Chapter 30

1 0 0
                                    

Kinabukasan buo na ang desisyon ni Mirabel na tulungan ang kaibigan kaya maaga siyang pumasok sa trabaho kahit na ang oras ng pasok niya ay 9 am pa. Kadalasang 7 am dumarating si Clint sa kompanya kaya sinigurado niyang siya ang mauuna dito.

Napatingin si Mirabel sa relo niya.

"6: 43 pa lang," ani niya.

Mahina niyang nilapag sa upuan ang dalawang kape na hawak niya para linisan ang salamin niya dahil sa usok na napunta dito galing sa kape.

Nang maibalik niya ang salamin ay agad niyang nilibot ang paningin sa paligid.

Wala pang gaanong tao ang dumarating dahil maaga pa.
Napayakap siya sa mga braso niya ng biglang malakas na malamig na hangin ang umihip sa kinauupuan niya.

"Ang lamig pala talaga kapag ganito kaaga. Kaya ayaw kong maaga pumasok, e. Pero para kay Morissa matitiis ko itong maliit na sakripisyo na ito bilang bawi man lang sa pag papapasok niya sa akin sa malaking kompanya na ito."

Napabuntong hininga na lang siya at nakikita niyang buo ng nakalabas ang sikat ng araw kaya agad niyang tiningnan ang relo niya.

Agad na nanlaki ang mga mata niya dahil eksaktong 7 am na at nakita niya na ang nakaparadang kotse sa harapan niya.

"Si Clint."

Bumaba na ito ng kotse at napatulala siya ng marealize nita na may taglay rin pala itong kagwapuhan lalo na't medyo basa pa ang buhok nito.

Napalunok siya ng makita ang isang butones ng shirt nito ay nakasara sa may parteng leeg.

May kinausap lang itong lalaki na mag papark sa kotse nito at mabilis na nitong tinahak ang pinto papasok. Nakita niyang sumulyap ito sa kanya pero mabilis lang iyon at hindi siya pinansin kaya agad siyang tumayo at hinabol ito.

"Sir Clint! Do you want coffee? Ayaw ng kaibigan tanggapin ito dahil nagkape na raw siya eh? Sa iyo na lang?" offer ni Mirabel ng kape sa secretary ni Marcellus na si Clint.

Kunot-noo naman itong tinanggap ni Clint.

"Wala ba itong lason, Ms. Gomez?"
Natawa naman si Mirabel pero seryoso pa ring nakatingin sa kanya si Clint.

'He is like our Boss now, cold as ice.'

"I'm asking you, Ms. Gomez."

"W-Wala po, Sir Clint. Walang lason 'yan. Gusto ko lang talaga ibigay 'yan sa 'yo dahil sayang kung itatapon ko lang."

"Okay, thank you."

"Kilala mo pala ako, Sir?"

"Of course, you're a friend to Morissa, my boss' fiancee, right?"

"Y-Yes, Sir."

"What do you need from me? Did you wait for me here?"

"A-Ah hindi, Sir. Hinihintay ko 'yung katrabaho ko sana pagbibigyan ko nitong kape kaso ayaw tanggapin dahil nagkape na rin daw siya."

"And? Akala ko ay 9 am pa ang trabaho ng mga Marketing department? Napaaga ka naman ata masyado?"

"Ah kasi, Sir. May project kaming ginagawa, kailangan maaga kaso wala pa 'yung iba kaya nnauoo muna ako sa bench para mag pahangin."

"Ah is that so?"

"Opo."

"Okay, then. Thank you for the coffee, though there is a coffee maker in my office but I appreciate this."

"W-Walang anuman, Sir."

Mabilis na naglakad si Clint palayo kay Mirabel pero agad naman niya itong hinabol.

The Stolen Romance (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon