Chapter 6

0 0 0
                                    

Chat

Tulala ako habang kaharap ang monitor. Ni halos hindi ko na marinig ang mga ingay ng telephone at walang balak na sagutin. Kung hindi lang ‘yon dinampot ni Lanie ay baka saan pa ako umabot at baka pagalitan ng amo.

“Tulala ka?” Naningkit ang mga mata niya. Sinagot niya ang tawag at mga inquires ng mga customer sa kabilang linya.

“Baka pa-fall lang si Sam,” mahinang boses na sabi ko sa kanya.

Ibinaba niya ang tawag ng matapos doon. Inayos ko naman ang ilan sa mga tina-type sa computer at umayos ng pag-upo.

“Ano bumigay ka na sa stranger mo?” Umiling siya. “Matapos ang date n’yo noong nakaraang araw ay palagi kang wala sa sarili at hindi mapakali. Aminin mo nga sa akin, may nangyayari na ba sa inyo ni Sam?”

Hindi ko muna siya sinagot doon dahil may dumaan at sinagot ko ang ilan sa mga inquires sa telephone. Nang bagsakan ako ng telepono ng kabilang linya ay napapikit na lang ako.

“Hindi ko na nakikita si Sam dito pero kunsabagay hindi ‘yon madalas dito,” sabi niya. “Inalam mo ba ang mga whereabouts niya? Mga personal na bagay tungkol sa kanya? Ano ang mga pinag-usapan ninyo noong nakaraan?”

“Baka busy lang sa trabaho, hindi ko rin kasi naitanong ng maayos, tungkol lang naman sa mga exes namin ang napag-usapan namin,” Guilty ako lalo na sa mapanuri niyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong paniwalaan kasi talagang wala na siyang paramdam pagkatapos noon. “At nawala sa alaala ko ‘yon, Lanie.”

“Ang bilis mong ma-fall sa taong bago mo lang nakilala…” Heto na naman siya sa mga banat niya na totoo naman.

Ako naman din ang nagsabi o nagbigay ng assurance kay Sam na wala siyang pananagutan sa akin dahil ginusto ko naman ang nangyari sa aming dalawa. And its been three days since we talked about us. And I lost my virginity to him. And to think that, nakilala ko lang siya sa online dating site ay mahirap paniwalaan na bumigay ako kaagad. But this is my choice. At pakiramdam ko ay hindi lang iyon lust. Siguro tama si Lanie na mabilis akong ma-fall sa isang lalaki dahil softhearted ako o ‘di kaya ay kagagahan ko na ito.

Naghahanap ba ako ng rebound for a piece of intimacy? Hindi ko alam. Naghahanap ba ako ng oras at atensyon kasi nasaktan ako ni Anjou noon? Hindi ko rin alam. Pero iisa lang ang gusto kong linawin kay Lanie na hindi ganoon ang nararamdaman ko. At kung sakali man malaman din ni Ate Micah ay walang ibang sisihin dito kundi ang sarili ko lang. Kasi tanga ako.

Naningkit uli ang mga mata niya. At tila ayaw akong paniwalaan. “Duda talaga ako sa’yo lalo na sa pakikipagkita mo doon kay Sam. May nangyari ba o wala? Bumigay ka ba agad?”

Marahan akong tumango sa kanya.

“Hindi na ako magtataka na i-ghost ka na naman matapos mong magtiwala agad. Pero kunsabagay sarili mong desisyon iyan, Vera, ang akin lang naman bilang kaibigan ay naging pakipot ka sana ng kaunti at nag-iingat ka sa mga bagay na alam mong hindi na maibabalik sa’yo.” She spat.

Hindi naman ako nanghihinayang. Ang akin lang ay palaging nasa isip ko na si Sam simula nang may mangyari sa amin. Palagi ay hinahanap ko na siya. Hindi dahil sa kapirasong pinagsaluhan lang namin kundi itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung paano at anong tamang salita doon. Nahulog ako ng ganoon kabilis na lang. At parang lalagnatin ako kakaisip kay Sam.

“Hindi na ba ulit nagparamdam si Anjou sa’yo?” Bigla ay tanong niya.

Marahan akong umiling kay Lanie. Ni minsan hindi na at wala na akong balak na bumalik kay Anjou.

“Don’t tell na rebound lang si Sam?” she arched her brow. “Ang bilis mong bumigay, eh.”

“Hindi ko na iniisip si Anjou.” Sabi ko. Mukhang magkakasakit nga ako kakaisip kay Sam. “I don’t want to chase the boy who doesn’t know how to be a real man.”

Itinuon ko na lang ang oras sa natitirang oras ng trabaho. Nang maghapon na at gumabi ay pinalitan na kami ni Lanie. Napagod ako sa araw na ‘yon, pero hindi ang katawan ko kundi ang isip ko.

Dumaan kami sa may Café at nagtagal ang tingin ko sa isa sa mga pinakamataas na building sa Paris. Hindi ako nasanay hanggang ngayon, five years na simula nang magtrabaho ako dito. Pero ni minsan hindi ko pa naisipang umuwi sa Albay.

“Lanie,” kuha ko sa kanyang atensyon. “Naisip ko lang, paano kung umuwi ako sa Albay at hindi na inisip ang desisyon ni Ate Micah noon, magiging kami pa rin ba kaya ni Anjou hanggang ngayon? Kapag ba nagkita na kami ng personal, hindi ba siya maghahanap ng ibang babae?”

Ibinaba niya ang cellphone sa lamesa at nilingon ang glass window. Sa labas ay tanaw ang mga sasakyan at ilan sa mga tao naglalakad.

“Hindi ko alam, Vera, pero sa tingin ko kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya lolokohin ng ganoon na lang. If he really loves you, magtitiwala siya sa’yo gaano ka man kalayo sa kanya.”

Pero si Sam, kahit ang lapit lang niya dito sa akin ay ganoon pa rin. Pakiramdam ko na ang layo pa rin niya. Hindi nga siguro sukatan ang lapit o distansya dahil nasa tao lang iyon kung magtitiwala sa isa’t isa. May tiwala ba talaga ako kay Sam? Pero ang sabi niya ay magtiwala ako sa kanya. Kaya gagawin ko kahit na masakit ang umasa sa wala.

Gumalaw ako sa higaan ko, hindi ako makatulog. Nagpasya akong buksan ang dating site kung saan ko nakilala si Sam. Pinindot ko ang profile niya at nakita ko doon na offline siya three days ago na. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero gusto kong umiyak sa mga sandaling iyon.

Dito sa site na ito, nakilala ko rin si Anjou. Kahit paano nagtagal naman ang relasyon namin sa loob ng ilang buwan. Kung naka-focus lang ako sa kanya hanggang ngayon ay baka masayang ko lang ang ilang taon sa paglulusa ng hiwalayan naming dalawa.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may mensahe akong natanggap sa dating site na iyon. And it was Anjou.

AJ:

Kamusta ka na?

Online siya at bago lang. Himala at nagparamdam siya uli matapos akong iwan at ipagpalit. Kung kailan okay na ako ay saka siya magpaparamdam?

AJ is typing…

And then there is Sammy na kaka-online lang din. Mabilis akong nag-type ng mensahe sa kanya.

Vera:

Kamusta ka na? I have no clue where you are in these past few days but I hope you are doing well, Sam.

Sammy:

Where are you? Pasensiya ka na kung naging abala ako ng ilang araw. Nasa ibaba ako ng apartment mo, puwede ba kitang makita?

Nagkasabay pa kami ng mensahe sa hindi inaasang pagkakataon. Now I’m happy again. Mabilis akong bumaba sa higaan at parang nagising ko pa si Lanie pero hindi naman siya nagsalita. Lumabas ako nang dahan-dahan sa pintuan at nag-type uli ng mensahe para kay Sam.

Vera:

Okay. Wait me in the lobby.

Anjou:

Vera, I miss you. Hindi ko nagagawa ang mga gusto ko doon sa bago kong nakilala. I miss talking with you.

Tumaas ang kanang kilay ko nang mabasa iyon sa kanya. Akala ko ba mahal niya ang ipinalit sa akin?

Anjou:

Can you send me a selfie? Gusto kitang makita. Mahal pa rin kita, Vera. At miss na kita.

Hindi na ako nagulat nang mag-send siya ng malaswang litrato at video sa akin. And he sitting on the couch while masturbating. Lalo lang akong nainis sa ginawa niya. So I decided to send a long message and to end this.

Vera:

Ang baboy mo.

Hindi ko alam kung bakit kita minahal at pinaglaanan ng oras pero kinamumuhian kong nakilala kita.

Mahal mo lang naman ako dahil convenient ako sa’yo.

I did what’s best for us, I did all the things to make it better and clear for us. But you choose the circumstances like, where I am not exist.

I saved myself before it will end my everything. I hate the temporary love and I hate begging for a piece of attention that isn’t right for a genuine person like me. I choose my inner peace, so stop bugging me again.

And I blocked him after sending it. Hindi pa man siya nakaka-send ng reply ay sinara ko na ang communication sa kanya doon.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos at nahiya para sa sarili dahil may minahal akong gago tulad ni Anjou.

Sa pagbaba ko sa lobby ay hindi ko napansin ang bulto ng isang lalaki na naghihintay lang sa isang upuan doon at tiim ang bagang na nakatingin lang sa akin.

Nakalimutan kong naka-pajama lang pala ako at wala sa sariling ganito ang ayos nang bumaba. Ang kanyang pagod na hitsura ay naghatid lalo ng pangungulila sa akin. Hindi ko alam kung paano nagtagal o ilang minuto ang itinagal ngunit tumakbo ako sa gawi niya at yumakap sa kanya ng mahigpit doon.

“I miss you, Vera, please be mine.” Sabi niya na mas lalo kong kinayakap sa kanya at ganoon din siya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scandalous Romance ®🔞+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon