CHAPTER 19

43 30 14
                                    

CHAINED TO AN UNCHOSEN FATE

Krizzybabes



SA MGA SUMUNOD NA ARAW ay naging busy ako sa pag asikaso ng mga papeles sa pagbabalik ko sa trabaho bilang flight attendant kaya hindi rin kami nagkausap ni Abcdef matapos naming umuwi galing sa bahay. Hindi na rin kami nag kita dahil naging busy rin sya sa firm ng mommy nya at kung late akong umuwi ay mas late rin sya kaya batid ko na meron syang pinag kakaabalahan pero hindi  ko na iyon pinag tuunan pa ng pansin hanggang sa muling sumapit ang araw ng Linggo at gaya ng mga nakasanayan ay wala syang duty at andito ulit ang mga kaibigan nya para mag bonding. Medyo madilim ang panahon at malakas ang ulan sa labas pero kahit ganon ay kailangan ko paring mag gayak dahil ngayon ulit ang unang araw ko sa trabaho bilang Isang flight attendant.

"Wow naman, sexy natin ah?". Biro sakin ni Cairo at inalalayan ako sa maletang dala ko pababa ng hagdan kaya ngumiti ako sa kaniya. Sya lang kasi sa kanilang mag kaibigan ang nakakapag biro sa akin ng ganiyan dahil sa kaniya lang din naman ako kumportable pero hindi rin masyadong nakikipag usap.

"Sexy ka dyan, kita mo ngang may bilbil ako eh, pag ti-tripan mo lang ako." Ngumisi ito dahil sa sinabi ko. Medyo nanaba kasi ako ng kunti ngayon kaya medyo may layer ang tiyan kong kita sa hapit kong uniform sa pagka- flight attendant pero hindi rin naman sya pangit tignan sadyang hindi lang siguro talaga ako sanay. Nakatingin na rin sakin sina Lendon at Ethan kaya ngumiti ako sa kanila ng tipid, wala si Abcdef ewan ko rin kung nasaan.

"Mag ta-trabaho ka na ulit?". Casual na tanong ni Ethan sakin kaya nahihiya akong ngumiti tsaka tumango.

Tumunog ang doorbell ng bahay kaya nag paalam ako sa mga ito na bubuksan lang ang pinto. "Ate?". Gulat na gulat kong tanong matapos buksan ang pinto at bumungad sakin si Ate Dianna sa likod naman nito ay si kuya Denzel kaya agad na nilukob ng saya ang dibdib ko sa isiping ito ang unang beses na binisita ako ng mga ito kahit pa walang kangiti-ngiti ang mga mukha nila pagakaharap sa akin.  "P-pasok po kayo, ate, kuya." Ika ko pa at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin sila sa loob dahil malakas rin ang ulan sa labas.

Agad naman silang pumasok sa loob at dumeretso na kami sa sala kung saan naroroon ang mga kaibigan ni Abcdef na ngayon ay nag lalaro na ng mobile legends sa kanilang mga cellphone. "Nasaan si Abcdef?". Tanong agad ni ate sakin habang ginagala ang paningin sa bawat sulok kaya agad akong naguluhan sa naging tanong nya ngunit bago pa ako makasagot ay may nauna ng mag salita sa akin.

"I'm here babe." Sabi nito at masaya naman itong sinalubong ni ate at nag halikan pa sila sa harapan ko at ng mga kaibigan nya kaya para akong binuhusan ng Isang batyang malamig na tubig. Parang nilakumos sa sakit ang puso ko, yung feeling na para piniga ito at pilit na nilalabas lahat ng dugo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Halos hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko at napatingin rin sakin ang mga kaibigan ni Abcdef maging ang kuya kong nakatitig sakin na wala man lang karea-reaksyon kaya mas lalong nanikip ang puso ko sa pagka pahiya.

Ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng buong katawan ko at kunti nalang ay maiiyak na ako sa magkahalong galit, panliliit at hiya para sa sarili ko dahil sa nasaksihan ngunit bago pa man nangyari ang lahat ng 'yun ay tumunog ang ringtone ng cellphone ko kaya nabaling doon ang aking atensyon. Huminga muna ako ng malalim bago wala sa sariling sinagot ang tawag. "Hello?". Matabang na tanong ko sa kung sino man'g nasa kabilang linya dahil hindi ko na tiningnan pa kung sino ang caller.

[Hello Dem, naa paka sa inyong house? Ayaw nag dayun diri-ah kay postponed daw atong flight tungod sa kusog na ulan.]

Ika ng sumagot na hindi masyadong maiproseso dahil sa gulo at pagka lutang ng isip ko.

CHAINED TO AN UNCHOSEN FATEWhere stories live. Discover now