Isabel
Buong shift ako hindi mapakali at makapaghintay umuwi. Inaasahan ko kasi si Greg pag uwi ko ng apartment dahil ipinangako niyang magluluto daw siya ng umagahan naming dalawa.
Isa akong waitress sa El Placer, isa sa pinakakilalang night club dito sa Maynila. Pagmamay-ari din ito ng kaibigan ni Greg kaya alam kong kahit isa itong night club, ay safe at walang mangbabastos sa akin dito. Halos dalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito at dito rin kami nagkakilala ni Greg...
"Sab, pwede bang ikaw na lang muna maghintay kay Jan? Kailangan ko na kasi talagang umuwi dahil nilalagnat yung anak ko kagabi pa", nagmamadaling sabi sa akin ni ate Martha pagkatapos niyang magligpit ng mga kalat na shot glass. Isa siya sa mga kaibigan ko at nagtayong ate mula nung nagsimula akong magtrabaho sa club. Marami na siyang naitulong sa akin kaya hindi ko magawang tanggihan siya.
"Sige, ate. Mag ingat ho kayo", nag buntong hininga na lamang ako dahil gusto ko na talagang umuwi at hindi pa dumadating ang papalit sa amin na morning shift. Restaurant din kasi ang club kapag umaga.
Ilang sandali pa ay dumating naman kaagad si Jan. Nagpaalam na ako sa kanya at dali daling sumakay sa jeep para makauwi na agad. Isang ride lang naman pauwi at maaga pa kaya nakasakay agad ako ng jeep.
Tinext ko muna si Greg upang ipaalam sa kanya na pauwi na ako.
"Mahal, pauwi na ako. Ayos ka lang ba jan? Gusto ko nang matikman ang luto mo. ;)"
Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa nakapag reply si Greg. Medjo nagtaka ako kasi kapag nagtetext ako sa kanya kapag pauwi na ako ay nagrereply kaagad siya, lalo na kapag nasa apartment siya at nagluluto ng almusal.
Pagdating ko ng apartment ay nagulat ako dahil lock ang pinto. Usually, hindi na nag lolock ng pinto si Greg para hindi na siya mag abala pang buksan ako pagdating ko.
Halos manglugmok ako ng nakita kong walang nakahanda sa mesa. Patay ang mga ilaw at ganun pa rin ang paligid nang umalis ako kagabi. Pumasok ako sa kwarto at tuluyan na 'kong nalungkot nang walang Greg ang nakahiga sa kama ko.
Nakalimutan niya kaya?
Hindi naman nakakalimot si Greg ng mga pinapangako niya sa akin. Pero lately, napapansin kong napapadalang na ang pagpunta ni Greg dito. Madalang na din siyang magreply at karamihan ay maikli lang ang mga reply niya. Hindi na rin siya ganun ka active sa Facebook. Ganun din naman ako, pero simula nung naging boyfriend ko si Greg, nagagamit ko na ang Facebook ko lalo na kapag nasa ibang bansa si Greg dahil sa kanilang business. Ito ang ginagamit niyang pangtawag at chat sa akin at nagsesend din siya sa akin ng iba't ibang pictures.
Tinext ko na lang siya at tinanong kung nasaan siya, pero hindi pa rin siya nagrereply. Hanggang sa nakatulog na lang ako at hindi na nakapag almusal.
Alas tres ng hapon na nang nagising ako. Agad ko tinignan ang cellphone ko kung nagreply ba si Greg. Pero isang missed call niya lang ang meron. Tinawagan ko siya agad at sinagot naman niya iyon.
"Sab, baby? I'm sorry I wasn't able to come today. I had an emergency call from our hospital here sa Thailand. How are you? Have you eaten already?"
Tuloy tuloy niyang bungad sa akin at hindi ko naman mapigilang ngumiti. Nawala agad lahat ng tampo ko sa kanya sa isang tawag niya lang.
"Hello, mahal. Okay lang may next time pa naman. Hindi pa po ako naka kain kagigising ko lang kasi. Sino kasama mo diyan?"
"Anton, who's that? Is that Lyla?"
Napatigil ako nang makarinig ng malambot na boses ng isang babae. May accent ito at halatang pangmayaman na boses. Pero sa kabila nun ay nakaramdam ako ng hindi pamilyar na kirot sa dibdib ko na parang kinakabahan ako.
"Greg?"
"Wait for me outside, Margarette."
Narinig kong nagbukas at sumara ang pinto.
"Sab? Sorry. Inaanak ni Dad 'yun, si Margarette. Kasama namin siya ngayon dahil isa siyang doctor dito sa hospital namin."
Hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo si Greg. Kapag hindi naman kasi big deal, hindi na nag eexplain pa si Greg kapag hindi ko siya tinatanong. Pero kapag may tinatago siya o pinagtatakpan, dire diretso siyang magpaliwanag.
Nagbuntong hininga na lang ako kahit medjo nagdududa ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Eto siguro ang tinatawag nilang 'instinct'.
"Sab?"
Bigla akong nabalik sa ulirat ko nang nagsalita muli si Greg.
"Ah, oo, sige. Sige na baka may gagawin pa kayo. Mag aayos din naman ako para sa trabaho."
"Tsk, how many times have I told you to leave that job already? I can provide you with anything or give you are better job than that", he scoffed. Ilang beses na niya kasi akong sinabihan na sa kanyang kumpanya na lang ako magtrabaho.
"Greg naman, napag usapan na natin ito."
Pero kahit ganun ay nirerespeto pa rin niya ang trabaho ko. Hindi niya kailanman pinaramdam sa akin na ganoon lang ang trabaho ko, na isa lang akong waitress at hindi katulad sa mga babaeng nahuhumaling sa kaniya.
"Okay, okay, babe. Just be careful, okay? I'll be home soon. I miss you."
"I miss you too, mahal", napangiti na lang ako. Ngunit napawi din ito nang narinig ko na naman ang boses ng babae kanina.
"Anton, ano ba, let's go."
Nagmamadaling nagpaalam naman si Greg na para bang hinuhuli siya ng mga pulis.
"I have to go..."
"Mag ingat ka. I love-"
Hindi na natuloy ang sinabi ko dahil binaba na niya ang tawag. Bigla akong napaisip kung sino ang babaeng iyon. Sinabi naman niya na inaanak ng papa niya, pero bakit Anton ang tawag sa kanya? Sabi kasi niya ay mga taong mahal niya lang ang tumatawag sa kanya ng Anton. Pero ako, mas pinili kong Greg na lang itawag ko sa kanya.
Minabuti kong huwag na lang isipin yun at nag ayos na ako para sa trabaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/42300535-288-k585914.jpg)
BINABASA MO ANG
All That Matters
Romance"I met her in the most unusual way I could ever imagine. She was unlikely the woman someone like me would date." -Gregory Anton de Stefano "Bakit?", was the same question and probably the only word she could come up with. She was there, standing bef...