Chapter 1

19 0 0
                                    

Hindi ko akalain na mangyayari 'to. Ni hindi ko inakala na magiging ganito ang buhay ko nung nakilala ko siya, pero sabi nga naman nila, "Ganon naman daw talaga ang pag-ibig". Napaka clichè no? Basta ang mabuti pa ay itawa ko na lang ang lahat ng ito.. Matatapos din naman itong sakit na mararamdaman ko eh, eventually..

---

CHAPTER 1:

Rrrrring~ Rrrrrrrrringgggg!~

Bumangon ako sa sobrang ingay ng alarm clock at ibinato ko yun. Ganon naman talaga ako.. Binabato ko yung alarm clock kasi hindi naman siya nasisira eh. Bumaba ako para kumain ng almusal. As usual, nandon na si Janna, katatapos niya lang lutuin ang almusal namin. Pinsan ko nga pala siya, at dito siya nagstay sa condo unit ko.

Ay oo nga pala! Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Paula Jessica Reyes-Valdez, 16 years old, ipinanganak nung May 17, 1997. Sabi nila, maganda daw ako. Medyo brownish ang hair ko, reddish lips kahit hindi na ako mag lip gloss or lipstick, thin eyebrows, 5'4 ang height ko, at may talent ako sa pagkanta, pagsayaw, at pag arte. Isa akong theater actress kasi. My mom and dad ay nasa Japan, may malaking business ang pamilya doon, isa ang pamilya namin na may ari ng isang pinaka sikat na Hotel doon at si mama naman ay may clothing line na may branch doon, kaka establish pa lang kasi kaya nandon muna siya sa Japan pero ang totoo niyan, sa US talaga ang business niya, my mama wants to go global kasi, she already conquered America kaya she wants to expand na sa Asia, isa yun sa mga pangarap niya sa buhay. Sabi nga nila, lahat na nasa akin, pero pwe. Kung alam lang nila. Minsan nangungulila ako kay mama at kay papa, pero wala naman akong magagawa doon. Busy sila sa business nila at yun ang ikinakabuhay naming magkakapatid. I have two siblings, a brother na nasa states nagaaral, si Kuya Kenneth, at si Ate Jam, kasama din ni kuya doon, kaya magisa ako dito sa Manila. Binilan nila ako ng condo dito gawa ng ayaw ko talagang mag aral sa US, hindi ko alam kung bakit pero ayoko talaga eh, kaya ayun, I'm stuck here with Janna, ang best pinsan ever ko, anak ng kapatid ni papa na may ari ng isang sikat na resto dito sa bansa. Napag desisyunan namin na magsama na lang since busy din ang parents niya. 2 units ang binili ng mama ko, at ipina construct na lang to make it as one room, 2 floors siya, at nasa 4th floor lang kami ng buong building. Yung itaas ay may 5 na kwarto, at magkahiwalay kami. May rotation naman kami sa paggawa ng gawaing bahay, si Janna ang in-charge sa breakfast ngayong linggo.

"Pau! Akala ko hindi ka na magigising eh." Sabi niya. Maaga naman ako nagising ah?

"Shemay ka Janna. Ang late pa ba neto?"

"First day kaya natin ngayon as HS seniors! Hindi ka ba excited?"

Ay oo nga pala.. Unang araw namin. Hindi ko man lang na feel. F na F ko kasi yung pagtulog ko kagabi eh, napuyat kasi ako kakanood ng movies.

"Hindi? I can't explain the feeling." Sabi ko. Ningitian niya lang ako.

"Alam ko namang tinatamad ka pa, pero kailangan mo nang magising kung gusto mong maging Valedictorian ng batch naten." Sabi niya. Oo nga pala, may pagka brainy ako.

"Fudge naman Janna! Ayoko muna isipin yan. Iisipin ko muna kung anong mangyayari sa atin.. Baka kasi hindi tayo magkaklase.. Ang alam ko kasi sinadya tayong paghiwalayin ni Ma'am Sevalla." Naiinis ako. Wala naman kaming ginagawa kasi ni Janna.. Bakit na maman kami paghiwalayin?!

"Wala na tayong magagawa.. Hayaan mo na." Huminga siya ng malalim. Binigay niya sakin ang omelet ko, tas kumain na kami. Ang sarap magluto talaga ni Janna ng pagkain, nakakainis!

"Ako na maghuhugas." Alok ko sa kanya. Binigay niya naman sakin ang pinagkainan niya. Kahit na siya dapat ang gagawa nito, hindi ko alam kung bakit ako biglang tinopal at ako yung gumawa.

Love/HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon