Romantic
The next thing I can say to myself is that I'm slowly falling.
"Mukhang hindi na paawat 'yang nararamdaman mo," ngiti ni Lanie ang nabungaran ko kinaumagahan dahil walang duty at napagkasunduan naming lumabas at mamili ng mga kailangan namin sa loob ng apartment.
"I'm just excited, Lanie, because me and Sam, we will meet each other for the first time."
"Sana this time kasing taas ng Eiffel Tower ang pasensiya ni Sammy at hindi ka iwan sa ere, Vera." Umingos siya at tila bitter na naman.
Mas bata siya ng isang taon sa akin pero parang mas matanda pa siya kung mag-isip kaysa sa akin.
Umingos din ako at nag-reply ulit kay Sam. Magkikita kami ngayong araw kaya may panahon ako para magbihis ng maayos at magpaganda.
"Samahan mo ako, Lanie."
Pinandilatan niya ako ng mga mata na kinatawa ko.
"Hindi na date ang tawag doon, Vera. Gagawin mo lang akong chaperone mo. Mahirap maging third wheel baka anong isipin nila sa akin at magmukha pa akong kontrabida sa love life mo."
"Hindi naman sa ganoon, hindi lang ako sanay na makipagkita ng nag-iisa."
"Vera, you're old enough to decide. Hindi ka na bata. At saka huwag mo sundin ang kapatid mo na nasa Canada. Siya nga nakahanap ng taong mamahalin niya na hindi man lang hinihingi ang opinyon mo, 'diba?"
I sighed softly at that. She is right again. Mas marami pa siyang nasabi kaysa kay Ate Micah na mga positive and advices about love life. Pero ang kapatid ko na 'yon ay gustong umuwi kapag kasabay din ako. Pero dahil broken ako kay Anjou noon ay nagbago na ang isip ko at ayaw ko ng umuwi sa amin sa Albay.
"Tutulungan na lang kitang mamili ng susuotin mo," sabi niya sa akin at ngumiti. "You are pretty, Vera, hindi mo na kailangan na gamitan ng maraming kolerete ang mukha. At saka dress well, kapag kasi nakikita ko na wala tayong trabaho ay lagi kang tamad na magbihis o mamili ng maayos na damit. I suggest that you should pick a nice dress for your date."
Pinili ko ang isang dark blue dress na hanggang tuhod at pinarisan ko na lamang ng kulay itim at three inch na high heels.
"Okay lang ba na ilugay ko ang buhok? This dress has a v-line cut masyadong revealing ng cleavage ko, Lanie, at transparent ang banda sa itaas ng dress na ito."
"It's okay you're wearing a silicone bra, Vera, hindi naman niya makikita ang nipples mo-"
"Lanie," saway ko sa kanya. "Baka kasi conservative si Sammy. Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng ganoong klase ng lalaki. Hindi katulad ni Anjou na..."
"Manyak?" sabi niya at natawa. "Tapos iniyakan mo pa. Ang mga ganoong klase ng lalaki ang habol lang sa'yo ay pantasya o katawan mo lang online. Iyan ang sinasabi ko sa'yo, Vera. Siguro hindi lahat ay ganoon pero ang iba sa kanila ay babastusin ka at magkakaroon ka ng trust issue."
Napatitig ako kay Lanie. "Grabe siguro ang ginawa sa'yo ng ex mo noon kaya nagsasabi ka ng ganito sa akin?"
She sighed softly. Inikot niya ang mga mata sa akin. "Hindi naman. Tulad ng sabi ko sa'yo noon ay ganoon ang ex ko. I remember the day he ghosted me. Kaya kung ano ang nasasabi ko ngayon ay dahil gusto ko lang na maging aware ka rin kasi babae ka rin tulad ko na nasasaktan. I'm not saying this because this is my experience, no, bilang babae concern lang ako. Dapat maging patas lang kasi minahal mo ng totoo kaya bakit iiwan ka. At kung iiwan ka lang din naman, bakit nanligaw pa, 'diba?"
Hinawakan ko ang kanang kamay niya at ngumiti. "Mataas siguro ang pride ng bilang lalaki. Kailangan din sigurong maunawaan lalo na ang mga maliliit na bagay kasi hindi naman lahat ay pare-parehas ng pananaw, Lanie."
Kumibit ang mga balikat niya at binitiwan na ang pangkulot sa buhok. Tinitigan niya ako at malungkot na ngumiti.
"Kailangan maunawaan ng iba na hindi lang sila ang may damdamin. At dapat makiramdam din. Kasi kung nagawa mo 'yon ibig sabihin totoong tao ka. Siguro masasabi mong mabuti sa ibang bagay at nakasanayan mo na pero sa ibang tao at ngayon mo lang nakakausap ay hindi ganoon 'yon."
Nakinig na lang ako sa kanya at hinayaan ko na siya doon. Hinatid niya ako sa may pintuan at nagpaalam na ako.
Nang makababa na ako sa lobby ng tinutuluyan namin ni Lanie ay isang tawag ang natanggap ko kay Sammy.
"Susunduin kita, Vera, I'm already here in front of your apartment."
Dumagundong agad ang kaba sa dibdib ko dahil nandito siya. Akala ko pa naman ay malapit sa may Eiffel Tower na kami magkikita pero ngayon ay heto at unang beses ko siyang makikita dito mismo.
"I'm already here, too, Sam..." Ibinaba ko ang tawag at agad na humarap sa glass door.
Bubuksan ko na sana iyon nang may may matangkad na lalaki ang naunang magbukas para sa akin.
The first thing that welcomes me was the movement of his jaw and his hazel eyes na agad dumapo sa aking mga mata.
He has an interesting feature or mixed like Spanish-Mexican. Ni hindi ko alam na kanina pa nakabukas ang pintuan para sa akin at hinihintay na lang niya akong lumabas doon.
"Good evening, Ms. Vera," he said in a husky voice.
"Hi." sabi ko naman at lumabas na doon. Pinagbuksan niya ako agad ng pintuan ng kulay itim na sasakyan.
It's a brand new and luxury Bentley Bentayga.
Lumunok ako nang makapasok sa loob at ayusin ang sarili kong seatbelt. Hindi ko halos akalain na isang kilalang tao ang makakausap ko online. At sa pagkakataon pa na magulo ang isip ko.
"Salamat sa pagsundo mo sa akin, Sam, I thought that we will meet each other in some part of the Paris Tower. Akala ko rin kasi na baka abala ka kaya..."
"No. I have lots of time for you today, Vera. We will go to the place that you want. Saan mo ba gustong pumunta?"
Ngumiti ako sa kanya dahil sa kabila ng kabiguan ko ay ang ipinalit matinong lalaki. I hope he is like that. At hindi mali sa mga iniisip sa kanya.
"Kahit saan basta malapit lang din sa apartment."
Pinausad niya ang sasakyan. "Gusto mong pumunta sa Eiffel Tower? Alam mo ba na maganda ang lugar kapag kumikislap ang mga ilaw sa gabi."
"So mahilig ka rin sa romantic place?"
"Maraming couples ang gugustuhin na makita ang Eiffel Tower lalo na kapag gabi, Vera," sabi niya sa akin.
Ang tangos ng ilong niya at ang kinis ng mukha niya. Makapal ang mga kilay niya at mapula din ang mga labi.
"Then, bakit hindi ang girlfriend mo ang dinala mo doon ngayon instead of me, Sam?" sabi ko at pinanghinaan ng loob pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. "We are just a stranger."
"For me we are not just a stranger, Vera, siguro pinagtagpo tayo sa panahon na magulo ang sitwasyon ng bawat isa sa atin. Pero para sa akin, isa itong magical and we need to celebrate."
Tumikhim ako. "Hindi nga ako makapaniwala na sa ganitong pagkakataon pa tayo pinagtagpo. Pero at least ang taong nakilala ko online ay hindi katulad ng ex ko."
He smiled a bit and sighed softly. "You know when I first read your long messages to that site, pakiramdam ko sinusubukan na naman ako ng katatagan ko sa sarili. Pakiramdam ko kaya ko nabasa iyon ay dahil para nga sa akin iyon. Na ang taong nagbahagi doon ay para talaga sa akin."
Lumakas ang tibok ng puso ko at halos parang hindi na makahinga dahil sa sinabi niya. Umayos ako ng pag-upo at nilingon na lang ang bintana ng sasakyan niya.
"Never ko pa naranasan sa buhay ko ang ganitong klase ng payapang pag-uusap, Vera," sabi niya sa akin at nang lumingon ako ay nakitaan ko ng kunot ang kanyang noo.
"Bakit naman?"
"I have always encountered an scandalous conversation with my ex-girlfriend, and I hate those times, and I don't want to remember those times again, Vera."
Wala akong ni isang maintindihan kung bakit niya ito sinasabi pero sa isip ko na baka hindi naging mabuti ang paghihiwalay nila noon kaya siguro ganito siya ngayon.
"Tulad ng sabi mo sa akin, puwede mo rin na ibahagi sa akin ang mga problema mo. Like if you want to cry, cry on my shoulders," sabi ko. "These romantic places are for those who believe in love."
Sumang-ayon naman siya sa akin. Alam ko na sa aming dalawa ay may malalim siyang dahilan kung bakit din siya napadpad sa dating site kung saan niya ako nakilala.
"Pero bakit ka nga ba napadpad sa dating site na 'yon?" I asked curiously.
"Siguro wala lang akong libangan ng mga oras na iyon. And I was curious back then and I clicked it." Ulit niya sa akin dahil nasabi naman niya ito noon. "Pero hindi ko naman itatago kung sino ako dahil kaduwagan iyon bilang isang lalaki."
Napangiti ako doon at itinuon na lang ang pansin sa daan.
BINABASA MO ANG
Scandalous Romance ®🔞+
General FictionPaano mo mamahalin ang isang tao na ni minsan hindi mo pa nakikita sa tanang buhay mo o personal? Maniniwala ka ba sa mga pangako niya o iiwan mo na lang siya sa ere? Stand Alone Story ⚠️®🔞 Dark Romance Started: November 6, 2023 Finished: