..................................................................please vote AND COMMENT
.................................................................
One week na ang nakalipas ng dumating kami dito sa pinas.Medyo naninibago padin si gelu sa mainit na temperatura dito , lalo na sa mga damit na isinusuot niya ngayon. Hindi tulad sa states na puro sweaters and long sleeves, binilan sya ni Dad sa mall ng ibat ibang sando na karaniwan ay stripes ang design.Araw-araw ay kinukulit ako ni gelu dahil gusto nya na daw mag school kaya napagpasyahan kong asikasuhin ito habang, hndi pa ako pumapasok sa kompanya. Maybe next week ay Idedeclaire na ni Dad ang pagiging CEO ko at dahil don ay magiging busy ako ng sobra hindi ko naman ito pwedeng iasa kay Ate dahil nagtatrabaho na siya sa isang private school na di kalayuan sa condo ko dati ,maayos pa naman iyon talagang kailangan lang linisin ang mga alikabok dahil sa tagal kong hindi nakabisita dito dahil sa pangingibang bansa ko , ipinahiram ko muna iyon kay ate para mas madali syang makapasok sa trabaho .Sa heiress ko ipinasok si gelu tutal ay ito ang pinaka malapit sa aming bahay.Mayroong anim na nagtataasang building ang heiress tatlo para sa college dalawa sa highschool at isa para sa elementary and kinder malaki na din ang ipinagbago ng school na ito balita ko ay si Sarah na ang mayari nito,ayon kay seb ay ipinamana ito ng yumaong tita niya sa kanya .
Nagbayad ako ng whole year tuition para kay gelu kasama na din ang uniforms and books at iba pang school supplies na kakailanganin niya.Palabas na ako ng heiress ng makita ko ang isang pamilyar na babaeng kabababa lang ng kanyang sasakyan,napaka elegante at may mahaba at kulot na buhok, pagkababa ay agad na siyang binati ni manong guard
Yeah right!! Si Sarah nga! Just like the old times wala syang pakeelam sa ibang tao taas noo nyang nilampasan si manong na kaninay nakangiti at ngayon ay tila napahiya dahil sa paglampas lang sa kanya ng bruha.
Naglakad ako patungo sa aking Benz na nasa gilid papasok na ako ng nag ring ang phone ko at nag register ang isang unknown number
*0911111111111
Calling.........
Aksidente kong na pindot Ang answer button ,at ang pamilyar na boses ni tita alaine ang bumungad sa akin.
(Hello soph? Are you there? )-tita
San kaya nya nakuha ang number ko?pumasok ako sa kotse at saka sinagot si tita
(Ahmm yes tita alaine ? It's you right? )-me
(Yes dear, nga pala sorry sa abala I just wanted to talk to you so bad.pwede ba tayong magkita,if your free now? )-tita
(Sure tita ,saan po ba? )-ako
(the coffee shop near to your subdivision )-tita
(Ok, po tita give me 10 minutes )-ako
Dali dali kong inistart ang kotse para mabilis na makarating doon malakas ang kutob ko na may kinalaman kay Angelo ang pag uusapan namin.Pagkarating ko ay agad akong pinagbuksan ng guard at hinatid sa isang reserved VIP room pagkapasok ay agad kong nalanghap ang mocha coffee na aking paborito naroon na si tita at tila busy sa kanyang hawak na dyaryo.Napalingon sya ng nabitawan ko ang dala kong paper bag ,kung saan nakalagay ang uniform at school supplies ni gelu, nakalimutan kong iwanan sa kotse dahil sa pagmamadali ko na makausap si tita,ng nailigpit ko ito ay agad siyang nagbeaso sa akin
"You came, thank you "-pasasalamat ni tita at pinaupo ako kaharap ang silyang inuupuan niya
"Ahmm tita, pwede pahingi neto "-hindi ko na napigilan at tila gusto ko ng inumin ang mocha coffee na nakalatag sa table

BINABASA MO ANG
Memorable Mistake #watty2015
General FictionIs it true that "love will find a way "? Dahil sa isang pagkakamali,hindi kailanman nagustuhan ni Sophiel si Angelo "isang kilalang playboy " na hindi nya alam ay may malalalim palang nararamdaman para sa kanya. Dumating ang pinakamalaking pag subok...