Chapter 2

12 0 0
                                    

CHAPTER 2:

"Katabi mo siya? Really?!" Sigaw ni Natalie. Mukhang gulat sa kwento ko. Uwian na namin. Mabuti naman at natapos na itong araw na ito. As usual, puros homework kami. Unang araw ng pasukan eh! Since maraming kailangan na ganon ganyan, pumunta kami sa Trinoma para bumili ng gamit.

"Sa Physics lang. Hindi naman siya ganon kapogi eh." Sabi ko. Pagmumukhain kong jerk yung mokong na yun.

"Eh kamusta naman? Okay naman siyang katabi?"

"Natalie, ang sama ng ugali non! Minura niya ako kaninang umaga!"

Nagulat si Janna.

"Yun yung Keith? Yung nakabangga mong lasing?!" Sigaw niya. Napalakas ata kaya nagtinginan yung mga tao sa amin.

"Kalma ka, Jann. Oo, siya nga. Akala ko nga hindi ako mahuhuli eh.. Badtrip first period ko pa siya katabi!" Sabi ko. Mukhang clueless si Natalie, kaya minabuting ikwento na namin ang nangyari kaninang umaga. Napa "Ahh~" lang siya.

"Kaya naman pala! Dapat sinabi niyo agad sa akin diba??" Sabi ni Natalie. Sorry na..

Nag settle na kami sa Statbucks, umorder kami ng Frappe at sabay nagchikahan ng kung anu ano. Ikinekwento nila yung about sa mga teacher nila, na si Ma'am Magsucang ay naghele lang, yung Physics daw nila na si Ma'am Olivares nag lesson agad, (Sheps ang swerte nila kay Ma'am Olivares! Naging teacher ko yun sa Geometry at Trigo nung 3rd year, mabait yun) at teacher din pala nila sa

Economics si Ma'am Sy, yung adviser namin. Parehas lang pala siya ng pinagawa samin, ang mag isip kung paano ibinibudget yung pera mo.

Ako naman, wala ang boboring ng teacher ko, except kay Sir Fernandez. Ang cool niya for a Physics teacher, at ang hot niya pa.. Kaso bwiset kase, katabi ko pa yung animal sa subject na yun! Bakit na ganto ang buhay!

May biglang tumunog na cellphone, kay Janna ata yun. "Nagtext si Jeffrey." Sabi niya samin na parang wala lang.

"Anong sabi?" Tanong namin ni Nat ng sabay.

"Mag usap daw kami. Ganon uli. Eh desidido na nga akong makipag break sa kanya eh." Sabi niya. Mukhang seryoso na siya. Feeling ko may kasalanan ako.

"Mag usap na kaya kayo?" Sabi ko. Naguiguilty ako. "Nasaan ba siya?"

"Malay ko doon. At mag uusap na kami pag naisip ko na yung sasabihin ko. I'm thinking about it, actually."

"Hay nako, Janna. Kape lang katapat niyan." Sabi ni Natalie. Sabay abot ng kape niya kay Jan. Siya lang pala ang umorder ng brewed coffee sa amin. Hinawi lang yun ni Janna, napa smile si Nat sabay concentrate sa donut niya.

"Oo nga pala, ano na nga pala ang plano sa Sabado? Overnight ka pa rin ba sa amin, Nat?" Sabi ko. May sleepover kasi kami slash angalan kung ano yung mga past na nangyari.

"OO NAMAN. Tuloy na tuloy! Dadalhin ko yung 'Truth Cards' ko, gisaan nanaman tayo!" Sabi ni Nat. Eto nanaman kami sa cards na yan.

"Oo nga pala, mag SC ka ba ulit, Nat?" Tanong bigla ni Janna. Officer kasi si Nat last school year, Auditor siya.

"Studies ang focus ko, graduating na tayo. Gusto ko makapasok sa magandang college if ever."

"Nabalitaan niyo na ba yung nangyari kay Leo?" Sabi naman ni Janna. Nakakaloka ito! Basta pogi, alam!

"Nangyari sa kanya?" Excited naman itong si Natalie. Isa din 'to eh no!

"Break na daw sila ni Iris. Nahuli daw na nakikipaghalikan si Leo sa ibang babae sa may Penguin Park. Ayun, tenggo!"

"Kanino mo naman nalaman yan?" Tanong ko. Nacurious ako. Si Leo kasi ang captain ng swimming team namin eh, pogi pa.

"Naririnig kong naguusap yung mga kaklase namin kanina. Nag eavesdrop ako accidentally. Lakas ng boses nila eh." Sabi ni Jann. Kawawa naman si Iris. Kaklase namin yun last year eh, sobrang bait non. Nasa section D ata siya ngayon eh, nasa F sila Nat.

Love/HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon