Chapter 6

19 0 0
                                    

CHAPTER 6

*after 3 years*

"Ate Secretary, eto na po yung CD, nakalagay na po diyan yung pictures ng event po kahapon" lumapit sakin si Clara, ang head ng committee ko ng Documentations & Publications.

"Salamat, Clara! What would I do without you" ningitian ko siya, buti na lang siya ang nag document ng event namin kahapon. Umalis na siya at ako na lang ang naiwan dito sa CSC office. Pumunta na ako sa may desktop para simulan yung Narrative report na ipapasa, kailangan kasi, after every event, may ipapasa kami. Napaka hassle ng trabaho ko.. Bakit ba kasi ako nag Secretary.. Haaay. May assignment pa nga ako sa Clinical Chemistry.

Habang ginagawa ko na yung report, biglang may tumawag sa cellphone ko, si Paulo. Agad ko namang sinagot yung tawag

Ako: Oh, Pau? Bakit?
Paulo: Anong bakit? Sumama ka na sa Sabado. Tutal wala ka namang klase diba. Saka kasama si Jannah at si Jefferson. Namimiss ka na din ni Mich.
A: So, ganon? Ako lang walang boyfriend? Ang sakit naman ata nun sa bangs!
P: Wag mo na lang isipin yun, Jess. Nasan ka ba ngayon?
A: Asa CSC office pa din. Alam mo naman. Duty calls.
P: Mukhang kinakareer mo na yang pagiging Secretary mo ha! Buti na lang binoto kita! Haha!
A: Che! Medyo nagsisisi nga ako eh. Hirap ng buhay! Ang sakit sa ulo.
P: Eh ginusto mo yan. Will you go for Presidency this upcoming election?
A: No.. Malaki masyado ang CSC. Di ko kaya.
P: Haha! Nako. Dun din bagsak mo. Oh siya! Basta ah! Sumama ka! Bye bespren!

Tapos bigla niyang binaba yung tawag. Now, back to business. Ginagawan ko ng report yung Seminar namin about "The Youth and Technology". Napakaraming pictures, di ko alam kung alin ang ilalagay ko sa report. Bahala na! Kung ano na lang siguro mapili ko, yun na yun.

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa then suddenly, nagbukas yung door ng office, si Kuya Byron pala. Yung President namin.

"Oh ganda, nandito ka pa?" Sabi ni Kuya. Late na din kasi, mag 9PM na.

"Gusto ko lang po tapusin yung report. Para wala na po akong gawin sa bahay" yun na lang nasabi ko. Medyo magulo na ata yung flow ng kwento. XD

To cut the story short, after I graduated
High School, I studied Medical Technology, kasi nga I wanted to be a doctor diba, here at the University of Saint Claire. Dito na din nag aral si Jannah, Nat, at Paulo. Si Jannah, nag MAS, si Nat naman ay nag MassComm, at si Paulo naman ay nag MedTech din, tulad ko, pero di kami naging magkaklase. Then bigla na lang akong naging student leader. Di ko nga alam kung paano nangyari yun eh, unang sabak ko sa ganto ngayong 3rd year, tas sa Central Student Council (CSC) pa ako nilagay! Sobrang saya diba! Di ko nga alam kung paano nila ako napapayag mag run. XD Kahit papano naman, nanalo ako. Di ko alam, pero dinaan ko lang ata 'to sa ganda! Haha! Malaki laki din kasi lamang ko sa kalaban ko tas baguhan pa ako. XD

So ayun, nanalo naman kami nila Kuya Byron, isang BS Pharmacy Student, siya ang President namin, Si Ate Honey, ang aming Treasurer na isang MassComm student, at ang bunso naming si Harold, isang Civil Engineering student, ang aming PRO. Ang Vice at Auditor naman ay nakuha ng kabilang party, si Ate Princess, isang Accountancy Student, at si Kuya Kenneth na napaka pogi na as in makalaglag panty talaga ng bongga, isa siyang Pharmacy Student din. Kung pwede lang siya gapangin eh nagawa ko na, kaso may girlfriend na eh! Banas!

Isa naman akong consistent na full scholar kahit na may Theater ako. Ayoko kasi nung nagsasayang ng oras. Naging reyna na ako ng time management. Namamaintain ko pa naman mga grades ko kahit dumagdag na itong CSC.

Ayun. Tama na ang flashback!

"Don't strain yourself. Umuwi ka na at unahin mo muna assignment mo kung meron ka man." Sabi sakin ni Kuya Byron. Sabay upo niya sa desk niya para tignan ang nagtatambakan niyang papeles sa mesa niya.

Love/HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon