bangus

3 1 0
                                    

Si makoy na iniidolo at kinagigiliwan Ng lahat Ng mga mangigisda ay nagpamalas nanaman Ng kanyang kagalingan sa pamamagitan Ng timpak-timpak Ng isdang nagtatalunan sa kanyang "Net".

Sa Pagbalik Ng pinakamalaking bangka sa barangay San elpido, may mga nagsisitangkarang tao na lumabas, buhat-buhat Ang nagsisilakihang mga batcha  Ng mga isdang nagtatalunan. Sariwang-sariwa galing sa dagat.

Anim na tao Ang lumabas sa malaking bangka buhat-buhat Ang mga ito at Ang huling lumabas ay si makoy na halatang naeengganyo sakanyang mga huli.

Samantala Ang mga tao ay napakunot Ang mga noo sa katanungan Ng paano niya nakukuha Ang Hindi kapani-paniwalang dami Ng mga isda sa kakaunting oras.

Sa tindi Ng kuryosidad Ng mga Ibang mangingisda ay sinusundan nila Ang malaking bangka ni makoy patago.

Ngunit sa bawat sunod nila ay nakikita lang nila  ito naghihintay sa dagat habang hawak-hawak Ang malaking "net" nito at biglang pag Hila niya Ng mga ilang minuto ay kadamak-mak Ng mga isda angt lilitaw sa kanyang "net".

Ang hula Ng lahat ay isa siyang mangkukulam na gumagamit Ng mahika upang makahuli Ng masagana ngunit may isang tao na pinasok patago Ang kanilang bahay at halos Wala Naman nakitang gamit Ng isang mangkukulam sa bahay nito.

Pero Ang lahat ay nagtataka sa dami banaman Ng isda na nahuhuli niya Araw-araw ay Hindi man ito bumili o nagpagawa Ng isang malaking bahay at Hindi man nagtangka na magkaasawa o manligaw sa kadami-daming babae na nagkakandalapa sa binata.

Habang Ang mga kapit-bahay ay abalang magchismisan ay etong si makoy ay abalang bilangin Ang kanyang mga kinikita.

Sa sobrang daming naipong Pera ni makoy sa loob Ng kanyang munting bahay ay naisip Naman neto na magpalago sa kanilang bayan Hanggang sa umabot na siya sa maynila bilang isang kumpanya na nagbebenta Ng delatang isda na pangalan ay "isda ni makoy" at tinaguriang din Ang kumpanya niya na pinaka malaking "supplier" sa pilipinas pagdating sa laman-dagat.

Sa sobra Ng kanyang kayamanan ay binili niya ang malaking porsyon Ng lupa katabi Ng barangay  San elpidio at nagpagawa Ng isang napakalaking building na umabot Ng limang taon para ipagawa. Ang mga kalapit nitong mga syudad at mga barangay ay kitang kita ang napakatangkad na "building" na sumisimbolo sa yaman ni makoy at Ng kanyang kumpanya.

Dahil Ang karagatan Ng elpidio Ang pinaka sentro Ng pangisdahan Ng mga barko ni makoy ay pinaalis niya Ang mga residente ng ibat Ibang barangay malapit sa karagatan at binigyan silang lahat Ng bahay na matitirahan sa maynila. Ang Iba ay nagrebelde dito at pinaglaban Ang kanilang ari-arian ngunit sa sobrang makapangyarihan ni makoy ay may kapit den siya sa pamahalaan Kaya Ang mga pulisya at Ang kanyang mga pribadong sundalo ay pinipigilan silang lahat.

Sa huli ay sumuko den Ang mga residente ng ibat Ibang barangay malapit sa karagatan ngunit lahat sila ay nagtataka sa pangangailangan ni makoy Ng mga sundalo na may hawak talagang malalaking baril.

Ngunit isang Araw, isang malakas na bagyo Ang dumaan sa karagatan Ng elpidio na sumubok sa katatagan Ng "building" ni makoy. Samantala sa karagatan, sa sobrang lakas Ng hampas at laki Ng mga alon sa karagatan ay hindi nila inaasahan na Ang karamihan Ng mga nangingisdang barko ay bumaliktad at lumubog.

Nagsalita si makoy sa lahat Ng "speaker" na isarado lahat Ng mga pintuan dahil sa sobrang lakas Ng bagyo at itigil muna Ang mga trabaho ngayun.

Pagkatapos niya magsalita sa mga "speaker" ay biglang nag "brownout" Ang buong building. Hinala ni makoy na dahil ito sa bagyo at nagdabog sa  kanyang lamesa.

At nang biglang may mga pinaghalong sigawan at putukan Ng baril ang nag "echo" sa kanyang opisina at kagad na binunot Mula sa kanyang "drawer"  Ang isang "M16 rifle" at"flash  light". kagad itong kinasahan Ng bala at nagdala pa Ng mga bala bilang reserba.

Ginamit niya Ang hagdanan sa pagbaba at mahinhin siyang naglakad Ng tahimik sa nagdidiliman niyang malawak na "20th floor".

Habang inoobserbahan niya Ang buong lugar gamit ang kanyang flashlight ay biglang sa malapit ay may naririnig siyang wagis-gis Ng palik-pik tulad sa isang isda.

At Ng tinapat ni makoy Ang kanyang "flashlight" sa Lugar kung saan niya ito narinig ay may isdang napakalaki na may anim na paa na kawangis Ng sa gagamba ang kagad naglakad Ng matulun papunta sakanya ngunit si makoy ay tila Hindi nagulat Ng ito'y at kagad na pinaputukan Ng baril Ng walang hesitasyon.

Ito'y nagpatuloy Hanggang sa umabot siya sa unang palapag at lumabas sa kanyang sira-sira at basag-basag na building Ng ounong-puno Ng dugo na amoy malansa tulad sa dagat.

Sa paglabas niya ay nakakita siya Ng mga nagsisilakihang isda na tulad Ng kanyang unang engkwentro na may anim den na paa.kawangis sa gagamba.

Wala siyang marinig maliban sa malakas na  paglapag Ng tubig sa lupa, at Ang palik-pik Ng mga naglalakad na isda na genegewang nila.

Sinubukan niyang barilin Ang mga ito ngunit halos nakalimutan na niya na matagal Ng walang bala Ang kanyang baril at pinatay niya Ang mga naglalakad na isda gamit Ang kanyang kamay at patalim na nahanap niya.

Habang tinititigan ni makoy Ang mga naglalakad na isda ay Ang mga mata Neto ay namula Ng siya'y titigan.

At nang bigla, Ang isang napaka laking paa na kasing payat tulad sa gagamba at kasing laki Ng kalahati Ng "building " ni Jose ang umahon sa karagatan. Paunti-unti Ang Ibang paa ay umahon den at sa huli inahon neto Ang kanyang katawan na kawangis ang isang bangus pero may anim na paa.

Lahat Ng mga naglalakad na isda ay tumingin sa higanteng bangus at niyuko Ang kanilang mga ulo.

Samantala si makoy ay tinitigan lang ito Ng parang Wala lang.

At biglang gumawa Ng pinagsama-samang tunog ang higanteng bangus. Pinagsama-samang,tunong Ng elepante,tahol Ng aso at twit-twit Ng mga ibon.

Sa bawat paggawa nito Ng tunog ay napapansin ni makoy na eto ay nagsasalita Ng kanilang lengguwahe pero Ang boses nito ay sobrang lalim para maintidihan.

Sumagot si makoy Ng OO at sa kasalukuyan ay balitang-balita Ang unti-unting pagbukas Ng mga nag-iinit na butas sa ilalim Ng lahat Ng karagatan sa Mundo.

At balitang Balita den Ang biglaan pagatake sa pampangan Ng mga isdang naglalakad.

Ang buong Mundo ay kagad Ng kumilos Lalo na Ang mga bansa sa "Asia" dahil sila Ang mga unang inatake samantala Ang mga pari at relihiyosong tao ay nakita na nila ito bilang senyales Ng pagdating ni hesus sa lupa dahil tulad sa Sabi bagong nadiskubreng libro sa ehipto na nagdaan Ng ilang Araw upang "Itranslate" ay nagsasabi na Ang katapusan Ng Mundo ay magsisimula Ng pagkilos Ng mga laman-diyos sa lupa.

DEMEATHATMEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon