Eto ay naganap nung panahon ng pagdeklara Ng Marshall law Ng bawat bansa.
bawat "airport" ay pinasara. Ang kalakaran pang-internasyonal ay bumagsak.napilitan Ang bawat bansa na magsari-sarili muna.
Kala Naming lahat ay eto ay pansamantala ngunit kami'y nagkakamali.hindi rin Namin masisi Ang mga presidente Ng bawat bansa dahil Ang hangad lamang nila ay kaligtasan Ng kanilang mamayanan Mula sa mga Hindi makamundong nilalang at pangyayari.
Nung panahon na iyon ay bawat "channel" sa telebisyon ay sarado. Ang channel lang na mapapanood mo ay Ang "channel" na gawa Ng gobyerno na binabalaan Ang lahat na mag-ingat lagi sa paglabas dahil sa mga nilalang na nagpapakalat-kalat sa paligid.
"Mamayanan Ng Luzon kayo'y mag-ingat.pagsulpot Ng mga higanteng nilalang na mala-tao Ang katawan na may butas butas sa buong balat na may Mukha tulad sa isang halimaw ay natagpuan sa Bulacan,caloocan at quiapo na sinisira Ang mga estraktura sa paligid Neto. Salamat sa ating militar ay kagad silang napaslang.
Pagkatapos Ng pangyayari ay kagad inimbestigahan Ng mga militar kung saan nagmula Ang mga halimaw at napagtanto nila na sila ay nagmula sa ilalim Ng lupa",
Sabi sa telebisyon.Ang bawat bilihin Ng mga panahon na ito ay nagmahal.karamihan Ng mga ofw natin sa Ibang bansa ay naistuck sa Ibang bansa at halos matinding tag-gutom Ang namahala saamin lahat.
Kami'y walang magawa sa panahon na iyon sapagkat karamihan Ng mga kumpanya ay nagsarado maliban sa mga "factory" na bantay sarado Ng sandamak-mak na mga sundalo sa paligid para panatilihin Ang proteksyon.
"Isang syudad sa visayas ay tila nalunod sa isang maitim na likido na pumapatay Ng buhay pag nadikit dito. Ang mga Mayor Ng kalapit na syudad ay kagad Ng nagdeklara Ng "city wide evacuation", palayo sa syudad kung saan nag papatuloy parin Ang pag angat Ng maitim na likido.Sa ngayun Ang gobyerno ay gumagawa na Ng solusyon kung paano pupuksain Ang itim na likido".
Sabi sa telebisyon.Araw-araw ay may putukan lagi sa kalsada dahil ibat-ibang halimaw Ang nakakaharap Ng mga militar sa paligid.iba ay namamatay kagad samantala Ang iba Naman ay halos buhay Ang kapalit upang makapatay, Kaya Ang gobyerno ay kagad Ng bumuo Ng "special task force" Mula sa mga sundalong nakaligtas at nakapatay Ng mga malalakas na halimaw o nakaligtas sa pag-atake Ng isang malakas na halimaw.
Ang task-force na ito sa pagkakatanda ko ay Ang "unworldy-counter forces". Baon-baon nila ang mga malalakas na kalibre Ng bala at nakasuot Ng "gas mask" at Hindi Basta-bastang masisira na
"Body armor" sa buong katawan.Pansamantala ay Hindi pa umabot Ang pasko ngunit napatunayan na halos Hindi pang-matagalan Ang pagiging epektibo Ng bagong pwersa sapagkat Ang mga nakakalaban Ng buong bansa ay mas lumalakas. mas lalong nagiging kakaiba at tumatalino sa Punto na halos madalian nalang mapatay Ang mga sundalo.
Dahil lumalakas Ang mga halimaw at tumitindi din Ang mga pangyayari sa bawat parte Ng bansa ay sinubukan Ng gobyerno Ng pilipinas na tapatan Ang mga halimaw at puksain sila kagad Kaya Ang presidente ay tinipon-tipon Ang mga henyo at may matindi ng napatunayan sa larangan Ng siensya sa bansa upang isolba o obserbahan Ang mga ito.
Tinawag ito Ng gobyerno na asosasyon Ng siensya at lohika Ng pangyayari.
pagkabuo sakanila ay kagad nang kumilos Ang mga siyentipiko at inobserbahan ang bawat pangyayari at pinag-eexperimentohan Ang mga patay na katawan Ng mga halimaw.
Sa pagdating Ng disyembre ay nadiskubre nila Ang isang elemento na tinatawag nila na "element 677", isang "invincible" na elemento na natatagpuan malapit kung saan nagmumula Ang mga halimaw o mga Hindi makamundong pangyayari.
Pagkadiskubre kagad Neto ay kagad na sinubukan Ng presidente Ng pilipinas na tawagan Ang iba pang presidente sa Ibang bansa upang ibahagi Ang kaalaman na kanilang nakuha ngunit dahil sa matagal na walang koneksyon Ang lahat Ng bansa sa isat-isa ay Hindi alam Ng pilipinas na matagal na den ito nadiskubre Ng iba pang bansa at kinumbinsa Ng pilipinas Ang Korea at america na tawagan den Ang mga ibat-ibang bansa, at dito nangyari Ang tinatawag nilang "international wide call" kung saan nag kamustahan Ang bawat bansa muli patungkol sa mga pangyayari sa bawat isa.
Ang Ibang bansa ay kinukumbinse na buksan muli Ang internasyonal na kalakaran upang lumago uli Ang kanilang bansa ngunit karamihan Ng bansa Lalo Na Ang america at Soviet union ay kagad umayaw sa ideya.
Sa panahon na ito ay himala nalang kung Hindi kapa namatay sa gutom.sa halos lomolobong presyo Ng bilihin na Ang gobyerno na mismong Ang namimigay Ng pagkain pang araw Araw. Pang malawakan Ng sakit sa utak Ang kumalat sa mamayanan na Pinabayaan na sila Ng gobyerno ngunit bago pa magsimula Ang riot ay karamihan Ng mga aktibista ay kagad nang nakain Sila Ng mga lumilitaw na halimaw sa bawat direksyon.
At ngayon sa kasalukuyan ay Ang bansang pilipinas ay bahagi nalang Ng isang memorya ng nakalipas. Wala Ng Balita patungkol sa asosasyon ngunit Ang militar ay kumikilos parin Hindi sa utos Ng gobyerno ngunit utos Ng kanilang gawa-gawang lider at pinupwersa Ang mga tao dahil naniniwala sila na kontrol Ang magiging susi sa Pagbalik Ng bansa.
Kala nang lahat ay mananatili Ang pilipinas na matatag ngunit Ang pag-atake sa malacañang Ng mga halimaw ay matagal na sanang inasahan ngunit Hindi ito napaghandaan.nakakalungkot at nakakadismaya kung paano nagtapos Ang bansa.
At ngayon bagsak na Ang gobyerno na dati naming nininilayan ay patawarin ninyo kami mga bagong henerasyon at nabuhay kayo sa ganitong sitwasyon, ngunit kaming mga nakalipas ay may pangako na alagaan kayu at panatilihin kayung buhay at ipakalat Ang kwento Ng nakalipas. Wag ninyo Sana kaming kalimutan at Ang kwento Ng ating bansang pilipinas. Ngayun ay magsitulog na kayu habang kami dito ay nagbabantay.
Lilipat tayu Ng Lugar kinabukasan at papatay Ng mga halimaw sapagkat eto Ang ating buhay.