Chapter 4

11 0 0
                                    

CHAPTER 4:

“Okay, practice na!” sigaw ni Ma’am Sioson ngayon. Meron kaming theater practice para sa upcoming production namin. Title niya ay “Pepper Spray” na isinulat ng kakilala ni ma’am, hindi ko matandaan pangalan niya. Hindi naman ako yung lead role, unlike last year na talagang stress kasi siyempre, you have to act good para walang masabi yung mga kasama mo. This time, ibinigay kay  Siyempre, ako naman sunod lang ng sunod. Ibinigay kasi kay Andy yung lead role, kaya ako chillax muna, although I do my best. Pero may solo naman ako, kasama kasi yung Smile ni Avril Lavigne.. Sa akin pa natapat yung kanta. Ang weird lang, kasi hindi pang Pop-rock ang boses ko. More of Pop to Country lang naman ang kaya ko pero bahala na. Gagawin ko na lang to, diba. After several rounds of practice, nagtawag si ma’am ng break, at napaupo muna ako sa isang gilid. Tumabi naman sa akin si Andy.

“Ayos ka lang ba, Paula? Parang may weird sa boses mo ngayon. Medyo off-key ka kanina.” Tanong niya. Hindi ko napansin yun ah. Bakit? Off key nga ba ako?

“Aba eh, hindi ko napansin? Pero I’ll try better next time.” Yun na lang ang nasabi ko, ayoko kasi mag start ng argument.

“May iniisip kang iba habang nagpapractice no? Magsabi ka ng totoo sa akin!” sabay tulak niya sa akin. Nakakaloka. Pero ako, deny lang.

Pero, yung totoo niyan, iniisip ko si Keith. Ano na kaya ginagawa niya? Kumain na ba siya? Nasaan kaya siya ngayon? Oo na. May gusto ako sa kanya. Aminado na ako doon wholeheartedy.

“Wala ah! Saan mo naman nadampot yan?” defensive kong sagot. Siyempre, ayokong malintikan.

“Balita ko kasi may manliligaw ka eh! Totoo ba?” Hala! Saan niya kaya nalaman yun?

“Meron nga, pero wala yun.” Pakipot kong sagot. Yun lang nasabi ko.

“Hay nako. Si Keith Saavedra daw. Bigatin ka ‘te! Di ko kinaya powers mo! Ang pogi pogi non!” Sabi niya. Nagulat ako doon! Grabe!

“Paa..Paa..Paano mo nalaman yan?!” Yun na lang natanong ko. Gulat ako eh!

“Siyempre. Sikat sa school naming yung lalaking yun no. Pogi kasi, saka doon nag aaral yung ex niya, si Susy. Pumupunta yun sa school naming dati para sunduin si Suzy eh, pero ewan ko kung bakit sila nagbreak.” Alam mo, nung sinabi niya yun, parang umigting yung tenga ko don. Sinusundo niya si Susy.. Sa utak ko, patay na si Susy. Patay na patay. Butchered kung baga.

“Ah, ganon pala yun.” Yun ang nasagot ko. Parang ang cold nga nung pagkakasabi ko eh, pero keribels lang.

“Inggit ka naman?” Sabay hirit ni Andy.

“HELL NO. Wala akong paki doon no. Ang anu ano non e! Basta.. Ano!” yun na lang nasabi ko nang biglang nagring ang cellphone ko sa bulsa ko. Intregera itong si Andy, tinignan kung sino. Nung nakita niyang “Keith *with a grumpy emoticon*” yung pangalan (Pinalitan ko kagabi), napangiti siya. Sabay sabing, “Sige, iwan muna kita princess!” sabay tayo. Eto na nga ba ang kinakatakot ko eh! Nagsisimula nang mag spread yung about sa amin ni Keith.. Ayoko nang napapag usapan.. Di ako sanay.

Sinagot ko yung tawag. Nung pagkasagot ko, mukhang bagong gising pa siya. Halata sa boses niya e. Kakagising niya lang? It’s already 12:10PM!

K: Hello, Paula! Gooooooodmorning! *yawns*

A: Anong good morning? Afternoon na kaya. Look at the time.

K: Ay, oo nga no! I lost track of time. Kakagising ko lang kasi.

A: Halata naman eh. Ano ba ginawa mo kagabi?

K: Wala naman, nag movie marathon lang. Parang feeling ko nga, kulang eh.

Love/HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon