Chapter 12

1 0 0
                                    

"And you said it's La Lady Peach perfume?" Wala sa sariling wika ni Morissa na ikinatango naman ni Mirabel sa kabilang linya.

"Yeah," sagot nito.

"O-okay, I have to go. Bye!" Nagmamadaling wika ni Morissa.

"Hey!" tawag ni Mirabel sa kaibigan sa kabilang linya pero wala na ito sa linya kaya napa busangot na lamang siya dahil sa kaibigan at napahingang malalim pagkatapos ay lumabas na rin ng cr.

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Morissa sa kalsada at hindi inaalintana ang taas ng kanyang heels. Nakarating siya sa kotse niya ar agad ng ini-start ito.

'La Lady peach!? Binigyan ko ng pabangong iyon si Thelma noong inaya ko siya mag-bar. I am sure it was Thelma! Ako at ako lang ang umubos ng La Lady Peach noon wala ng iba.   Napaka-tanga mo Morissa!' gigil na wika niya sa sarili habang sinasabunutan ang sarili nitong buhok. 'Thelma is pregnant. Why her!? Why of all people!? It is really unfortunate! Patuloy na sigaw ni Morissa sa isip niya.

Nang makarating si Morissa sa bahay nila ay agad niyang nakita si Thelma pero nanlaki ang mata niya maging ang bibig niya dahil sa nakita. Nakahandusay sa lupa ang katawan ni Thelma habang may hawak hawak na walis. Agad niya itong nilapitan pagkatapos ay inalog-alog ito.

"Thelma! Wake up!" Alog pa rin ni Morissa sa balikat ni Thelma. 

'What if... bigyan ko siya ng pampalaglag na gamot. Hindi naman niya gusto ang nagyari eh. Natatakot rin siya na palayasin siya ni Dad since she had nowhere to go.'

Napatingin si Morissa sa tyan ni Thelma at dahan dahang nilapit ang kamay sa tyan ni Thelma. Nang makalapat na ito doon ay kumabog ng sobrang lakas ang dibdib niya. Hindi niya alam pero sobrang lakas ng hinala niya na maaari at posibleng kay Marcellus nga iyon. Diniin niya ang kamay sa tyan ni Thelma dahilan para umungol si Thelma tanda ng nasasaktan ito.

Umungol lamang si Thelma pilit binubuksan ang mga mata na nanlalabo pa rin at tila umiikot ang tingin niya sa paligid. Naaninagan niyang may tao sa harap niya kaya pilit niya itong kinikilala.

"Thelma! Bakit dito ka pa nahiga!? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Morissa na agad inalis ang kamay sa tyan ni Thelma.

Unti-unti namang bumangon si Thelma at humawak sa ulo niya.

"H-Hindi ko alam bigla lang akong nahilo," wika ni Thelma. Tinulungan naman siya ni Morissa na makatayo.

"Alam mo ng buntis ka hindi ka pa pumirmi. Paano kung walang nakakita sa 'yo? Baka nilapa ka na ng aso dyan," masungit na wika ni Morissa at mabilis na binitawan ang kamay ni Thelma sa sandaling makatayo ito.

"Hindi ko alam. Pero salamat. Bakit ka nga pala umuwi? Wala ka bang pasok?" Tanong ni Thelma kay Morissa pero umirap lang ito sa kanya at nagmartsa papunta sa loob. Agad namang pinulot ni Thelma ang walis at dustpan pagkatapos ay nilagay sa may maliit na kubo sa may garden.

"Anong gusto mong kainin, ipagluluto kita," wika ni Thelma.

Napatingin naman si Morissa sa direksyon ni Thelma at nilapatan ito ng nanlilisik na tingin.

"Tumigil ka nga! Don't talk to me! Naiirita ako sa 'yo!" Bulyaw nito kay Thelma kaya agad naman siyang napa-atras.

"Pasensya na," wika ni Thelma.

"Nakilala mo ba ang naka-make out mo?" Biglang tanong ni Morissa na nakahiga ngayon sa sofa at nakatulala sa kisame.

"Huh?" Ani ni Thelma.

Napairap sa hangin si Morissa at biglang bumangon pagkatapos ay tiningnan ng masama si Thelma na nasa kusina.

"I asked you if nakilala mo ba ang naka make-out mo sa bar?" iritang asik nito na ikinatigil naman ni Thelma.

"Bakit?" Biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Thelma at tumingin kay Morissa.

"Anong bakit? I asked you a question but you just answered me a question. Great!" Sarkastikong wika ni Morissa.

"Hindi ko kilala," tipid na sagot na lamang ni Thelma kay Morissa.

"Really? Not even his voice nor his scent. How about the looks is he good looking?" Sunod sunod na wika ni Morissa.

"Tumigil ka, Morissa. Alam kong para sa 'yo ay wala lang itong pagbubuntis ko. Hindi mo alam kung gaano ko gustong ingatan ang pagkababae ko pero dahil sa kalasingan ko hindi ko na matandaan! Naisuko ko ang sarili ko sa taong hindi ko man lang kilala! Sa tingin mo may oras pa ako na makilala siya!?" Inis na wika ni Thelma. 

"Aba't! Matapang ka na!? You're just a lowly maid, Thelma baka nakakalimutan mo!?Tinatanong ka lang eh! Tsaka tama ka, wala rin naman akong paki dahil kasalanan mo iyan, dahil isa kang malandi at haliparot. Kunwari ka pang ayaw pero gusto mo naman," wika ni Morissa na lalong ikinainit ng ulo ni Thelma at agad na napakuyom ang mga kamay hanggang sa maging kamao ito."Oh, tapos ngayon magagalit ka? Tss! Alis na nga ako, I don't want to be with you alone baka ano pang magawa mo sa akin."

Agad na lumabas si Morissa at nagmadaling sumakay sa kotse niya pagkatapos ay nagpaharurot.

'Maraming babae ang nandoon sa bar, Thelma. Papayag pa ako na ibang babae 'yun pero ikaw? In your dreams! Hindi ka makaka-alis sa poder ng mga Ferrer at magiging habang buhay ka ng kasambahay lang at walang pinag-aralan. You can't steal my family from me and you can't steal my man from me!'

"Hindi nga pwede, Ms. Ferrer! Bakit ba ang kulit mo!?" Pigil ni Clint kay Morissa na nag pupumilit pumasok sa opisina ni Marcellus.

"Bakit ba!? May gusto lang akong sabihin sa kanya!" Giit pa rin ni Morissa.

"Ako na! Ako na po ang magsasabi! May ginagawa si Sir at sobrang marami niya pang papers at reports na inaasikaso kaya please lang," wika pa ni Clint.

"I am the one whom he had a one night stand with at the Bar. Is that a valid reason for you to let me in!?" Wika ni Morissa na agad ikinatigil ni Clint at dahilan ng pagkakatulala nito.

Tuluyang nakapasok si Morissa at napangisi lamang siya ng makita ang sobrang tutok na tutok sa gawain ang isang lalaki sa harapan niya.

"Marcellus, let's talk!" Wika ni Morissa at agad umupo sa harapan ng table ni Marcellus.

"I'm busy, Morissa. I have no time to deal with you today," wika ni Marcellus na ikina-ngiwi naman ni Morissa. 

"As if naman na nagkaroon ka lagi ng oras to talk to me, right!? I have an important thing to tell you now," wika ni Morissa.

"Let's talk about it some other day. Clint!" Wika ni Marcellus at tinawag ang secretary niya.

"S-Sir!" wika naman ni Clint na humahangos na pumasok sa opisina ng amo niya.

"I told you already that I don't want someone to disturb me now," wika ni Marcellus habang nakatutok pa rin sa mga papers na nasa ibabaw ng desk nito.

"I stopped her, Sir. B-But she said that-"

"I'm 2 weeks pregnant," putol ni Morissa sa sasabihin ni Clint na ikinanlaki ng mata ng secretary at ikinatigil naman ni Marcellus sa pag buklat ng papers."And you're the father Marcellus."

The Stolen Romance (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon