Sa bawat DapitHapon (Twighlight)

28 0 0
                                    

Sa isang buong araw maraming nangyayari. Masaya, malungkot, nakakayamot, nakakainis at nakakapag bigay galit sa atin. Walang kasiguraduhan ang bawat damdamin. Masasabi mo nga kayang umiibig ka sa tuwing dapit hapon lamang? Maituturing mo bang pag-ibig ang iyong nadarama sa tuwing sasapit ang gayong oras?

Tila napakahirap magtago sa mundong halos lahat ay tutol sa inyong kasiyahan. Dumarating din sa puntong kailangan mong pumili: kung ang iyong kaligayahan o kung ano ang kailangan. Hindi mo matimbang kung ano ang nararapat. Ano nga kaya ang pipiliin ng tauhang sina Neri at Lando kung ang kanilang pagpipilian ay ganiyan kahirap?

Mga panakaw na sandali sa dapit hapon. Sino nga bang magnanais ng ganitong klaseng sitwasyon. Isang napakahirap na sitwasyon na ‘pag nasimulan ay mahirap nang takasan. Hanggang sa matali ka na at wala ka nang magagawa kundi panindigan na lamang at tanggapin.

Tuwing sasapit ang oras, pag-ibig ang namamayani. Ang pagtakas sa mundo na puno ng pagtutol at kaligayaha’y ipinagkakait. Sa sandaling mga panahon nalilimutan ang poot at kalungkutan. Hindi malaman kung pag-ibig nga ba o pagnanasa ang tanging nararamdaman sa tuwing nagkakasama. Ano nga ba ang nangyari at mangyayari? Tila nakakalito hindi malaman kung saan ito hahantong.

DapitHaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon