Ang Napapaloob? (The Whole Shot)

48 0 0
                                    

A/N: sana magustuhan niyo :))

basahin niyo po with an Open Mindedness to understand the story..

^3^

I know that im not good as them kasi baguhan lang ako sa watty world :)) but hoping na may magkagusto sa story ko ://

thank you! ^3^

=============

Mga Tauhan:

Neri – 19 na taong gulang. Ang kasintahan ni Lando.

Lando- 20 na taong gulang. Ang kasintahan ni Neri.

Lara- 22 na taong gulang. Matalik na kaibigan nina Neri at Lando

Save

Isang gabi…




 “ Hanggang kailan mo ako susuwayin?! Neri!” galit na sabi ni Aling Linda. Muli na namang umuwi si Neri ng alas dos ng madaling araw.

“ Sumusunod naman po ako ah? Sadyang hindi lang po ako makatanggi sa mga kaibigan ko na lumabas para kumain” mahinahong sagot ni Neri.

“ Kumain? Hanggang alas Dos kumakain kayo? Ano bang kain yan, bawat minuto isang subo ng pagkain? Gaano ba karami kinain ninyo at inabot kayo ng alas Dos?” nanggigigil na tuya ni Aling Linda.

“  Matutulog na po ako ‘Ma, bahala po kayo kung anong gusto ninyong isipin, minsan lang po ako sasaya “ sagot ni Neri. Pagtalikod niya ay ngumisi siya ng bahagya at bumulong “masaya nga ata?”

 





Umakyat na siya sa kwarto niya na naluluha at nahiga sa kama niya. Natulog na halos yakap ang sarili. Naiiyak siya sa mga nakita niya, halos ayaw na niyang isipin pero tila isang bangungot na paulit ulit na bumabalik hanggang sa nawalan siya ng ulirat nakatulog.






Kinaumagahan…

“ Neri!!! Buksan mo nga ‘tong pintuan! Mag-uusap tayo”, sabi ni Mang Toreng.

 


DapitHaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon