Chapter 5

36 4 4
                                    

Afiana's POV

Nakatanaw ako sa nagsisitaasang gusali na nag mumula sa syudad. Puro light pollution ang tanging nakikita rito pero hindi maiitatanggi ang kagandahan ng syudad. Kasalukuyan kaming nasa bundok malapit sa syudad kung saan nakatira sila Karl.

"Ate, kain na po, sigurado po akong gutom na kayo dahil sa pagod sa nangyari kanina." bungad ni Anna, nagbuntong hininga ako bago tumayo sumunod papasok sa maliit na tahanan nila.

Nadatnan ko si Karl na busy mag ayos ng mga pagkain sa lamesa. Bali tatlo lang kami nandito sa bahay, hindi ko nga maisip na kaya nilang manirahan sa gantong liblib na lugar.

"Oh, nandito kana pala. Halina saluhan mo na kami, maupo ka!" Nakangiting aya niya. Tumango lang ako at umupo sa harap niya, nasa tabi ko naman si Anna.

Nag tataka lang ako bakit parang ang bilis mag move on ni Karl sa nang yari? I mean it's very traumatic experience tapos eto siya parang walang nang yari?

"Oh, kain na baka maubusan ka, malakas panaman kumain 'tong si Anna." Sabay tawa mukang di nagustuhan ni Anna yung sinabi niya.

"Kuya naman!" Natawa nalang din ako dahil sa kakulitan nilang dalawa, parang walang nangyari kanina.

Sumandok ako ng kaninin at ulam, napangiti  nalang ako ng makitang pritong isda at pritong talong ang ulam.

"Pasensya na ayan lang kinya ng pera ko, pambili pa kasi ng gamot ng kapatid ko yung iba." Nahihiyang sabi niya sabay kamot sa batok.

"No, it's fine. Katunayan nga favorite ko to." Pag papagaan ng loob ko sa kanya, nanumbalik naman ang ngiti niya.

Hindi ko maitatanggi na may itsura si Karl, but there is something bothering me bakit parang may kamuka siya? Hindi ko maalala kung sino pero pamilyar talaga ang muka niya. Hinayaan ko nalang ang mga tumatakbong tanong sa isip ko at nagpatuloy na sa pagkain.

Tanging tunog lang ng kubyertos ang nag iingay nang putulin iyon ni Karl.

"Nga pala, ilang oras na din tayo mag kasama pero hindi pa namin alam pangalan mo." Takang tanong niya, pati din si Anna napatigil sa pag kain at napatingin sakin.

Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago sumagot. "Afiana, I'm Afiana." Nakangiti kong pag papakilala. Tumango naman sila.

"Nice to meet you po ate Afiana!" Masiglang bati ni Anna na ikinangiti ko. "I'm Anna po!" Pagpapakilala niya, kumaway pa ito kaya medyo napangiti ako.

"Afiana, San kapala galing? I mean saang bayan ka nag mula? Muka kasing baguhan kalang dito eh." Natigil ako ng marealize ko ang tanong na iyon.

Saan nga ba? Sa Province of Rizal kaya isagot ko? Baka akalain nila baliw ako.

"Iceah, Afiana."

Huh?

Asteria, ikaw ba yan?

"Ate? Ate!" Napabalikwas ako ng matauhan ako. "S-sorry, may naalala lang ako." Pag papaumanhin ko. Namawis din ang noo ko kaya pinunasan ko ito sabay balik ng tingin sa kanila na parang walang nangyari.

"Ate, yung tanong ni kuya saang bayan ka daw po galing." Napatingin ako kay Karl, ngumiti siya sakin. Mukang kanina pa siya nag aantay ng sagot.

"A-ah sa Iceah." Nanlaki ang mata nila ng sabihin ko iyon.

"ANO?!" sabay nilang sigaw na ikinagulat ko. Napalunok ako ng makita ko ang itsura nila para silang nakakita ng multo.

"Huh? B-bakit naman ganyan kayo maka react." Natatawang tanong ko. Huminga sila ng malalim bago umupo ng maayos.

"Alam mo ba Afiana ang lugar na pinanggalingan mo ay lugar kung saan walang kayang manirahan dahil sa sobrang lamig ng temperatura doon? Niloloko mo ata kami eh!" Naningkit ang mata ni Karl habang nakatingin sakin na para akong isang suspect sa isang krimen.

"Ano kaba kuya, tumigil ka nga wag mo pagbintangan si ate Afiana! Siya na nga yung tumulong satin eh!" Mukang natauhan naman si Karl sa sinabi ng kapatid niya.

"P-pasensya na nabigla lang ako." Nahihiya niyang sabi. Nginitian ko naman siya.

"No, okay lang. Sa medyo unahang parte ako ng Iceah nakatira kaya hindi gaano kalamig." Pag palalusot ko sana tama 'tong pinag sasabi ko.

"Ahhh, kaya naman pala." Nginitian ko lang sila bago ipag patuloy ang pangkain.

Nag prisinta na ako, na ako na ang mag huhugas tatanggi pa sana si Karl pero inunahan ko na, nakakahiya naman kasi pinatuloy na nga ako nila dito at pinakain tapos wala akong gagawin, kaya mas mabuting ako nalang ang mag hugas.

Natapos ko na ang hugasin at pumunta ako sa labas kung nasan ang mag kapatid. Nakita ko sila doon na nag eensayo ng close combat.

Alam ko namang may ibubuga itong si Karl hindi ko lang alam kung ano ang rason niya kung bakit hindi siya lumaban doon sa mga gunggong na 'yon.

Maya maya pa tumigil sila muna kakanesayo at naupo sa isang gilid. Sumalubong sakin ang preskong hangin, napakasarap sa pakiramdam, parang nakakawala ito ng stress at pagod.

"Ate Afiana tara dito!" Napamulat ako mula sa pag kakapikit ng tawagin ako ni Anna. Ngumiti ako bago puntahan ang pwesto nila.

"May, ibubuga ka naman pala Karl, bakit hindi ka lumaban sa mga gunggong na 'yon?" Napabuntong hininga siya ng itanong ko iyon.

"Kung lumaban ako sa kanila Afiana baka hindi lang ako ang mapahamak baka pati si Anna ay madamay, kaya mas pinili ko nalang na hindi lumaban kesa madamay pa ang kapatid ko." Mababang tono niya. Now I understand na kung bakit ayaw niya lumaban. Kung may award na best kuya si Karl na 'yon.

"Kung ganon, Tumayo kana at ako ang mag eensayo sayo! Hindi pwedeng pachill chill ka lang diyan tandaan mo pag baba mo ng burol siguradong may nag aantay na sayong  isang Oso na handa ka gutay gutayin!" Pagpapalakas ng loob ko sa kanya. Tila natigilan ang magkapatid.

"S-sigurado ka ba Afiana?" Tila may pangaayaw na sagot niya. Nanliit naman ang mata ko.

"Minamaliit mo ba ako?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Bakas dito ang sarkastikong tono.

Napatayo siya. "Hindi naman sa ganon Afiana pero Prince said in one of his books naparang kawalan ng dignidad saming mga lalaki ang itraining ng isang babae." Nakatungo niyang sabi. May ganon? So pati ba dito may gender inequalities? That's sucks!

"You believe in that?" Blankong tanong ko. Tila hindi niya mahanap ang salita niya.

"Who the hell gives that statement?" Inis kong tanong.

"Prince Percival, the next king of our kingdom"

-----
A/N: This chapter contains lot of grammatical errors, please expect na po nating madaming grammar na mali and also hindi pa po ito edited.

Sorry po dahil sa late na late na Update hihihihihi medyo naging busy lang po kasi sa school.

Unravel Of SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon