CHAPTER 23

54 28 4
                                    

CHAINED TO AN UNCHOSEN FATE

Krizzybabes



HALOS hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang mag tama ang paningin naming tatlo at ramdam ko rin nang matigilan sila dahil sa hindi inaasahan naming pagkikita. I've thought before, that I would never see them again but look at us now, it's a small world indeed. Mapait akong napangiti at ramdam ko ang pagkalat ng sakit saking buong sistema. Damn! What a great day!

"Aeron, this is your brother's wife Demirine. Demirine, this is Aeron, Abcdef's brother and his fiancee Brianna." Halos mamingi ako nang marinig iyon mula kay daddy, kaya mariin akong napapikit upang pigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata ko.

My ex boyfriend is my husband's brother, what a fucking life. Hindi na ba talaga ako titigilan ng masasakit na mga bagay ang puso ko? Ano pa kaya? Anong susunod rito? May kasunod na kirot pa ba akong maramdaman pagkatapos nito?

Hindi ako nakapag salita at nanatiling nakayuko. Buti at masaya ang lahat kaya hindi iyon napag tuonan ng pansin ni Mommy Ara at Daddy dahil naroon iyon sa kapatid ni Abcdef. "Come on hijo, hija take your seat and let's eat baka lumamig ang pagkain." Ramdam ko ang pag upo nila sa harapan  aming harapan pero nanatili ang tingin ko sa pagkaing nasa aking hapagkainan habang sila naman ay nag uusap tungkol sa magiging kasal ng dalawa. Hindi ako nag angat ng tingin, hindi ko sila tiningnan, dahil ramdam ko ang bigat sa dibdib ko kahit lahat sila ay masaya pwera nalang sakin.

Habang kumakain ay naisip ko ang unang pagkikita namin ni Abcdef sa mismong kasal, kaya pala natigilan ako 'non, kaya pala para kong nakita bigla sa kaniya si Aeron noong panahong iyon, because deep inside me I know that they had the same features, same features na pinilit kong baliwalain kasi feeling ko ay hindi lang talaga ako nakaka-move on sa ex ko. Mariin akong napapikit ulit, parang binalik saking isipan lahat ng sakit at frustration na dinulot sakin ng mga taong ngayon ay nasa harapan ko. Then now we're going to be family? What a life! Gusto kong umiyak, gusto kong mag sisigaw dahil sa frustration na nararamdaman ko. Para akong nag time travel noong nalaman kong niloloko nila ako, nag hiwalay kami, na ikakasal na sila ni Brianna, ang heart attack na nangyari kay Mommy, ang biglaang pag papakasal ko kay Abcdef hanggang sa naging relasyon nila ni ate. Parang sasabog ang utak ko maging ang puso ko sa sakit pero wala akong magawa kundi ang umupo at mariin na pumikit upang pigilan ang mga luhang kanina ko pa pilit na sinasawalang bahala.

Not in here, not in front of my husband's parents. Mahinang pakiusap ko sa aking sarili.

"Really hija? My daughter-in-law here is also a flight attendant. Right Demi?".  Magiliw na sabi ni Mommy kay Brianna na nag patigil sa malalim kong iniisip. "Flight attendant rin pala itong mapapangasawa ni Aeron, maybe nagka-irteract na kayo noon hindi nyo lang namalayan." Dagdag pa nito kaya nag angat ako ng tingin dahilan para masalubong ko ang malamig na mga mata ni Brianna habang si Aeron naman ay nakayuko sa pagkain na nasa harap nya.

Sinikap ko rin'g patapangin ang aking mukha at sinalubong ng mas malamig ang kanina'y malamig niyang tingin sa akin. "Yeah mom. Infact, we're old colleagues." I said in a matter of fact voice pero pinilit ko iyong maging casual ft. matamis na ngiti para hindi sila makahalata.

She was stunned. "Really? Pero bakit parang hindi ko naman kayo napansin na nag batian kanina, eh mag kakilala naman pala kayo?" Nag tatakhang tanong nito.

"I'm sorry tita, but we're not close". Bagaman maamo ay mababanaag ang pang-uuyam sa boses ni Brianna kaya agad na nag init ang ulo ko. "Umalis rin po kasi ako last year because ayaw akong pag trabahuhin ni Aeron, and you know naman po si Demirine, sobrang tahimik po nya at hindi palasalita kaya hindi rin po kami masyadong nag uusap-usap." Aniya sabay ngisi sa akin pilit akong inaasar.  "Eh Ikaw ba Dem? Are still working?".

CHAINED TO AN UNCHOSEN FATEWhere stories live. Discover now