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon nito, namh makalapit siya ay agad niyang sinipa sinipa ng marahan ang katawan nito pero hindi ito gumagalaw.

"Oh my God! Is she dead!? Oh my God! What do I have to do!? Cellphone!? Cellphone, yes the cellphone," nalilito nitong wika pero napatigil siya sa pag dial ng may maalala siya.

'Hindi pwedeng malaman ni Dad na nahimatay siya, baka patay na si Thelma,' wika ni Morissa sa isip niya.

Nanginginig ang kamay niyang pawisan at tumingin sa direksyon ni Thelma." Guess, I have no choice."

"Ang bigat mong bwisit ka!" Reklamo ni Morissa ng hilahin niya ang dalawang kamay ni Thelma papuntang pinto. Nakapatong ang magkabilaang kili-kili ni Thelma sa braso ni Morissa na pilit isinasakay si Thelma sa kotse niya."Argh!" Inis na asik ni Morissa nang sandaling malagay niya sa passenger's seat ang walang malay na si Thelma.

Naisip niyang dalhin si Thelma sa isang hospital kung saan mayroon siyang doctor na kakilala niya kaya nagsimula na siyang magpaharurot ng sasakyan nang hindi nilalagyan ng seatbelt si Thelma. 

Mabilis na nakarating si Morissa sa hospital at agad naman siyang nagtawag ng staff sa hospital para dalhin si Thelma sa doctor na binaggit niya. Agad niyang ipinark ang kotse sa parking lot ng hospital at nagmamamdaling pumunta sa kwarto kung saan dinala si Thelma.

"What happened to her?" Agad na tanong niya kay Dr. Kora na nasa tabi ni Thelma. Tumayo ito at ngumiti kay Morissa kaya nagtaka siya na dahilan para magkasalunungan ang mga kilay nito kasabay ng pagkunot ng noo.

"Nothing to worry, Moris. She's fine. She just need to rest, since she's 2 weeks pregnant," malawak ang ngiting wika ni Dr. Kora pagkatapos ay umalis na sa kwartong iyon. Naiwan si Morissa na para ng mahuhulog ang panga sa pagkakanganga dala nang pagkabigla sa ibinalita sa kanya ni Dr. Kora.

"B-Buntis ako?" wika ni Thelma na nagising dahil sa pagpasok ni Morissa.

Agad siyang tinapunan ng tingin ni Morissa at wala sa sariling napatango pero nagulat na lamang si Thelma nang bigla itong humalakhak.

"My gash! I didn't know na magbubunga ang pakikipagtalik mo sa isang lalaki! What's worse is you don't even know him. Tsk, tsk, tsk," naiiling na wika ni Morissa habang nakamaang sa kanya si Thelma."Poor girl. Kapag nalaman ni Dad na buntis ka, hah! Baka palayasin ka na 'nun sa pamamahay niya. Hay buhay nga naman," natatawang wika ni nito.

"M-Morissa, paki-usap. Huwag mong sabihin sa kanya. Nagmamaka-awa ako," wika ni niya. Agad siyang bumangon at hinawakan ang braso ni Morissa na agad naman nitong ikinasigaw.

"Yuck! Don't even dare lay your dirty hands on me, maraming germs na ang kumakapit sa iyo. Baka mahawaan pa ako ng germs ng kalandian mo noh!" Nakangiwing wika nito habang pinagpag ang damit na suot niya.

The Stolen Romance (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon