Chapter 1

2 0 0
                                    

Dating site

Sabi ko dito hindi na ako aasa na may magmamahal pa sa akin.

Someone hurts me and that is my biggest trauma since then.

"Alam mong ayaw ko na ipipilit mo pa rin ang sarili sa akin?"

Nang marinig ko iyon sa kanya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alam ko naman na walang akong kapasidad upang pigilan siya na iwan ako kasi in the first place, ako ang unang pumasok sa buhay niya.

Nakilala ko lang siya sa isang dating site at ibinigay ko sa kanya ang aking personal information lalo na ang aking social media. At pagkatapos noon ay naging magkaibigan na kaming dalawa.

Naging masugid ko siyang manliligaw sa ilang araw na pag-uusap na iyon. Pero magtatapos din sa sakitan ng mga salita pagkatapos.

"Minahal kita ng totoo pero hindi mo magawang mahalin ako ng tama? Hindi mo ako sinuklian ng totoong pagmamahal."

"Sorry, may mahal na akong iba." sabi niya sa mahinang boses. "Minahal naman kita ang kaso napagod na ako."

"Kung mahal mo ako bakit ka napagod?"

Minsan naisip ko na ang tanga ko na para kausapin pa siya. Na nakakapagod na ipilit ko ang sarili sa taong ayaw naman sa akin.

"Pakiramdam ko rin kasi na ayaw mo sa mga kagustuhan ko at parang gusto mo kontrolado mo ang lahat," may panunumbat sa boses niya.

"Kapag ba sinabi ko ang ganoong bagay ay gagawin mo talaga? Hindi mo man lang ako tatanungin kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon?" May panunumbat sa boses ko rin at galit na ako upang gustuhin na siyang walain sa screen ng cellphone ko. "Like, may hangganan ang pagkakaintindi mo sa lahat? Kaunti lang ang pasensiya mo at hindi rin kita halos maintindihan."

"Ang layo mo at halos hindi na rin tayo palaging nag-uusap, one day you'll understand it too." sabi pa niya sa akin at iniwas ang tingin sa akin na tila may pinagkakaabalahan.

"Nasa ibang bansa ako, can you please understand it? I want to be with you. Kapag nakauwi na ako ay magsisimula tayo at bubuo ng pamilya. Ilang buwan lang naman, hindi mo ba ako mahintay?"

Sumakit ang puso ko doon at naguluhan sa mga pakikitungo niya sa akin. Bakit ganito siya gayong parang kailan lang ng umalis ako ay masaya pa kaming dalawa at nag-uusap sa mga bagay-bagay na makatulong sa relasyon namin.

"Ako na lang ba ang gagawa ng paraan para huwag kang bumitaw?" tanong ko sa kanya at humikbi pagkatapos. "Bakit nagbago ka na? Bakit bigla na lang at may iba ka na?"

Hindi siya tumingin sa akin at halip ay umupo ng tuwid. Ang mga kilay niya at mga mga ay pantay ang itim. Maputi ang balat niya at matangkad din siya at may marangal na trabaho ngunit hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagbago sa aming dalawa. Halos mag-iisang taon na ang relasyon namin pero bigla ay iiwan niya ako ng ganito. Ang unfair naman sa akin nito.

"Last time kapag 'di ko sinasabi sa'yo hindi mo rin gagawin. Ewan ko ba parang ang hirap sa'yo na umunawa ng nararamdaman ng babae," sabi ko at lalong umiyak. "Kung titigil ka na pakiramdam ko ay wala lang sa'yo ang pinagsamahan natin-"

"Hanggang dito lang lahat ng pinagmasdan natin. At saka kung tayo man, ay tayo," putol niya sa sasabihin ko pa. "Hindi ko lang talaga kaya na ang layo mo sa akin at hindi kita nakikita."

Hindi na niya pinahaba pa ang usaping iyon at pinutol na niya ang tawag at ang malala pa doon ay bigla na lang siya nawala at hindi ko na muling nakausap pa.

Lumipas ang mga araw na wala akong ibang malalapitan kundi ang sarili ko. Tatlong araw na akong wala sa sarili ko at hindi ako makapagtrabaho ng maayos.

My friend were suggesting me to hangout with another man and date them. Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi lalo pang nasa ibang na rin halos manirahan ang kapatid ko at kung uuwi man siya ay dapat kasabay ako. Pero ngayon ay wala siyang balak na umuwi at wala rin akong dahilan para umuwi pa. At ang dahilan ay dahil lang sa iisang lalaki.

Nawalan ako ng gana sa lahat. Siguro hindi sapat ang salitang mahal lang. Hindi porke't sinabi ay paniniwalaan ka na lalo pa ang iba na ang gusto nilang love language ay ang physical touch and acts of service. Paano naman ang mga words of affirmation and quality time especially when we are both in a long distance relationship?

Mag-re-relapse na lang ba ako sa lahat ng ito?

Ang malala pa doon ay hindi mawala sa isip ko na kaya niya nagawang iwan ako ay dahil iniisip niyang hanggang talking stage lang ang lahat ng sa amin. Na hanggang salita lang ang lahat ng sinasabi o pinaparamdam kong pagmamahal at hindi niya halos maramdaman. But I have lots of assurance for him to stay, hindi ba sapat iyon?

I am not that enough or I don't have the right to love by someone even though I'm far from him?

Ganoon na ba ako kadaling isuko na lang?

"Alam mo, sis, hindi lahat ay puwede mong ipilit sa isang tao. Don't force someone to love you or stay with you," sabi ng kapatid ko sa isang long distance call nang tawagan ko siya kahapon ng gabi at wala ako ni isang makausap. Nasa Canada siya at ako naman ay dito sa Paris.

"Hindi naman kasi laging galit at hiwalayan ang solusyon, e," sabi naman ng kaibigan kong si Lanie nang tawagan ko siya kaninang hapon. "Kapag hindi na nagparamdam sa'yo it doesn't mean that hindi na iyon communication. It is still a communication pero hindi siya proper communication at hindi mo na kailangang ipilit ang sarili mo kasi ayaw na nga niya."

Ganoon na lang ba kadaling sabihin iyon at tanggapin? Siguro para sa ilan na walang pagmamahal o pagpapahalaga sa sarili ay makakalimutan agad ng tuluyan.

Pero sa kondisyon ko ay ayaw ko halos tanggapin sa sarili iyon kasi nasasaktan pa ako sa ngayon.

Paano ako lalaban kung siya ay susuko na?

"Mahirap talaga ang LDR sa totoo lang at malungkot lalo na kung wala ang tiwala at pagmamahal sa isa't isa," sabi ni Ate Micah, "I understand your situation right now but we have many things to do or need to focus."

"Kailangan nga dapat doon mo ibaling ang sarili mo upang mawala siya sa isipan mo kasi kung patuloy kang ganyan ay hindi ka uusad." Advice ulit ng kaibigan ko.

May punto nga sila pero bakit ayaw halos tanggapin ng sarili ko ang mga iyon? Hindi pumapasok sa isip ko kahit isa man doon.

"Inuubos mo sa walang kuwentang bagay ang lahat ng oras mo samantala hindi ka niya iniisip man lang. Bigay ka nang bigay kahit hindi ka naman nasusuklian ng totoong pagmamahal."

Bumuhos ang luha ko doon sa sinabi ni Lanie. Mapait akong napangiti sa kawalan at pinalis ang luha ko sa mga mata.

"Ituon mo na lang sa ibang bagay ang sarili, you can find another man and will love you. But at least be safe. One day you will understand all of this bakit nangyari iyon sa'yo."

It's sad to say that when you depend or attach yourself to that person, one day you will realize that it is no longer worth it or happy.

Nagpasya akong ayusin ang sarili at bumalik sa aking dating buhay. I know how hard it is. Pero baka isang araw ay baka maintindihan ko rin kung bakit ganoon ang naging dahilan ni Anjou.

Lumunok ako at hinarap ang sarili sa malaking salamin. Dito sa lugar kung nasaan ako ngayon ay hindi ko alam kung paano ko ba hahapin ang nawala sa akin.

Siguro madaling mag-move sa paraan ng pakikipag-usap sa iba pero kapag tapos na at mag-isa na ako ay babalik pa rin sa alaala.

Hindi na natatapos sa ganoon. Masasanay ba talaga ako? Pero ang sakit at kawalan ng tiwala sa lahat ay hindi ko na maitatago pa.

Kinakabahan ako kinabukasan nang pumasok sa trabaho dahil tatlong araw akong leave at ang paalam ko lang ay may sakit ako.

"You know being a receptionist here in Paris Hotel, hindi basta-basta, we need to settle everything. Dapat nasa ibang bagay ang problema at hindi sakop ng trabaho natin." si Lanie at ngumiti sa bagong mga papasok pa lamang sa hotel at nakipag-chit chat na siya doon at inasikaso ang mga room ng mga ito.

Nang matapos siya ay nilingon niya ako at may ipinakita sa akin.

"Alam mo ba marami kang makikilala sa isang dating site na karamihan ay taga dito lang sa bansang ito-"

Umiling agad ako at ibinaba ang cellphone niya. Hindi ko kaya dahil wala naman kami sa sarili naming bansa para gawin ang bagay na iyon.

"Takot ka ba?" she asked smilingly. "Kaysa naman pinapagod mo ang sarili sa isang lalaki na hindi naman sigurado sa'yo, Vera!"

Kinagat ko ang aking labi at umiwas na lang sa sinabi niya. Inabala ko na lang sarili nang may mga dayuhan na namang pumapasok sa hotel.

Alam ko ang klase ng dating site na iyon at mga anonymous user lang. Baka hindi rin ako puwede doon. Baka hindi kayanin ng isip ko. At baka overthink lang ang kalalabasan.

Scandalous Romance ®🔞+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon