Chapter 3

2 0 0
                                    

Fake

Naisip ko na baka hindi siya totoo.

"Welcome to Paris," sabi ko sa isang tourists na papunta sa gawi namin.

Ang lalaki ay matangkad at guwapo. May kasama siyang babae ngunit mukhang hindi bago sa lugar na ito. Nagsasalita sila ng French at mukhang nagtatalo.

Si Lanie ang magaling sa ganoong salita kaya siya ang kumausap sa dalawa. At mukhang hindi pa 'ata makapag-decide kung anong room ang kukunin nila.

Ang hirap kapag nasa front desk ka dahil kailangan mo ring sumagot ng mga katanungan at problema ng mga tao. At kung ano ang kailangan nila at ayaw nila.

Siniko ako ni Lanie nang maayos na niyang naasikaso ang mga iyon. Isang staff din na lalaki ang sumama sa dalawa. At kahit mula dito ay nagbabangayan pa rin sila.

"Anong bang problema ng mga 'yon?"

Natawa siya nang bahagya. "Sabi ng babae sa lalaking kasama niya, bakit sila mag-ho-hotel? Makikipagkita ba raw siya sa babae niya?"

"Anong sagot ng lalaki?"

"Kung hindi raw siya titigil ay baka totohanin niya ang sinabi ng babae."

Napailing na lang ako nang tumawa uli si Lanie. Araw-araw ay ganito. Pero ang pasensiya ay kailangan naming pahabain pa.

"Alam mo," sabi niya. "Siguro kaya din madalas maiwan sa ere ang mga taong hindi nagtitiwala ay dahil panay ang nagging nila sa mga partner nila."

Busy ako sa computer dahil may mensahe sa email na pinasa lang ng isang staff at mukhang importante.

"Bakit mo ba nasabi 'yan?" sabi ko. "At saka sira ba ang telephone? Kanina ko pa napapansin na hindi tumutunog ito. Wala man lang sa atin ang nag-report."

"Nasabi ko na 'yan sa isang staff. Bakit may mensahe ka bang natanggap?"

Tumango ako. "Oo."

Hinintay naming dumating ang aayos ng nasirang wire. Ang huling may duty kahapon ang may gumawa. Hindi naman namin napansin. At nang umayos iyon ay sumunod na ang maraming ingay at sunod-sunod na tawag na natatanggap namin.

Pinauna ko na si Lanie na makapag-break time dahil kung magsasabay kami ay baka hindi kayanin. Wala pa ang papalit sa amin at mukhang matatagalan na naman.

"Hindi ka ba nagugutom? Ikaw na."

Umiling ako. "Hindi na muna. Hindi naman ako gutom. Siguro kapag nakauwi na tayo."

"Sige bahala ka. Pero kunsabagay malapit naman ang oras." sabi niya.

"Lanie, doon sa sinabi mo kanina napag-isip ko na tama ka naman," sabi ko sa mahinang boses. "But this time I will try to move forward. To think about my future. Gusto ko na rin magkapamilya."

She sighed softly at that. "Mabuti naman kung ganoon kaysa sinasayang mo ang oras sa talking stage lang."

"I mean, alam mo na like date to marry. Makikipagkita ako tapos pag-uusapan kung compatible ba talaga kami sa isa't isa. Kung tutuusin talaga ay puwede naman akong makipagrelasyon sa malapit pero paano kung masasaktan lang ako?"

Umiling naman siya at malungkot na sumulyap sa akin. "Nasa sa'yo naman 'yan, Vera, pero make sure that this time na worth it ang pinaglalaban mo. At para naman matahimik ka na. Hindi 'yong iiyak ka na lang palagi sa isang sulok."

Natapos sa ganoon ang oras namin ni Lanie. Nakauwi naman kami ng maayos at nauna siyang nakatulog sa gabing 'yon.

Dalawang araw ko ng hindi nakakausap si Sammy. Sa isip ko na baka palagi siyang busy. Pero hindi naman niya nabanggit sa akin na may trabaho siya. Tapos hindi na rin ako nag-reply noon baka nagsawa na siya.

I don't want to fake my way of admiration to someone. I appreciate Sammy for being nice.

Pero paano kung hanggang chat lang 'yon at hindi nga talaga siya honest? May hahabulin ba ako? Siyempre wala.

Lumunok ako sa klase ng isiping iyon. Wala naman talaga akong hahabulin sa kanya kasi hindi naman kami madalas na magkausap.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko kaya muntikan nang mahulog iyon. Nasa ibaba pa naman si Lanie.

"Hey," a hoarse voice from the other line made me shiver. "Tinawagan na kita nang deretso. I don't want to waste time. Importante ka kasi."

"Sammy?"

He sighed on the other line. "Yeah, and you can call me Sam or Samuel Del Sierra Tijeras."

My heart beats fast. "Bakit ka tumawag bigla? Akala ko kasi hindi ka na magpaparamdam sa akin."

He chuckled softly. "Hindi ko ugali iyon, Vera."

"And you even know my name?" Nagulat ako doon. "Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?"

"One of your boss is my friend. I saw you in the lobby," he said sleepily.

"N-Nandito ka? Akala ko nasa Pilipinas ka lang."

"No, Vera, ang suwerte nga na nakita kita kung saan ay kausap ko ang ilan sa mga kaibigan ko. I even had my time on tracing your location here, so..."

I swallowed hard. Bakit hindi ko naisip iyon na puwede akong ma-trace kapag naka-on ang location ko at konektado sa dating site na 'yon?

"Bakit hindi ka lumapit, Sam? Hindi man lang kita nakilala ng personal at mapasalamatan man lang."

"Wala namang problema sa akin 'yon, Vera, ayaw lang kitang gambalain sa mga sandaling iyon. At ang importante ay nagkausap tayo ngayon. Kamusta ka na?"

My heart throbbed. Lumunok ako at sumagot, "Ayos lang naman ako, Sam. Wala namang bago."

"How about your feelings?" He suddenly asked.

"Feelings?"

"Yeah, about your ex. Hindi ka na kasi nag-reply noon. So, I decided to find you. Nandito ka lang pala, malapit sa akin. Kung mayroon kang oras puwede ba tayong magkita ng personal, Vera. Just name a place."

"Matagal na kaming wala." sabi ko at kinakabahan. "And sure ka ba na makikipagkita ka sa akin?"

Tama ba na marinig ko ito sa kanya? Hindi naman siguro masama na makipagkita sa isang lalaki at kaibigan lang, hindi ba?

"I'm interested, Vera," sabi niya at bumuntong-hininga ng mahina pagkatapos.

"I have a duty until six in the evening, Sam, depende kung maaga ang dating ng kapalit namin ni Lanie." sabi ko sa kanya.

"It's okay, then, susunduin kita." sabi niya.

Lumunok ako doon. "Okay, pero, Sam..."

"You maybe think about the rules of this country, right? I can handle it, Vera, interesado akong makilala ka."

Kaunting katahimikan ang namayani sa amin at nagdesisyon ako para sa aming dalawa.

Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa isang estranghero na nakilala ko lang sa online. Sa isip ko kasi kahit naman na personal o online ko lang nakilala baka parehas lang din ng ugali pero mukhang si Sammy ay hindi ganoon kaya magbibigay ako ng tiwala sa kanya.

Gusto ko rin naman na mas makilala pa siya ng lubusan at hindi mahirapan kapag dumating ang araw na kailangan ko pang kilalanin ulit kasi matagal na hindi nagkita.

Ngumiti ako kinabukasan kay Lanie. Nakasunod lang siya sa akin habang papasok kami sa trabaho.

"Narinig ko kagabi na kausap mo si Sammy," tumaas ang kanang kilay niya sa akin. "Kaibigan siya ng boss natin. I heard his full name on the other line."

Ako naman ang tumaas ang kilay sa kaibigan ko. "Aba, Lanie, bakit ka nakikinig at kailan mo pa nakilala si Sammy?"

"You're lucky, you know, noon ang advices ko lang sa'yo subukan mo lang sa malapit pero grasya ang lumapit sa'yo." Tumawa siya ng malakas kaya nakakuha siya ng pansin sa ibang mga tao sa loob ng hotel.

"Ano ka ba baka marinig ka ng mga tao sa paligid," saway ko sa kanya. "Nobody knows about our relationship."

"Bakit meron na ba?" she arched her brow again. "You know when it comes to a relationship ay parang baguhan ka pa lamang. Ang rupok mo kaya at nakapa-softhearted mo na kahit hindi mo pa nakikita in person ay iiyakan mo na pero hindi ka naman magawang iyakan! Kahit hindi mo pa nakikita ay sobra ang tiwala mo! Iyan tuloy iniwan ka."

Medyo nainis ako sa sinabi niya dahil lahat ng iyon ay totoo. Pero si Lanie Mariano siya at kaibigan ko, ganyan na rin ang asal niya nang makilala ko siya dito sa Paris.

Nahiya lang ako sa isipin na umaasa ako for temporary love sa isang tao na hindi naman advisable sa kahit kanino kasi nagmumukha lang na kawawa at tanga kapag ganoon. Hindi mo mapipilit na baguhin ang isang tao para lang sa ikabubuti ng relasyon ninyo kasi iba naman ang gusto niya. Hindi talaga compatible sa isa't isa ang ganoon at lalo na kung pinipilit mo lang na baguhin ang isang tao para lang sa'yo at sa kagustuhan mo. Mali talaga 'yon. Learn in the process and wait until it succeeds.

"Nagkukulang lang kami ng oras sa isa't isa kasi magkaiba ang oras namin," sabi ko nang marating na namin ang front desk.

"Hindi ako sure diyan, Vera, at hindi kita kakampihan tungkol diyan dahil kung mahal ka ng isang tao, he will spend time for you. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo."

Pumikit ako ng mariin dahil sa narinig sa kanya. Minsan naisip ko, ano kaya ang ginawa ng ex ni Lanie sa kanya noon at ganito siya kung makahugot?

"Pero tama ka naman, Lanie," tumikhim ako at nilingon siya. "Siguro nga ay ganoon ako katanga sa pag-ibig. Siguro ito ako at ito ang personality ko as a person. Siguro ako lang ang bigay nang bigay sa amin at kaya hindi rin ako nasusuklian ng tama..."

Scandalous Romance ®🔞+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon