CHAPTER 31

22 18 5
                                    

CHAINED TO AN UNCHOSEN FATE

Krizzybabes

CLAY ART'S POV

"Tatiana?". Nag aalalang sigaw ko sa pangalan nya matapos makita ang nangyayari pagkapasok na pagkapasok ko sa back door para puntahan sila.

Agad akong nanakbo palapit rito at binalot ng matinding pag aalala ng simulang magkaroon ng pantal-pantal na pula ang buong katawan nya kaya agad kong binalingan ang mga nakasama nito at halos pasigaw na nag tanong.

"Pinainom nyo sya?". I asked, my voice is full of worry kaya naintindihan agad ng lahat kung ano ang nangyayari ngayon.

"W-we didn't know." Sagot ni Ethan kaya napausal nalang ako ng mariin na mura at agad na binuhat si Tatiana paalis ng pool area para dalhin sa kwarto.

My jaws were clenching because of too much anger but I'm trying to control myself dahil panay ang daing at kamot nito habang kinakarga ko.

Sumunod naman ang iba sa akin habang puno ng pag aalala ang mukha. Agad kong inilapag si Tatiana sa kama at tinawagan ang doctor niya para sabihin ang allergic reaction na nangyayari.

"Hello?". Buti nalang ay mabilis itong sumagot dahil sobrang natataranta na talaga ako.

"Tatiana's having a severe allergic reaction." Walang paligoy-ligoy na sabi ko kaya napabuntong hininga ito.

"Uminom na naman ba yang best friend mo kahit alam nyang bawal sa kanya?". He asked but I don't have time to explain.

"Just tell me what to do first, ok?". Nakikiusap na ika ko dahil nararamdaman ko ang bigat ng pag hinga ni Tatiana kaya mas lalo pa akong nag aalala habang ang iba naman ay hindi rin malaman kung ano ang gagawin para tulungan ang babaeng ngayon ay hindi mapakali sa pag kamot sa kaniyang katawan kahit na nakapikit ang mga mata.

"Meron kayong mabibilhan jan ng nireseta kong injection? Use it to lessen her allergic reaction. Send me your location, pupunta ako dyan to check up on her. Just do the usual things you are doing kapag nag kakaroon sya ng allergies." He instructed kaya agad kong pinatay ang tawag.

Buti nalang at naisipan kong bumili ng injection sa pharmacy noong namili ako ng anti allergy nyang gamot just incase kaya hindi ko na kailangang mamroblema at agad na kinuha ang bag ko para kunin ito doon.

Good for one use lang ang binili ko just incase we need it dahil ayaw ko ng mangyari ulit sa kaniya ang nangyari dati sa isang trip namin kaya palagi akong prepared kapag mag kasama kaming dalawa. Pina leak ko muna yung injection bago tinurok sa kaniya to get rid of the bubbles.

Umaakyat parin ang galit ko habang nakatingin sa walang malay nang si Tatiana at nag sisimula ng uminit dahil sa lagnat kaya agad akong bumaling sa likod kinwelyuhan ang tarantadong ex-boyfriend ng babae kaya napasigaw ang girlfriend nito maging ang iba pang babaeng kasama namin habang ang mga lalaki naman ay akmang pipigil na samin.

"Isa ka talagang malaking tarantadong gago ka!" That's the first time for me to curse someone because of anger at ngayon lang din ako nagalit ng ganito sa isang tao kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili. "Sa lahat ng taong naiwan dito ikaw lang ang may alam tungkol sa kalagayan ni Tatiana pero hindi mo man lang sya nagawang pigilang uminom!" I shouted out of anger.

Inalis nito ang kamay kong nakahawak sa kaniyang kwelyo at pwersahan akong itinulak bago kalmanteng nag salita. "She's not my responsibility anymore Fernandez. May sariling isip na si Demirine, pwede syang tumanggi kung alam nya'ng bawal sa kanya. " He said, kaya sarkastiko akong napangiti.

CHAINED TO AN UNCHOSEN FATEWhere stories live. Discover now